Victor Basa says live-in partner Divine Lee is "wife-material"

Inamin ni Victor Basa na nagsasama na sila sa isang bubong ng kasintahan niyang si Divine Lee. Paliwanag ng mocel-actor, "Even if it’s medyo... di masyado maganda tingnan, I think it’s important kasi mas mabuting makita mo ang tunay na ugali kesa magpakasal… ‘Ay, hindi pala!’ I think it’s practical din, e.”


Para kay Victor Basa, ang girlfriend niyang si Divine Lee na ang “wife material.”

Kaya masasabi ng model-actor na seryoso na ang kanilang relasyon at napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Victor sa presscon ng bagong daytime drama series ng GMA-7 na Cielo de Angelina kahapon, October 17, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Sa loob ng tatlong taong relasyon nila ni Divine, lagi raw inu-open ni Victor ang usapan ng pagpapakasal. Pero tingin daw niya ay hindi pa ganun kahanda ang kasintahan.

“Ako usually ang nagbi-bring up. It’s usually the guy, e.

“Parang pakipot pa siya, e.

“We’re still looking for the stability,” sabi niya.

LIVING TOGETHER. Inamin ni Victor na sa ngayon ay nagli-live-in muna sila ni Divine.

Mas gusto raw niyang dumaan muna sa ganung proseso para handang-handa na sila kung sakaling napagdesisyunan na nilang magpakasal.

“Dati, I stayed sa house ko for a while, tapos pabalik-balik kami, medyo napagod na rin.

“So, we’ll try it out kasi even if it’s medyo... di masyado maganda tingnan, I think it’s important kasi mas mabuting makita mo ang tunay na ugali kesa magpakasal… ‘Ay, hindi pala!’

“I think it’s practical din, e,” paliwanag niya..

Maayos daw ang usapan nila sa pagsasama nila sa iisang bubong.

Wala pa silang joint account at sila ang humahawak ng kani-kanilang pera, at maayos daw silang naghahati ng mga gastusin sa bahay.

THE ONE. Seryoso naman daw siya sa relasyon nila ni Divine at masasabing ito na nga ang babaeng pakakasalan niya.

“Wala namang lalaking matino na papasok sa relationship na walang planong magpakasal, di ba? It’s serious now,” sabi pa ni Victor.

Kaya sinasabi raw niyang “wife-material” si Divine dahil napakaalaga nito—hindi lang sa kanya kundi sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Number one, napakahilig sa kids.

“Saka super-loving, maalaga, saka napaka-organize niya sa mga stuff sa bahay,” paglarawan niya kay Divine.

Pero wala pa raw muna silang planong magka-baby dahil gusto niya pagkatapos na nilang magpakasal.

“Wala pa naman plano magka-baby.

“If ever, siyempre it’s a blessing from God.

“Basta sa timeline ko, kasal muna tapos baby,” seryosong pahayag ni Victor.

Ang Cielo de Angelina, na pagbibidahan nina Bea Binene at Jake Vargas, ang kauna-unahang project ni Victor sa GMA 7.

Nagpapasalamat ang dating Kapamilya star dahil tinanggap siya ng Kapuso network.

“Kailangan ko mag-ipon pa,” napangiting sabi ni Victor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN