Derek Ramsay says he does not want to use issue with ABS-CBN to promote new movie

“Let’s say if I was upset, we should have used this to promote the movie. But I don’t want to. That’s how much I respect to have for them—I don’t wanna use this to promote the movie. I want the movie to speak for itself because we all worked really hard for this," sabi ni Derek Ramsay kaugnay ng direktibang huwag banggitin ang kanyang pangalan tuwing ipu-promote ng mga co-stars niya sa A Secret Affair


Consistent pa rin si Derek Ramsay sa pagsasabi ng kanyang saloobin tungkol sa pagbabawal ng ABS-CBN na huwag banggitin ang pangalan niya ng co-stars niya na sina Anne Curtis at Andi Eigenmann sa promo-plug ng lalabas nilang pelikula, ang A Secret Affair.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa press launch ng bagong show niya sa TV5, ang The Amazing Race Philippines, na ginanap sa Something Fishy Restaurant, Eastwood City, noong October 18.

Ibinahagi ng actor-TV host ang naramdamang disappointment sa nangyari sa pagitan nila ng dati niyang home network.

Paliwanag ni Derek, “Because I still look at them as family, you know, I have a lot of respect for them.

“The decision I made is not like not iniwan ko sila without telling them. Hindi ako nang-iwan.”

PUBLICITY. Sa tingin ng iba, nakatulong din sa publicity ng pelikula nila nina Anne at Andi ang issue.

“Let’s say if I was upset, we should have used this to promote the movie. But I don’t want to.

“That’s how much I respect to have for them—I don’t wanna use this to promote the movie.

“I want the movie to speak for itself because we all worked really hard for this.

“Nahihiya ako kay Anne, Andi, at Direk Nuel [Naval] because they’re all working for ABS.

"And for them to be included for something na wala silang kinalaman, siyempre mahihiya naman ako.”

Gumawa ba siya ng hakbang para kausapin ang Kapamilya network at alamin kung ano ang tunay na rason ng direktibang huwag banggitin ang pangalan niya sa promo ng movie nila sa mga shows ng ABS-CBN?

“No, no… When I was told, ‘Really?’ Kinumfirm [confirmed] ko from the guys in the set. And that was it.”

PARTING WAYS. Dahil sa nangyari, lumalabas na hindi pala naging maganda ang paghihiwalay nila ng ABS-CBN. Taliwas sa mga pahayag noon ni Derek na maayos ang naging pag-alis niya sa dating home network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ni Derek, “I included them, I included all of you.

“It took eight months, it took eight months of negotiation.

“I didn’t entertain TV5 until my contract expires. I followed all the rules—that I can swear to you.

“That’s heart!

“Because I followed everything with regards to etiquette, respect, which I value very much… sinunod namin talaga yun.

“And my daddy would want to do that and my family was so involved in the decisions I made.

“We sat down with the heads of ABS-CBN many times, together, one-on-one."

Dagdag pa niya, “And the email that Mr. Gabby Lopez sent to my father says it all—na how much he respects me and my family, and the decision I made.

“He said he’s disappointed but he respects the decision.

“So, I want to leave at that.

“That’s the last I know from ABS-CBN and that’s the last contact I had with them.

“It was a really nice e-mail that Mr. Lopez sent to my father.”

MAKING ASSUMPTIONS. Clueless pa rin si Derek kung may kinalaman ba ang programa niyang The Amazing Race Philippines sa isyu sa kanila ng dati niyang istasyon.

Sabi niya, “I don’t know the reason why that came about.

"I said I don’t wanna make any assumptions ‘coz I don’t know the reason behind that.”

Hindi kaya dahil wala na sila ng dating kasintahan na si Angelica Panganiban kaya parang wala nang connection ang ABS-CBN sa kanya?

“Angel and I never got involved with nakikialam kami sa isa’t isa sa career namin, you know?

“Advice, yes, but I never restricted Angel from doing what she wants.

“Sabi ko nga before, she has more experience in this world before than me.

“So, ako yun dapat nakikinig sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masakit naman yun kung naging talent at pagtiwalaan lang ako ng ABS dahil I’m connected with one of the most popular celebrities.

"I didn’t think naman that.

“I thought and I still do think that ABS-CBN trusted me with the projects and paired me with the biggest names in the industry.”

Natawa si Derek sa isyung baka raw si Angelica ang nagsabi sa ABS-CBN na i-ban ang pangalan niya.

“Come on guys, hindi gano’n si Angelica,” mariing pagtatanggol ni Derek habang naiiling at napapangiti.

“She’s a decent woman. She wouldn’t do anything of that sort.

“When she does a movie, I know, I do what I could to help her.

“So, I don’t want any ill blood between me and ABS CBN—especially for me and Angel.

“Six years is six years,” sabi ni Derek, na ang tinutukoy ay ang tagal ng pagiging magkasintahan nila ni Angelica.

TIRED OF THE SAME OLD ISSUE. Ano ang nararamdaman ni Derek sa walang kamatayang issue sa kanila ni Angelica?

Ito ay sa kabila ng magkaibigan pa rin sila ngayon kahit may bago nang boyfriend si Angelica sa katauhan ni John Lloyd Cruz, at meron na ring idini-date na non-showbiz si Derek?

Hindi ba siya napapagod sa kaka-explain na maayos ang samahan nila ngayon ni Angelica na malayo sa mga nagsasabing hindi sila okey?

Napangiti muna si Derek saka sumagot.

Aniya, “Yeah, napapagod. Everytime I was asked, I say okay kaming dalawa.”

Ang maganda kay Derek, open pa rin siya sa pagsagot sa mga tanong tungkol kay Angelica para lang ipagtanggol ito at linawing wala silang samaan ng loob sa isa’t isa.

“I’ve always answered all the questions thrown at me… nakakapagod. You can see it my face constantly.”

NO MENTION OF ANNE. Samantala, kaugnay pa rin ng hindi pagbanggit ng pangalan ni Derek sa promo-plug ng A Secret Affair sa ABS-CBN, marami rin ang nakapansin na hindi binanggit ni Derek ang pangalan ni Anne Curtis nang i-promote niya ang pelikula nila sa Eat Bulaga! kahapon, October 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanging si Andi ang binanggit ni Derek na kasama niya sa pelikula.

Ito ay dahil marahil sa katapat na programa ng Eat Bulaga! ang noontime show ni Anne sa ABS-CBN, ang It’s Showtime.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN