Richard Gutierrez on girlfriend Sarah Lahbati: "Marami, marami siyang mga personalities, mga katangian na nagugustuhan ko."

Kasama ni Richard Gutierrez na maghu-host ng Extra Challenge si Marian Rivera. Paglalarawan ni Richard sa kanyang co-host: “Kung tapang at tapang lang din, pareho kaming palaban ni Marian. Pero siyempre, may mga kanya-kanya kaming iniiwasan. May mga kanya-kanya kaming kinakatakutan. Pero kung tapang lang, matapang din si Marian, palaban din. Bilib ako sa kanya.”



Hindi na bago para kay Richard Gutierrez ang paghu-host ng reality-adventure shows.

Bago pa man siya sumabak bilang isa sa hosts ng bagong Extra Challenge, naging host na siya ng mga reality-adventure shows na Survivor Philippines at Pinoy Adventure.

Dito sa Extra Challenge, makakasama ni Richard sina Marian Rivera at Boobay.

Kahapon, October 18, sa press conference ng Extra Challenge sa Studio 7 ng GMA Network, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard kung ano pa ang challenge sa kanya ng Extra Challenge pagkatapos niyang magawa ang Survivor at Pinoy Adventure.

Sagot ng Kapuso actor, “Parang right timing nga na gagawin ko ang Extra Challenge dahil nga na-prepare na ko sa Survivor, sa Pinoy Adventure.

"At ngayon na Extra Challenge naman, parang sakto yung timing.”

Sa tatlong reality shows na ginawa niya, masasabi ba niyang ang Extra Challenge ang pinaka-challenging?

“Lahat naman ng reality show na ginawa ko, challenging.

“Pero feeling ko, ito ang pinaka-exciting at pinakamasaya dahil iba-ibang celebrities ang makikita nila na sasabak sa iba’t ibang challenges.

“And at the same time, iikot kami sa iba’t ibang location.

“So, exciting ito for the viewers and exciting din para sa amin.”



FEARS. Kung si Marian ay natatakot sa sariling dugo niya, si Richard naman ay inamin na hindi niya talaga makain ang prutas na durian.

Sino sa tingin niya ang mas matapang sa kanilang dalawa ni Marian?

Sabi ni Richard, “Kung tapang at tapang lang din, pareho kaming palaban ni Marian.

“Pero siyempre, may mga kanya-kanya kaming iniiwasan. May mga kanya-kanya kaming kinakatakutan.

“Pero kung tapang lang, matapang din si Marian, palaban din. Bilib ako sa kanya.”



HOSTING. Ayon kay Marian, bilang bago sa kanya ang hosting, natutuwa siya dahil inaalalayan siya ni Richard sa bagay na ito.

Paano ba inaalalayan ni Richard si Marian sa hosting?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga, since si Marian, first time niyang mag-host, sinabi niya sa akin na kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niyang diskarte.

“Sabi ko sa kanya, ‘Relax ka lang, kaya mo rin ‘yan.’

“Pero noong game na, noong roll na, nagulat ako dahil very natural si Marian.

“Nagulat kami dahil parang balewala sa kanya, nawala yung kaba niya.

“So, maganda. Maganda ang kinalabasan ng hosting niya.”



CELEBRITY CHALLENGERS. Ayon kay Richard, isang beses pa lang sila nakakapag-taping para sa Extra Challenge.

Ang mga artistang nag-take daw ng challenge ay sina Alessandra de Rossi, Rafael Rosell, Kylie Padilla, at Dennis Trillo.

Kanino sila nagulat sa apat na celebrity challengers?

Saad ni Richard, “Doon sa first episode namin, maraming mga revelation na magaganap dun sa mga artistang sumabak dahil may physical challenge, may mental, may psychological...

“Medyo magugulat kayo dun sa mga challenges kung anong diskarte ang gagawin nila.

“Kung paano sila nagre-react sa mga challenges, so marami. Maraming mga revelations.”

Meron bang gusto nang mag-backout dahil ayaw gawin ang challenge?

“Meron,” sagot ng actor-TV host.

“Merong kamuntikan nang mag-backout at meron din nag-backout sa challenge, so abangan nila kung sino yun.”



SARAH LAHBATI. Kung makikita si Richard ngayon, ibang-iba ang aura niya—maaliwalas ang mukha at madalas nakangiti.

Marami ang nagsasabi na posibleng dahilan nito ay ang kasalukuyan niyang relasyon sa young actress na si Sarah Lahbati.

Inamin na kasi ng aktor na may namamagitan na sa kanila ni Sarah. (CLICK HERE to read related story.)

Kung sakali, okay lang ba kay Richard na sumabak din sa Extra Challenge ang girlfriend niya?

“Ako, para sa akin, okay lang.

“Kung sino ang gustong sumabak sa Extra Challenge, basta kaya, basta safe, why not, di ba?”

Nagsabi na ba sa kanya si Sarah kung gusto niya ring sumali sa Extra Challenge?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon kasi, hindi pa dahil nag-Pinoy Adventure siya.

“Nag-guest siya sa Pinoy Adventure at nakita naman natin na talagang palaban siya.

“Very athletic din siya and hindi siya basta-basta sumusuko sa challenge, so why not, kayang-kaya niya ‘yan.”

Hindi kaya kapag si Sarah na ang sumabak sa challenges ay mas kabado pa siya para rito?

Nakangiting sabi ni Richard, “Siyempre, sisiguraduhin natin na mas safe lahat.”

Ano pa ang mga katangian si Sarah na mas lalong napapamahal sa kanya?

“Marami, marami siyang mga personalities, mga katangian na nagugustuhan ko.

“Yun, let’s leave it at that,” maikling sagot ni Richard.



EUROPE VACATION. Marami rin daw nadiskubre si Richard kay Sarah nang magkasama silang magbakasyon sa Europe.

Aniya, “Siyempre, when you travel together, mas makikilala n’yo ang isa’t isa.

“At marami rin kaming mga lugar na naikot na first time rin naming ma-experience.

“So, marami kaming memories together na masasabing magla-last.”

Gaano ba siya kasaya ngayon?

“I feel very happy, very blessed.

“Siyempre ngayon, dumating ang Extra Challenge.

“I’m happy both with my work and, at the same time, personal life ko.

“So, I feel very blessed.

“Pero siyempre, hindi naman tayo dapat maging satisfied or maging kampante.

“Kasi, you know, hindi puwedeng ganun.”

Kung tutuusin, pareho sila ni Marian na masaya ngayon sa kanilang mga karelasyon.

Kapag nagkakausap silang dalawa, napag-uusapan din ba nila ang kani-kanilang lovelife?

“Sa ngayon, parang hindi masyado, kasi nga, naka-concentrate kami sa Extra Challenge na pagdating namin sa set, talagang very focused na kami.

“Pero nagka-catch up naman kami ni Yan but not necessarily on those topic.”

Okay ba kay Richard na kung sabay na sumabak sa Extra Challenge sina Sarah at Dingdong Dantes?

“Why not? Bakit naman hindi?

“Siyempre, kung gusto ng audience natin, kung gusto ng producer natin, basta naman safe lahat, bakit hindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pareho namang palaban yun,” sabi ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN