Matt Evans arrested for allegedly hitting live-in partner

Nakakulong ngayon ang young actor na si Matt Evans matapos nitong saktan diumano ang kanyang live-in partner na si Johnelline Hickins. Nakaengkuwento rin daw ng dating PBB Teens housemate ang kapatid ni Jhonelline na si Juan Alberto Hickins (inset).


Nakakulong ngayon sa isang presinto sa Pasig ang young actor na si Matt Evans.

Ang nagpakulong sa ABS-CBN talent at dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate ay ang mismong live-in partner niya na kinilalang si Johnelline Hickins.

Ipinaaresto ni Johnelline si Matt dahil diumano sa pambubugbog sa kanya ng young actor.

Sa report ng News5 ay ipinakita ang pasa sa ilalim ng mata ng live-in partner ni Matt.

Ayon pa sa Balitang 60 ng Aksyon TV Channel 41 ngayong gabi, October 21, mukhang sasalubungin ni Matt ang kanyang 23rd birthday bukas, October 22, sa loob ng kulungan.



HICKINS SIDE. Sa kuwento ni Juan Alberto Hickins, kapatid ni Johnelline , narinig daw niyang nagtatalo si Matt at ang kanyang kapatid sa ikalawang palapag ng kanilang bahay kagabi, October 20.

Naging mainit daw ang pagtatalo ng dalawa. Nahulog daw sa hagdan si Johnelline at dito na niya kinumpronta si Matt.

Ayon pa sa ulat, tinapik daw ni Juan Alberto si Matt para ipagtanggol ang kapatid na kapapanganak pa lamang, pero bigla daw siyang sinipa ng actor.

Pumagitna naman daw si Johnelline sa dalawa kaya daw ito nasuntok.

Ani Juan Alberto, “Ang bilis ng pagbaba niya, sa bilis ng pagbaba nila, hindi man lang nakuhang hawakan ni Matt yung kapatid ko para hindi man lang siya tumama sa pader.”

Humantong pa raw ang awayan sa pagtutok ng kutsilyo diumano ni Matt kay Juan Alberto, pero pinili na lang daw ng huli na lumabas ng bahay.

Dito na daw natigil ang kaguluhan.

Ayon naman kay Police Senior Superintendent Mario Rariza ng Pasig PNP, gumitna si Johnelline kina Matt at Juan Alberto.

Aniya, “Nung gumitna si Johnelline para awatin, siya na rin ang tinamaan ng suntok nitong si Matt.”



Nahaharap ngayon si Matt sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.

Bailable naman daw ang kaso ngunit sarado ang korte tuwing Linggo kaya hindi pa mapiyansahan si Matt, kaya mananatili muna ito sa presinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MATT’S SIDE. Tumangging magbigay ng pahayag si Matt sa News5 pati na ang kanyang mga kaanak.

Pero nagpadala ng official statement ang kampo ni Matt sa pamamagitan ng kanilang abugadong si Atty. Gerly Rico.

Mariin nitong itinanggi ang akusasyon laban sa young actor.

Handa raw silang patunayan na si Matt ang biktima sa insidente, para daw malinis ang pangalan nito.

Ayon pa kay Atty. Rico, "Matt denies having inflicted any injury against his girlfriend or her brother.

“In fact it was Matt who was hit on the leg and who was threatened with a knife.

"We are awaiting the legal process to proceed so that Matt’s name will be cleared from all the accusations which are nothing but lies."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN