Derek Ramsay on doing sex scene with another man: “I’ll consider it, you know. I mean that’s part of real life, too... And I’m an actor. So, baka.”

“Guys, it’s not the bed scenes or sex scenes na kailangang panoorin sa pelikulang ito, it’s the story na andaming makaka-relate,” pakiusap ni Derek Ramsay, dahil sa mas binibigyang atensyon na sex scenes niya sa leading ladies na sina Anne Curtis at Andi Eigenmann sa nalalapit nang ipalabas nilang pelikula na A Secret Affair.


Game na game na nakipagkuwentuhan si Derek Ramsay nung Martes, October 16 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng kanyang bagong endorsement na Pharmaton Multivitamins.

Naganap ang launching sa Quezon Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel.

Dito na rin niya sinagot ang tungkol sa “silent ban” diumano sa pagbanggit ng kanyang pangalan sa promo ng pelikula nilang A Secret Affair sa ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

Sa Miyerkules, October 24 na ang regular nationwide screening ng pelikula.


HIS PRIVATE PART. Sa 22 minutes na interview ng PEP kay Derek, isa sa mga sinagot niya ay ng tungkol sa balitang nahipuan siya ng kapareha niyang si Andi Eigenmann sa isa sa mga maseselang eksena nila sa A Secret Affair.

“Ha? Boom! Sino nagsabi niyan?” gulat na natatawang tanong ni Derek.

“No…we had a lot of daring scenes. We’re…kasi panoorin n’yo yung pelikula.

“We had a lot of daring scenes, yung karakter namin ni Andi.

“Yung sa amin ni Anne [Curtis] was more sensual, romantic. Yung sa amin ni Andi was just hardcore sex.”

Totoo nga bang nahaplos ni Andi ang kanyang private male part?

“Nahaplos ng ano? No, wala. I’m just so focused, I didn’t notice.”

Napansin naman ng PEP sa aktor, “Namumula ka, e”

Natatawang sagot ni Derek, “Siyempre you’re talking about my private part.

“Ikaw, let’s talk about your private part kung hindi ka rin mamula.”

Pero, seryosong sagot niya, “No, ahm…meron kaming scene na originally, full butt exposure ako, nag-usap kami ni Direk [Nuel Naval].

“When I went up to the set, dun dapat ako magbibihis sa set, paghubad ko ng pants ko, sabi ni Direk, ‘Wait, ‘yan na lang ang suot mo.’

“E, medyo boxer briefs na hapit. I think on the full trailer you’ll see it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You’ll see there I’m lying down with just my boxer briefs and agaw-eksena talaga yung puwet ko dun.”


SENSUAL AND HARDCORE. Nabanggit na ni Derek sa mga nakaraang interview niya na mas wild ang intimate scene nila ni Andi kaysa kay Anne.

Pero dahil daw sa love scene nila ni Anne sa A Secret Affair, mas tumaas ang pagiging magkaibigan nila.

“Kasi with Anne, I’ve worked with her before and we’ve done this sa No Other Woman.

“Level up yung friendship namin dun. Dito, mas lalong lumevel up, pero sanay na kami sa isa’t isa.

“And the scenes that we did, it was fun ‘cause one take lahat, e.”

Kung take one yung sa kanila ni Anne, kay Andi ba’y paulit-ulit?

“No… Yung kay Andi, iba kasi, e.

“Like I said, I’ve worked with her [Anne] before and it was really sensual, and passionate.

“Yung kay Andi… Kasi dapat wild, dapat kasi talagang lasing kami sa eksena.

“Ahm… and doon ko na-realize na hindi pala marunong mag-shot si Andi.”

Dahil hindi nga uminom ng alak bilang pampalakas ng loob sa kanilang eksena, binigyan na lang niya ng advice si Andi.

“Sabi ko, ‘Gawin na natin ‘to. Itodo na natin!’

“Kasi it was really hardcore, talagang wild, and sabi ko na, ‘Itotodo na natin ‘to, ha. Kasi it gets more uncomfortable kapag two takes, three or four.’

“She said ok.

“At, grabe, pag-red nung ilaw, ‘tapos [rolling na] yung camera, fight na talaga si Andi.

“At dun ako bumawi, kasi may eksena na sinampal niya ako…three times and ang lakas magsampal ni Andi. Sobrang bigat ng kamay.

“So, kailangan ko ng revenge. So, siya naman yung hinampas-hampas ko sa pader,” nakangiting kuwento pa ni Derek.


BROKEBACK MOUNTAIN. Dahil sa kanyang maiinit na eksena, ok lang ba sa kanyang bansagang “the sexy actor of 2012”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Guys, it’s not the bed scenes or sex scenes na kailangang panoorin sa pelikulang ito, it’s the story na andaming makaka-relate.

“Kasi you know, casual sex happens in real life,” sagot naman ni Derek.

Pero dahil kasama nga sa pagbenta sa pelikula ang sex scenes niya sa kanyang leading ladies, handa rin ba siyang tumanggap ng mga eksenang kapwa lalaki naman ang kanyang makaka-sex?

“Wala pa…but I’ll consider it you know, I mean that’s part of real life, too, you know. And I’m an actor. So, baka.”

Mungkahi namin, parang Brokeback Mountain lang ang peg.

“He-he-he… Relax ka lang,” sabi naman ni Derek sa amin.

Ang Brokeback Mountain (2005) ay isang romantic drama film na idinerek ni Ang Lee at pinagbibidahan nina Jake Gyllenhaal, Anne Hathaway, Michelle Williams, at ng namayapang si Heath Ledger.

TOPLESS DEREK. Dahil sex symbol na ang tingin sa kanya, gaano ba siya kakumportable sa paghuhubad sa pelikula?

Sagot ni Derek, “If it’s required in the scene, and I’m ok, you have to trust your director, e.

“Pero kung hindi siya…like kung binasa ko yung script at sabi ko, ‘Wow, bakit kailangan naka-topless ako dito?’

“Pero I’m very comfortable taking off my shirt even when I was still a little boy.

“You know if I could walk on the streets here without a shirt, I would. Kasi ang init-init dito.

“But, pero kunyari lang na simpleng eksena lang na gusto nila maghubad ako ng shirt and I don’t think hindi kailangan, I would tell the director na kung ok lang na hindi.

“Siyempre, he has the final say. Pero yung kagandahan sa mga directors na nakatrabaho ko, they respect their artists.

“I don’t want kasi that the selling point is paghuhubad.

“Nakita ‘yan sa No Other Woman, there are a lot of scenes, na I showed skin, but that is not what made it as a good movie, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lumabas yung mga lines, mga drama.”


GRADUATE FROM ANGELICA QUESTIONS. Samantala, natutuwa naman si Derek ngayon na hindi na siya natatanong masyado tungkol sa dating girlfriend na si Angelica Panganiban.

“At least now I graduated. You know that it took about eight months?

“I’m, you know…yeah, its nice na hindi na pinag-uusapan yun.

“’Cause six years, it’s a great 6 years, and I want to remember it that way.

“I don’t want to remember it na, six years and then breakup and walang tigil na bombardment .

“You know, six years of my life, and I was hoping, since we were so open to everybody, that they will give us their respect, too.

“They will give us time to heal, move on, and be happy for us, what we shared.

“’Cause I learned a lot from her, and I hope she learned a lot from me. And there were more good times than bad times, but unfortunately hindi na natuloy.

Birong tanong namin: “When are you going to have a perfect Sunday?”

Tugon naman ni Derek: “I’m not wearing pink.”

Muli, sinabi ng aktor na mabuti na raw ang relasyon nila ngayon ni Angelica, kahit na hindi pa sila nagkakausap nang personal.

“I’ve been ok with her for the longest time.

“I haven’t spoken to her. For me, babae siya, I give her that respect and anytime she feels she wants to talk to me, then, yeah. We’ll talk. No problem.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN