Jericho Rosales elated about foreign reviews of his indie film Alagwa

Tentative pa na sa huling bahagi ng Nobyembre ipalalabas sa Pilipinas ang indie film na Alagwa, na pinagbibidahan ni Jericho Rosales. Ayon sa aktor, inaayos pa nila ang mga detalye ng distribution ng film sa bansa. Umaasa naman si Echo na sana’y maging mainit din ang pagtanggap ng mga Pinoy sa pelikula, gaya ng magandang response ng audience sa Busan International Film Festival sa South Korea, kung saan nag-premiere ang pelikula noong nakaraang linggo.


Masayang masaya si Jericho Rosales sa kanyang pagbabalik sa bansa matapos dumalo sa Busan International Film Festival sa South Korea noong nakaraang linggo.

Doon naganap ang world premiere ng indie film na Alagwa (Breakaway) na pinagbidahan at iprinodyus ni Jericho, kasama ang direktor ng pelikula na si Ian Loreños at dalawa pang co-producers.

Ang pelikulang ito ay halaw sa tunay na kuwento ng isang amang ginawa ang lahat ng kanyang makakaya mahanap lamang ang na-kidnap na anak.

Tinatalakay rin ng pelikula ang isyu ng child trafficking sa bansa.

BUSAN RED-CARPET EXPERIENCE. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jericho noong Martes, October 16, sa 40th anniversary ng Collezione C2 sa Rockwell Tent sa Makati, ikinuwento ng aktor ang kanyang naging karanasan sa festival.

"Kung ano iyong in-expect ko, siguro mga ten percent lang ng lahat ng nangyari,” simula ni Echo.

"It was the longest red carpet na nilakaran ko and lahat ng nandoon, karamihan... actually, lahat ng nandoon, movie fans... I mean, film fans.

"Lahat sila mahal nila iyong festival, so noong naglakad kami sa red carpet, pinapalakpakan kami.

"And then, I think sobrang laki ng venue, may outdoor cinema na doon naka-project iyong mga images noong lahat ng stars, directors, lahat ng mga producers parang ganoon.

"And we were well-received kasi... ibig kong sabihin, lahat ng mga stars, hindi lang kami.

"So, doon pa lang, parang naramdaman ko iyong suporta ng buong Busan doon sa festival and that made me feel good as an actor, parang ganoon."

Bukod sa cast members at ilang production staff ng pelikula ay kasama rin ni Jericho ang nobyang si Kim Jones nang magpunta ito sa South Korea.

Aniya, maging si Kim ay tuwang-tuwa sa naging karanasan nila doon.

"Magkasama kaming lumakad [sa red carpet] and then talagang ibang klase iyong experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, noong nanood kami ng first screening namin, kapag lilingon ako ng ganoon... so maririnig ko kasi iyong mga tao minsan tumatawa, tapos masa-shock, tapos iiyak.

“So, pagtingin ko, mga lumuluha sila and they stayed until the end of the credits."

Kuwento pa ni Jericho, sa tatlong beses na ipinalabas ang pelikula sa festival—na tumagal ng sampung araw mula Oktubre 4 hanggang 13—ay palagi raw napupuno ang mga sinehan.

Wika niya, "Number one, they liked the film siguro.

"Number two, talagang supportive lang sila sa pelikula.

"So I felt, ’My gosh, sana ganito rin sa atin dito sa Pilipinas.’

"Sana we have, you know, may mga festivals din tayo na ganoon na lahat talaga nanonood ng sine, they would line up to get tickets.

"Pinaka-nakakataba [ng puso] doon iyong reviews ng mga ano, the Q&A after ng bawat screening namin.

"They would ask questions about the film, about... of course, personal life, di ba?

"And then, nakakatuwa kasi they would translate it sa Koreano [Korean language]. So, interesting, but makikita mo iyong connection sa mga tao."

Ayon pa kay Echo, kinilala din ng ilang sikat na international publications, gaya ng The Hollywood Reporter sa Amerika, ang husay ng kanilang pelikula.

Sa website ng nasabing pahayagan, nakasaad ang description na ito tungkol sa pelikula:

“[The bottomine,] it’s all about emotion in this small but powerful drama about a father’s search for his missing son in the perilous backstreets of the Philippines.”

Dahil sa mga papuring gaya nito, nasabi ni Echo na isang "blessed trip" ang pagpunta nila sa Korea.

Nang tanungin naman kung kailan mapapanood ang Alagwa sa Pilipinas ay wala pang maibigay na konkretong detalye si Echo.

Pero aniya, malamang daw ay sa katapusan ng Nobyembre i-release ang pelikula.

“We have to fix a lot of things pa, e, siyempre it’s not that easy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero I feel good about it talaga, e.

"I’m part of the production and it’s a good film, it’s a... may ano, e, may misyon iyong pelikula.

"And I just want to say thank you to my Alagwa team, to my director for a very, very great script.

"And of course, Bugoy Cariño... Bugoy Cariño talaga.

"Kung hindi siguro siya iyong bata na ano [gumanap], hindi siguro ganoon lalabas [iyong pelikula.]

"Kung hindi siya iyong... kasi we have a very good relationship doon sa ano, so I think that’s one thing you should... isang bagay iyon na dapat ninyong abangan sa pelikula."

BONDING WITH KIM IN KOREA. Bagamat naging hectic ang schedule ni Echo sa Korea ay nakapag-bonding naman daw sila kahit paano ng nobyang si Kim Jones.

Kuwento ni Echo, hindi man sila nakapamasyal ay parang bonding na ring matatawag ang naging experience nila sa red carpet at opening ceremony ng festival.

"After the first screening, Tita Marinette—one of my managers—and Kim stayed for the Q&A, because they wanted to witness kung papaano iyon, di ba, and it was all on video.

"And after they exited the cinema, umuwi na sila, diretso na sila ng airport.

"But iyong red carpet event, iyong opening night—we had one day to eat galbi, bulgogi, at kung anu-ano pang Korean food—plus the screening, for us that was quality time.

"First time naming lumakad sa red caret tapos sa Busan pa, tapos ganoon pa iyong nangyari.

"Dinumog nga siya, e, ng mga Koreano. Kahit hindi siya kilala, kaming dalawa hindi kilala, nagpapa-picture sila sa amin kasi nga they watched the film, so ang sarap ng feeling."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN