Rhian Ramos’s mom on relationship of actress-daughter with KC Montero: “Let’s put it this way, nakakahinga ako nang mabuti!”

Ito ang pahayag ng ina ni Rhian Ramos na si Mrs. Clara Ramos-Howell sa mga kontrobersiyang pinagdaanan ng kanyang anak na aktres: “It’s so sad, you know, there’s so many bad people out there who will judge and who will ano. It’s just so nice that there are people too who can see what’s right, what’s good. I mean for a girl her age who has gone something like that, it’s not easy. It’s a very painful time for


Todo ang suportang ibinibigay ng mommy ni Rhian Ramos na si Mrs. Clara Ramos-Howell sa kanyang anak na aktres sa lahat ng ginagawa nito.

Gaya na lang ng charity work ni Rhian nang ipagdiwang niya ang kanyang ika-22 kaarawan kasama ang mga batang may cancer sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City kahapon, Oktubre 17.

Noong Oktubre 3 ang actual birthday ng aktres.

Si Mommy Clara pa ang nanguna sa pagdarasal at sa pag-imbita sa mga bata at magulang na makisali sa mga palaro at kasiyahan. Sinamahan niya rin si Rhian sa pamimigay ng mga pagkain at regalo sa mga bata.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mommy Clara at hiningan namin siya ng birthday wish para kay Rhian.

Sabi nito, “Birthday wish for Rhian… naku, first time may nagtanong sa akin ng birthday wish this year.

“Of course, I always pray for her success, always for her safety, always for all her desires and dreams to come true.

“But most of all, God’s will for her life—and that’s the most important thing more than anything.

“Kasi alam ko naman na yun ang key to joy and everything else… it’s really for her to get closer and closer to God.”



CLEAR OF CANCER. Ikinatuwa rin ni Mommy Clara ang sinabing dahilan ni Rhian kaya ang PCMC ang napili niya ngayong taon na pagganapan ng kanyang kaarawan.

Ilang taon na rin kasing sa Child Haus ginagawa ng aktres ang birthday niya.

Ayon kay Rhian, “Close yung heart ko, especially sa cancer patients.

“I have a couple of family members who has had cancer and my best friend had leukemia before.

“When I was younger, my eyes were opened to the world of, kapag may sakit, kailangan talaga everyone has to help out.”

Ang tinutukoy ni Rhian na family member na nagkaroon ng cancer ay ang mismong mommy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong isang taon kasi ay na-diagnose si Mommy Clara na may Stage 1 breast cancer. Pero ngayon daw ay clear of cancer na siya.

Pagbabahagi nga ni Mommy Clara, “I’m okay now.

“Actually, I didn’t have to have chemotherapy kasi we fought it at a very early stage.

“So, talagang there’s truth to early detection.

“And if I can have this opportunity to encourage women to go for early check-up, it will save lives.

“Talagang early detection is the key to saving lives.”

Nag-undergo raw siya ng surgery and medication. Proud nga siyang sabihin na siya ay isang cancer survivor.

“I’m proud of Rhian because she was with me the whole time. And now she’s doing this for the kids.

“We can relate to what they’re going to. And in our own little way, we want to make them happy.”



WHAT SHE THINKS OF KC. Inusisa rin ng PEP si Mommy Clara tungkol sa karelasyon ngayon ni Rhian, ang TV-radio host na si KC Montero.

Ano ba ang masasabi niya tungkol kay KC?

“Well, he’s a very nice guy. Mabait si KC.

"He’s very funny and really nice to have around, masaya siya at magaan na kasama.”

Boto ba siya kay KC para sa anak niya?

“Wala naman sa akin yun, e. I’m just pleased that they have a lot of fun together.

“You know, they seem to… they have the same sense of humor, yun. Natutuwa lang ako sa kanila.”

Hindi naman lingid sa kanya na naging usap-usapan din noon na sa mga nakaraang karelasyon ni Rhian ay hindi siya ganung kaaprubado. Bagay na tila kakaiba ngayon kay KC.

So, okay ba sa kanya ang relasyon ngayon nina Rhian at KC?

“Let’s put it this way, nakakahinga ako nang mabuti!” sabay tawa ni Mommy. “Like I said, magaan silang dalawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


RHIAN’S CAREER. Masaya ba siya sa itinatakbo ng career ni Rhian?

“Okay naman, yeah, I am,” sagot ng ina ng aktres.

Kakapirma lang ulit ni Rhian ng network contract sa GMA-7 at ikinatuwa nga ito ni Mommy Clara.

“Yeah, I’m very happy about that.

“Because GMA has been part of Rhian’s career from the very beginning and siyempre parang home na niya yun. And I’m very happy about that.

“They’re very supportive and has always been very supportive since the beginning.”

Ilang taon na ring iniintriga si Rhian na malakas daw sa Kapuso network dahil ang tiyahin nito na si Ida Henares ang dating head ng GMA Artist Center.

Ngayong wala ni Ms. Ida sa GMAAC, siguro naman daw ay titigilan na si Rhian ng mga nang-iintriga sa pagpirma nito ng bagong kontrata sa GMA-7.

“I think now people will see… I think now people will understand na yung claim na yun na palagi nilang… or some people na paulit-ulit na sinasabi, they will now understand that it’s a myth. It’s not true.

“In fact, sa totoo lang, in the beginning, it was Ida who was hesitant… even before siya yung hesitant because she knows everything about showbiz, it’s not easy and all of that.

“It was only until Rhian was really sought because of her commercial, alam n’yo naman yun, di ba? So, that was the only time na, okay, sige.

“So, it wasn’t because of Ida, it wasn’t because of her tita… the reason that she is there.

“Ako lang, in the sense na my daughter would be anywhere, I would like, of course, mabuti na yung mga taong mapagkakatiwalaan, di ba?”



FAMILY SUPPORT. Late last year hanggang early this year ay nasangkot si Rhian sa matinding intriga lalo na yung may kaugnayan sa dati nitong boyfriend na si Mo Twister. Natural lang daw na pati si Mommy Clara ay maapektuhan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paano niya sinuportahan si Rhian sa mga pinagdaanan nito?

“Well, of course, me and her family, we were surrounding her the whole time.

"Of course, we give her a lot of love.

“I know it was very difficult, especially for a girl her age, a young girl.

“It’s so sad, you know, there’s so many bad people out there who will judge and who will ano.

“It’s just so nice that there are people too who can see what’s right, what’s good.

“I mean for a girl her age who has gone something like that, it’s not easy. It’s a very painful time for all of us.

“But God is good. It’s all over,” saad ni Mommy Clara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN