Karel Marquez details separation from the father of her kids; says she’s now ready to enter a new relationship

Matapos na makipaghiwalay sa ama ng kanyang mga anak na nakasama niya sa loob ng anim na taon, handa na raw si Karel Marquez na pumasok sa panibagong relasyon. Pero aniya, “Ready, kung makita ko. Kumbaga, hindi ready na kahit sino, ready na. Kumbaga, ready na ako kung makikita ko na siya na.”


Sa presscon kagabi, October 19 ng Yesterday’s Bride sa Studio 7 ng GMA TV Complex, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karel Marquez.

Ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang karelasyon na isang non-showbiz guy ang napag-usapan namin.

January of this year sila naghiwalay. Bakit hindi ito masyadong napag-usapan?

“Oo nga. Kasi I kept quiet, e. Parang hinayaan ko na lang. Kung may magtanong, di magtanong. Pero that time hindi din naman ako gumawa ng eskandalo during taping.

“That time nagte- taping ako ng Babaeng Hampaslupa nun, e...nung naghiwalay kami,” banggit pa ni Karel sa TV5 drama series na nasalihan niya noon.

Ano ang dahilan ng hiwalayan?

“Madami. Mainly because dalawa na ang anak namin and I’m the only one working.

“Mainly because hindi naman porke insecure siya e mananakit na siya ng feelings.

“Pagbabawalan niya ako. Madaming pagbabawal. E, iyon na nga ang income namin, which is my work.”

Ano ang mga pagbabawal?

“Ano, lahat.”

Career-related, tulad ng bawal ang kissing and daring scenes?

“Yes! And nanay na ako and I’m of age already.

“’Pag kailangan, hindi ko naman sinabing boldstar ako, pero you know, kung kailangan sa eksena, parang, artista ako, e. That’s my line of work,” sabi pa ni Karel tungkol sa ipinagbabawal sa kanyang kissing at daring scenes.

“Sana inintindi muna na artista ako, di ba?

“Parang for...bilang isang artista kung may makakasama kang non-showbiz boyfriend, dapat yung makakaintindi sa trabaho.

“I guess, I have a feeling hindi niya nakayanan kung anuman yung ginagawa ko.”

Si Karel ang nakipaghiwalay. Mabuti naman at pumayag ang lalaki.

“Siyempre, hindi siya makapaniwala.

“Kasi for six years nag-stick ako e, nagpakamartir ako, e.

“Pero siguro napuno na rin ako dahil hindi na rin healthy yung ganung nangyayari.

“Sabi ko, hindi na tama ito, na siguro start fresh ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sige pagtatrabahuhan ko nang maigi itong craft ko and I’ll do my best and ang iniisip ko lang ngayon ang mga anak ko.”


NOT MARRIED. Dalawa ang mga anak nila, ages 3 and 2.

Walang annulment na magaganap sa pagitan ni Karel at ng ama ng mga bata.

“We’re not married, buti na lang.

“We had like a ceremony in Australia, pero no papers, no civil na ano, sa beach lang pero hindi yung with the papers.”

Kanino nakapangalan ang mga anak nila?

“Sa hospital tinanong din sa akin yun, yung parang there’s a paper there kung puwede. Kasi Marquez Santos ako, di ba? My real name is Karel Marquez Santos. Ginamit ko lang ang mommy ko para sa screen name.

“So, siyempre that time, kami pa nun, di ba?”

Kaya sa apelyido raw ng lalaki isinunod ang apelyido ng mga bata.

“Pero by next year, since hindi naman kami kasal, I plan to, habang bata pa sila, I plan to put it back to my name.”

Paano kung hindi pumayag ang ama ng mga bata?

“Wala siyang choice. Wala siyang choice. Hindi kami kasal,” paniniyak ni Karel.

Gumagawa ba ng paraan ang guy na maayos pa ang relasyon nila?

“He did pero wala na talaga, parang napuno na ako.

“Kasi paulit-ulit na lang yung promises niya, e.

“Kaya nga ako nagtagal for six years, I stuck because mahal ko yung mga anak ko. Iniisip ko siyempre gusto ko buo pa rin yung pamilya namin.

“And then the last time before the breakup, nag-promise siya na hindi na mauulit yung ganyan, yung ganyan, magtatrabaho na siya, blah-blah-blah.

“Lahat-lahat ng issue, kung anong meron, nag-usap kami. Lahat ng cards, binaba namin.

“After a month, balik na naman siya sa ganun.

“Parang walang nagbago. So, parang nasanay na siya.

“So, anyway, yung breakup namin, nag-trigger lang when may ginawa na namang kalokohan. Umiyak ako. Umalis siya ng bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang kalokohan na iyon?

“Since hindi naman ako lumalabas that time while I was doing Babaeng Hampaslupa, siya kasi labas nang labas.

“So, the breakup was, for the past three days, gimik siya nang gimik.

“Kunwari Monday, Tuesday, Wednesday...Thursday may taping ako. So, Wednesday night sabi niya, ‘Ma, magbibilyar kami, ‘tsaka konting inuman lang, kasama mga kaibigan ko, barkada ko.

“Sabi ko, ‘Pa, puwede ba sa weekend na lang kasi meron akong 6 a.m. call sa Babaeng Hampaslupa. Biglang nagdabog, ‘Bakit? Ano pati ba naman yun, pagbabawalan mo?’ Ganyan-ganyan.

So, I went to my my kids’ room and hindi naman ako umiyak pero nakikipaglaro lang ako sa mga anak ko. ‘Tapos narinig ko sa master’s bedroom, parang umalis siya ng bahay.

“Nung umalis siya, tinanong ko yung maid, ‘Saan pumunta si Sir ninyo?’

“‘Hindi ko nga po alam, ma’am, e. Bigla na lang pong umalis, nakapanggimik.’

“Sabi ko, ‘Iyon, wow!’ Iyon ang naka-trigger sa akin.

“Bumuhos na luha ko, ‘tapos nanginginig na ako. Parang siguro, six years, e. Ganun.

“Tinawagan ko siya, ‘tsaka nag-text ako, sabi ko, ‘Hindi ka na...’ Bahay ko, e. ‘You’re never gonna come back here again! It’s over, ayoko na, sawang-sawa na ako!’

“Tinawagan ko daddy ko, mommy ko, lahat.

“Tapos habang wala pa siya, buti may mga balikbayan boxes, lahat ng gamit niya nilabas ko na. In-arrange ko sa guard.

“Ever since then until now, hindi pa rin siya nakatuntong sa bahay ko.”


NO FEELING ANYMORE FOR HIM. Mahal pa ba niya ang guy?

“Hindi na,” ang mabilis na sagot ni Karel.

“Iyon nga, kaya nga nagtagal ng six years, mahal ko dapat hanggang dito lang,” sabay-turo ni Karel sa isang baso na may lamang mahigit kalahating tubig.

“Sumobra, nabasag na.

“Nag-break kami January, binalikan din niya ako, sabihin nating March. Harap-harapan, siyempre kinabahan ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagtingin ko sa kanya, kahit anong tingin ko sa kanya...wala,” pagtukoy ni Karel tungkol sa nararamdaman niya sa ama ng kanyang mga anak.

Sa labas lang daw sila nag-usap that time.

“Condominium, e. Nagmakaawa, e, ‘Puwede ba tayong mag-usap?’

“Ganyan. January yun, March kami nag-usap. Sabi ko, ‘Tamang panahon na ba ito?’ sabi ko sa sarili ko. Pero alam ko sa sarili ko, wala na.

“Pero gusto niya. Para makita niya, hindi daw siya naniniwala na wala na, e. Baka puwede pa.

“Ok nag-set kami. Baba kami sa clubhouse, nag-usap kami.

“Kahit harap-harapan, kahit anong sabihin niya, wala na talaga, at nakita niya yun.

“‘Ah, totoo nga itong nararamdaman ni Karel.’

“Kasi wala na, e,” tukoy niya uli sa pagmamahal niya sa dating kinasama.

Wala raw third party sa hiwalayan nila.

“Except that, everything else except the third party.”

Gimmicks, walang trabaho, at pagbubuhay-binata ang dahilan daw talaga ng hiwalayan nila.

“To think magtu-26 na ako this month? Siya, 33 na nga, e.”


ALL THE HURT. Nananakit ba ito physically?

“Everything na sakit,” at natawa si Karel.

“For me mas masakit pa nga yung emotional na abuse, e.”

Naging battered wife ba siya?

“I don’t wanna say that,” ang tila pakiusap na sagot ni Karel.

“Lahat na ng pain siguro.”

So, battered wife nga siya?

“Inaano ko kasi ang mga anak ko, e.

“FYI, ha. Now, it’s almost a year, ha. Hindi naman sa mabait ako, pero we’re friends. We talk sa cellphone or text, pero siyempre wala na yung kahit konting sweetness.

“Alam na niya, tanggap na niya.

“Nag-migrate siya sa Hong Kong just this week. Siguro maghahanap na ng work.”

Babalik pa raw sa Pilipinas ang lalaki. Magtatrabaho lang muna ito sa Hong Kong.

Hindi naman daw niya kinailangan na mag-explain sa mga anak niya sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bata pa kasi, e. Three and two [years old].”

Paano ‘pag hinahanap ng mga bata ang ama nila?

“I have to explain? Parang hindi pa naman, kasi ako na talaga yung ano, e, hands-on.

“Pero ewan ko, parang gusto ko lang ibalik yung name ko sa mga anak ko.”

Bakit siya nagtiis for six years?

“Dahil minahal ko siya. Sobra.”


READY TO FALL IN LOVE AGAIN. Ngayon ba ay handa na si Karel na magmahal ulit?

“Oo,” sagot agad niya.

May manliligaw nga raw siya ngayon.

“May nanliligaw pero hindi ko sinasagot.”

Pero ready na ba siyang pumasok uli sa relasyon?

“Ready, kung makita ko. Kumbaga, hindi ready na kahit sino, ready na. Kumbaga, ready na ako kung makikita ko na siya na.

“Siyempre marami namang factors, yan e. Siyempre hindi na ako bata. Marami nang factors akong iisipin.

“And minsan nga isa lang, e. Iniiisip ko mga anak ko. And tanggap ang mga anak ko at mamahalin sila.”

At siyempre, bubuhayin, dugtong namin.

“Yun!” pagsang-ayon naman ni Karel.

Ang nanliligaw ba sa kanya ngayon ay tipong ganoon ba?

“Oo,” mabilis na sagot ni Karel.

So may chance na sagutin niya ito?

“Tingnan pa natin,” hindi pa tiyak na sagot ni Karel.

Mapapanood sa Yesterday’s Bride sina Lovi Poe as Andrea Manalo/Loraine at Rocco Nacino as Justin Ramirez.

Kasama rin sina Luis Alandy as Celso Agustin at si Karel bilang si Sabrina Torres.

Nasa cast din sina Ara Mina as Josie, Emilio Garcia as Pete, Ken Chan as Joel, Lou Sison as Fey, Raquel Villavicencio as Conchita, Pinky Amador as Sylvia, Nina Ricci Alagao as Suzanne, at si Mark Bautista as Dave.

Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., mapapanood na ito simula sa October 29.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN