Lemuel Pelayo proud to be the lone male Mercator talent in ABS-CBN

Ipinagmamalaki ni Lemuel Pelayo na nag-iisa siyang male talent ng Mercator na nasa ABS-CBN. Sabi niya, “Pero para sa akin, iba talaga ang ABS. Masarap makipagsabayan sa kanila kasi marami silang pool of talents. Yung alam mo na kapag wala si ganito, meron silang huhugutin na ganito, na magugulat ka na lang na kaya nila.”


Si Lemuel Pelayo lang ang male artist na hawak ng Mercator Model and Artist Management na nasa Kapamilya network.

Karamihan kasi ng mga kasamahan niya sa kanilang manager na si Jonas Gaffud ay nasa GMA-7; gaya nina JC Tiuseco, Mikael Daez, Benjamin Alves, at Fabio Ide.

Si Daniel Matsunaga naman ay lumipat na sa TV5 ngunit nagsimula rin sa Kapuso network.

Pero hindi naman nag-iisa si Lemuel na Mercator talent na nasa ABS-CBN. Kasama niya rito ang beauty queens na sina Venus Raj at Shamcey Supsup.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lemuel noong Biyernes, October 12, tinanong namin siya kung sa palagay niya ay nakakalamang siya sa ibang taga-Mercator male talents dahil siya lang ang nasa Kapamilya.

Sabi niya, “Oo, although prepared ko rin naman na magtrabaho kahit saan.

“Pero para sa akin, iba talaga ang ABS.

“Masarap makipagsabayan sa kanila kasi marami silang pool of talents.

“Yung alam mo na kapag wala si ganito, meron silang huhugutin na ganito, na magugulat ka na lang na kaya nila.”

MOST REMARKABLE ROLE. Bilang Kapamilya, sa unit ni Direk Lauren Dyogi madalas na nakakagawa ng teleserye si Lemuel.

Tatlong teleserye na ang nagawa ni Lemuel para sa ABS-CBN.

“Una yung Hiyas, pangalawa yung Angelito, tapos pangatlo na itong Pintada," banggit ng model-actor.

Itinuturing ni Lemuel ang karakter niya ngayon sa Pintada ang pinaka nagmamarkang role niya.

Sabi niya, “Nakakatuwa kasi ang character ko rito.

“Yung trust na ibinigay nila, yung role ko.

“Akala ko dati, parang second to the lead lang ako.

“Pero ngayon, yung nakikita kong flow ng story, parang tatlo na kaming bida.”

Ang dalawa pang tinutukoy ni Lemuel na mga bida sa Pintada ay sina Denise Laurel at Martin del Rosario.

Bakit sa palagay niya ay umangat siya sa pagiging second lead ng show?

Tugon ni Lemuel, “Well, siguro bukod sa mataas ang rating ng show namin, nagugustuhan nila ang istorya, tapos nag-extend pa kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, positive lahat ng nangyayari.”



MORE ON ACTING. Noong unang presscon ng Pintada, sinabi ng cast, kabilang na si Lemuel, na nakahanda sila kung sakaling may kaseksihan at kaunting hubaran silang gagawin.

Pero ayon kay Lemuel, iba na ngayon.

“Yung PHR [Precious Hearts Romances], hubad-hubaran talaga yun, hindi puwedeng hindi.

“Pero dito, palagi akong naka-long sleeve.

“Ang role ko, businessman, mayaman.

“Pero ‘eto, ano talaga siya, binago ni Direk Cathy [Garcia-Molina] ang story.

“Ginawa niyang mas nakatutok sa acting.”

HIS IDOLS. Nagsimula si Lemuel sa indie films kaya mabilis ang sagot niya nang tanungin ng PEP kung sino sa mga aktor ngayon ang hinahangaan niya o gusto niyang tularan.

Aniya, “Siyempre sa ABS, ang pinakamainit si Coco.

“At saka, gusto ko yung acting din niya talaga.

“Pinapanood ko siya sa Walang Hanggan kapag may oras ako. Tinitingnan ko ang acting niya.

“Gayundin sina Christopher de Leon... pinapanood ko sila.

“Yung galaw ng acting nila... hindi ko naman kinokopya, pero tinitingnan ko kung ano ang makukuha mo rito.

“Kung papaano mo... hindi naman maipapareha sa ‘yo, pero ano ang mailalabas mo na bago.”

Nai-inspire ba siya kay Coco bilang pareho silang galing sa indie?

“Mas nai-inspire ako—si John Lloyd [Cruz] kasi okay talaga ako sa kanya.

“Siya yung bihisan mo... kahit malaki ang tiyan, di ba, kikita talaga ang pelikula.

“Yun nga ang sabi ni Direk Cathy na hindi mo kailangang mag-bandera-bandera ka para makita ka, mapansin ka ng tao.”



ANGEL LOCSIN. Wala pang nagiging ka-loveteam si Lemuel. Pero kung magiging maganda ang reception sa tambalan nila ni Denise, posibleng masundan pa raw ito ng iba.

Nakasama na rin ni Angel Locsin sa series ng sanitary-napkin commercial nila ni Angel Locsin. Hindi ba niya pinapangarap na maging ka-loveteam ang aktres?

Sagot ni Lemuel, “Siyempre, pero Angel Locsin is Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sabihin mo na nagka-partner na po kami sa commercial, iba po yung commercial sa TV.

“Yung commercial, maaaring saglit lang, makikita nilang may chemistry.

“Pero sa TV, mapapansin pa yun isang linggo, isang buwan, kung paano ninyo madadala ang sarili ninyo sa isa’t isa.

“And Angel Locsin is Angel Locsin,” pag-uulit pa niya.

Pero noong gumawa sila ng commercial, hindi ba niya nasabi kay Angel na sana ay magkapareha rin sila sa telebisyon o pelikula?

“Wala naman po akong sinabi na magka-partner kami, pero isang pribiliheyo na makasama mo ang isang big star ng Pilipinas...

“Na parang hindi mo ine-expect na makakatrabaho mo siya, makakausap mo siya.

“Ako kasi, sobrang natutuwa ako na yung mga napapanood ko lang dati sa TV, nakakasama ko na sila ngayon.

“Yung level na parang naabot mo na.

"At may natutunan ka rin sa kanila kapag nagsi-share sila ng mga story, sa mga workshop.

“Kahit paano, nai-improve mo rin ang sarili mo.”



NO LOVELIFE. Wala raw girlfriend ngayon si Lemuel at yung huli raw niyang relasyon ay isang taon na ang nakalipas.

“Actually, sabi rin ni Mama Jo [Jonas Gaffud], huwag muna.

“Kasi yung last ko rin, si Mama Jo lang din ang nag-ayos kapag nagkakaroon ng away.

“E, ngayon, busy rin naman ako.

“Lumalabas-labas pa rin naman ako kapag may time, pero hindi na siya yung commitment talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN