Isabelle Daza would’t mind inviting Marian and Dingdong to her new cooking show

Isabelle Daza hopes to showcase the Daza heritage through her cooking skills. "Sana lumabas ang pagiging Daza ko. Kasi, siyempre, people always relate me with my mom, di ba? Parang beauty queen, kagandahan. But I’m equally as proud of my lola who is Nora Daza. You know, siyempre she was the first person who came out with cookbooks in the Philippines."


Magkakasama sina Isabelle Daza at Solenn Heussaff sa cooking at lifestyle show na Taste Buddies na ipapalabas sa GMA News TV tuwing Sabado, simula sa October 27.

Paglalahad ni Isabelle, “Yes, it’s a cooking show, but we will also try to incorporate siyempre some lifestyle things, like working-out…

“Maybe some tips on fashion, a little bit of makeup. But it’s based on our lives as ‘pa-chefs,’ trying-to-be-chefs.”

Kada linggo ay may mga bibisita rin daw sa kanila sa show.

“Marami kaming guests na dadating and tutulungan kami magluto or magiging judge sa pagluluto namin. And then, yun, mga guwapo, mga sexy,” saad pa ni Isabelle.


THE DAZA HERITAGE. Kilala ang lola ni Isabelle na si Nora Daza bilang isang veteran gourmet chef, restaurateur, at isa sa mga pinakaunang gumawa ng cookbook ng mga putaheng Pinoy.

Makikita ba sa show na ito ang kanyang ‘pagka-Daza’?

“Sana lumabas ang pagiging Daza ko. Kasi siyempre people always relate me with my mom, di ba? Parang, beauty queen, kagandahan," banggit ni Isabelle sa kanyang ina na si Gloria Diaz na dating Miss Universe 1969.

“But I’m equally as proud of my lola who is Nora Daza. You know, siyempre she was the first person who came out with cookbooks in the Philippines.

“Marami siyang mga restaurants, so, I’m also very proud of her, and I hope I make her proud with the food that I’m going to be cooking.

“Sana one time guest ko siya, or si Tito Sandy ko. Kasi, actually, buong pamilya ko sa mga Dazas nagluluto sila,” bida niya.

Kung ganun ay isa-isa na ba niyang tinitingnan ang recipes ng kanyang lola?

“Ok naman. Like, I was looking at my lola’s cook book recipes, a lot of very traditional Filipino food that I want to learn more about.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre ngayon, I also like parang fusion. So, parang Filipino with a bit of kunyari, French, para maiba.”

Nagpaturo na rin daw siyang magluto sa kanyang Lola Nora kahit noon pa.

“Actually, ever [since] growing up naman, e. I cook with my lola once in while. ’Tapos tinuturuan kaming gumawa ng tiramisu, ng…

“She has this very special fiesta rice she came up with, fiesta rice na may mga twelve ingredients.

“She also has pansit luglog na nine layers na talagang kailangan mong maging matiyaga. Siguro two episodes yung paggawa nun,” pabiro niyang sabi.

LIVING, COOKING ALONE. Dahil namumuhay mag-isa, si Isabelle daw talaga ang nagluluto para sa kanyang sarili.

Aniya, “You know, I cook maybe three to four times a week. At if you follow me on Twitter, on Instagram, makikita mo yung mga niluluto ko.

“Siyempre I have to practice pa, and mahirap din, kasi galing taping or work. Parang it’s so hard to cook. Especially, when you live alone na walang maglilinis after.

“Pero kailangan talaga, e. Di naman puwedeng take-out all the time,” dagdag pa niya.

INTERACTIVE SHOW. Pasta raw ang specialty ni Isabelle at ipapakita raw nila ni Solenn ang kanilang specialties sa show.

“Oo, ipapakita namin yung mga specialty namin at lahat ng mga recipes ay napakadali.”

“And what I love about this show is sobrang interactive siya. It has a blog.

“So, yung mga audience, puwede silang magluto kasabay namin with the ingredients. Interactive talaga siya.

“We will be responding to mga questions and we will be tweeting the pictures and things like that. It’s really audiences involved sa show na ‘to.

“So, I’m happy. It’s not solely on cooking. We’ll have some guests come in, teach us about kung ano ang expertise nila.

“Like, kung for example, if someone is good at training, working-out, lulutuan namin ng something healthy. ’Tapos ipe-pair niya sa kung anong work-out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s really for the audience to have a little bit of a more interactive lifestyle, healthier,” wika ni Isabelle.

EATS EVERYTHING. Wala man daw formal training si Isabelle sa culinary school pero sadyang hilig lang daw talaga nila ang magluto at kumain.

“Yeah, wala ‘kong formal schooling when it comes to cooking, I just love to eat and I love to cook. And hopefully, mga papakainin namin sa guests [masarap].”

Tinanong ng PEP si Isabelle kung meron ba siyang diet na sinusunod.

Sagot niya, "Ako, no. Wala ‘kong diet. I eat everything as long as masarap siya.

“So, I workout para puwede akong kumain ng marami.

"It’s so hard din to diet when you’re working buong araw, di ba? ’Pag on set, yun yung food and stuff.

“Minsan, if may shoot or may goal na kailangan, I’ll try to eat healthier.

“Pero I like to eat kasi, e. Kaya nga perfect ‘tong show na ‘to, kasi kakainin namin lahat ng lulutuin namin,” natatawang sabi ni Isabelle.

WORKING WITH WRITERS. Puwede rin daw silang mamili ng kanilang guests kaya naman inimbitahan na daw nila ni Solenn ang ilan sa kanilang mga malalapit na kaibigan na lumabas sa show.

“Well, hopefully, kami mamimili. Lahat ng mga friends namin sinabihan na namin. ‘Hoy, magge-guest kayo sa show namin, ah!’

“Yung kapatid ni Solenn, si Erwan, he is very good, parang chef siya. Not certified, but he’s very good.

“Yung pinsan ko si Georgina Wilson [and her boyfriend] Borgy Manotoc, sabi namin, ’You have to show what couples cook.’

“So, we’re also...what I like about the show also, is siyempre, we get to give our suggestions to the writers.

“At napaka-open ng team…they’re very creative and very open-minded to our suggestions.

"So, parang may input rin kami. Hindi lang, ‘eto gagawin n’yo!’” pagbabahagi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DONGYAN ON TASTE BUDDIES. Tinanong ng PEP si Isabelle kung ok lang ba sa kanyang maging guest si Dingdong sa show nila ni Solenn.

Sagot niya, “Puwede naman, it’s really up to our writers. They get the guests.”

Pero kung siya ang magdedesisyon?

“Why not? Dingdong and Marian as a couple come and guest?”

Ibig sabihin ba nito ay walang issue sa kanya na makasama sina Dingdong at Marian?

“No, walang issue. Gumagawa lang ng issue ang ibang tao,” pahayag ni Isabelle.

Pero aniya, gusto na lamang niyang manahimik tungkol dito, “Yes. Wala ‘kong masabi dun.”

BOYFRIEND VS. BOYFRIEND. May balak ba siyang imbitahin ang boyfriend niyang si Adrien Semblat?

“Puwede. Kasi my boyfriend and Solenn’s boyfriend [Nico Bolzico] are bestfriends.

“And they both play in the same football team. So, medyo competitive silang dalawa. So, baka Solenn and I versus them.

“But we’re also talking siyempre with our EP [executive producer] and writers, baka we’ll have a competition with Solenn and I, ’tapos yung guest namin mga judge. Masaya din yun.”

LIFESTYLE CHANGE. Kamakailan lamang ay namataan namin sina Isabelle at Solenn sa Men’s Health Urbanathlon 2012.

Madalas ba silang mag-workout nang magkasama ni Solenn?

“Actually, working-out is the new going out!

"Instead of going out and partying, we have dinner and we sleep early, and then gumigising kami ng 4 a.m., 5 a.m. to join runs together.

“Kasi siyempre mas nakakaengganyo ’pag kasama mo yung friends mo, di ba? Para happy. ’Tapos kain after, big breakfast. Yun.

“It’s just a change of lifestyle, na parang once you outgrown that stage...

“I mean, we still go out and we still party naman, but hindi na priority. Kasi siyempre we’re working.

"’Sakto, pareho pa yung schedule namin,” pagtatapos na ni Isabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN