Former EB Babes dancer Saida Diola resurfaces; denies pregnancy issue as reason of her resignation from Eat Bulaga!

Bagamat ayaw sabihin ni Saida Diola ang dahilan ng pag-alis niya sa Eat Bulaga!, itinanggi ng dating EB Babes dancer na nabuntis siya o may nakaaway sa show: “Alam naman ng mga taga-Eat Bulaga! ang naging dahilan ko. Hindi ako nabuntis. Mukha ba akong nanganak? Tsaka wala naman akong naging kaaway sa show. Lahat kami doon isang malaking pamilya. Kung ano ang naging dahilan, personal na iyon. Ako lang at ang taga-Eat Bulaga!&l


Ilang buwan nawala sa telebisyon ang dating EB Babes member na si Saida Diola.

Bukod sa pagiging dancer sa Eat Bulaga! ay nakilala rin si Saida bilang "stewardess" sa "Pinoy Henyo" segment, kung saan siya ang nagdadala ng iba’t ibang pagkain sa mga host na sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Pero maraming nagulat nang lumitaw muli si Saida bilang isa sa celebrity contestants ng The Amazing Race Philippines ng TV5 na magsisimula na sa October 29.

Noong simula ng 2012 ay nag-resign si Saida sa kanyang trabaho bilang dancer sa Eat Bulaga! dahil daw sa ilang personal na rason.

May intrigang nabuntis daw ang dancer kaya ito biglang nawala sa numero unong noontime show ng bansa.

Pero nilinaw ni Saida sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi siya buntis kundi may mga iba lang siyang gustong gawin sa kanyang buhay.

Saad niya, “Hindi naman forever kasi dancer ako.

"May iba akong mga pangarap. Gusto kong matupad ang mga iyon.

“Alam ko na inakala ng lahat na biglaan ang desisyon ko, na bigla akong umalis sa Eat Bulaga!.

“Sa totoo lang, hindi naman siya biglaan.

"Matagal ko ring pinag-isipan iyon. Marami akong tinanungan, hiningan ng advice.

“Sa ending naman, ako pa rin ang magdedesisyon, e.

“Kaya noong pumasok nga ang 2012, dun na ako nagdesisyon na iwan ko na ang Eat Bulaga!.

“Alam ko na malaki ang mawawala sa akin, pero kung gusto kong matupad ang mga pangarap ko, kailangan kong gawin ang gano’ng desisyon.

“Kaya no regets—naging masaya naman ako sa naging desisyon ko.”

Nakausap ng PEP si Saida sa press launch ng The Amazing Race Philippines noong October 16 sa Somethin’ Fishy Restaurant sa Eastwood City, Libis, Quezon City.

ISSUES. Pero may ibang kuwento nga na lumabas na may ibang dahilan pa kung bakit nawala si Saida sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una na diyan ay ang sinasabing buntis daw siya.

Pangalawa naman ay may nagpatanggal daw sa kanya sa naturang show.

“Wala namang katotohanan ang mga ‘yan!” natatawang sabi ni Saida.

“Alam naman ng mga taga-Eat Bulaga! ang naging dahilan ko.

"Hindi ako nabuntis. Mukha ba akong nanganak?"

Diin pa niya, “Tsaka wala naman akong naging kaaway sa show. Lahat kami doon isang malaking pamilya.

“Kung ano ang naging dahilan, personal na iyon.

"Ako lang at ang taga-Eat Bulaga! ang nakakaalam.”

Binanggit ni Saida na bumalik siya sa pag-aaral pagkatapos niyang nawala sa Eat Bulaga!. Gusto raw kasi niyang magtayo ng negosyo.

THE AMAZING RACE. Napasali raw si Saida sa The Amazing Race Philippines dahil niyaya siya ng kanyang kaibigan na si Jervi Lisaba.

Si Jervi ay floor director ng Eat Bulaga! na nag-resign din sa show dahil sa kagustuhan nitong sumali sa reality-competition program ng Kapatid network.

Kuwento ni Saida, “Magkaibigan kami ni Jervi. Matagal kaming nagkatrabaho sa Eat Bulaga!.

“Kahit na noong nawala na ako sa show, we keep in touch.

"Tapos isang araw, tinawagan niya ako at tinatanong niya kung gusto ko ba siyang samahan na mag-audition para sa Amazing Race Philippines.

“Noong una, ayoko talaga. Kasi nga nananahimik na ang buhay ko.

"Pero na-convince niya ako talaga.

"Matagal na raw akong nawala, it’s time na magparamdam na raw ako para makita nila na okey ako.

“Pumayag na rin ako at nag-enjoy naman ako sa mga ginawa naming dalawa.

"Kahit na mahirap, may fulfillment.

"May magandang nangyari sa aming pagsali.”

DEREK RAMSAY. Naging dahilan ba ng muntik niyang hindi pagsali sa The Amazing Race Philippines ay dahil na-link siya noon sa host nitong si Derek Ramsay?

Naging isyu dati ang pagkaka-link ni Saida kay Derek, na during that time ay girlfriend pa si Angelica Panganiban.

“Hindi naman totoo iyon, e,” mabilis na tanggi ni Saida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga nang-intriga lang sa amin noon.

“Kilala ko naman si Derek, e. Tsaka feeling ko naman, hindi niya ako type!” sabay tawa niya.

“Kita n’yo naman, noong lumabas ang tsismis na yun, hindi naman nagtagal kasi wala naman talaga.

“Tsaka hindi nga ako papasa sa taste ni Derek. Iba ang type niya. Yung mga sosyal.

"E, may pagka-jologs ako, di ba?

“Kaya wala ’yon. Friends lang talaga kami ni Derek.”

READY FOR INTRIGUES. Dahil sa magiging visible ulit si Saida, handa na ba siyang maintriga ulit pagkatapos ng ilang buwan siyang hindi nagparamdam sa publiko?

“Hindi naman ako nagpapaka-kontrobersiyal, e. Sila lang naman ang gumagawa ng mga kuwento.

“Tahimik lang akong nagtatrabaho.

"Ngayon nga lang ako ulit lumabas dahil sa show na ito.

"Wala akong ibang balak na gawin kundi ang mag-enjoy lang kami ni Jervi sa pagsali namin.

“Kung gusto nila akong intrigahin, okey lang.

"Basta ako, masaya ako sa buhay ko,” pagtatapos ni Saida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN