Nora Aunor’s film joins the MMFF 2012; MMDA says, “We need a film like Thy Womb to add prestige to this festival.”

Sa mga artistang may dalawa o higit pang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF), may mga ispekulasyon palagi kung saang karosa sila sasakay. Pero sabi ni Nora Aunor na may dalawang pelikula sa MMFF: “Siguro po, dito sa Thy Womb. Kasi ang El Presidente naman po, special guest lang po ako doon, although maganda rin po yung role ko doon.”


Abala ang Superstar na si Nora Aunor nitong nagdaang linggo—mula Lunes, October 15, hanggang nitong Sabado, October 20.

First taping day niya sa Subic, bilang special guest sa Enchanted Garden ng TV5 at pictorial para sa Bench billboard ng Sinapupunan (Thy Womb).

Kasama ni Nora sa exclusive pictorial ang dalawang babaeng nasa major cast ng Thy Womb na sina Mercedes Cabral at Lovi Poe.

Ginawa ang photo shoot sa Adphoto Studio sa Makati City.

In-between, nag-taping din si Nora para sa Artista Academy ng TV5, sa Pier 10 sa Maynila, noong Biyernes, October 19.


TWO 2012 MMFF ENTRIES. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media si Nora Aunor sa Adphoto Studio.

Dito, hiningan ng komento si Nora hinggil sa pagkakapasok na ng Thy Womb sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pahayag ni Nora, “Natutuwa po ako at napasali sa Metro Manila Film Festival ang Thy Womb.

“Masaya po dahil nakikita mo yung mga taong nabibigyan mo ng kasiyahan pati mga [ibang] artista.

“Nakaka-miss na rin po, dahil nung araw, pagka ganitong may mga film festival, minsan, dalawa ang kasaling pelikula ko.”

Bukod sa Thy Womb, kasali rin sa MMFF ang bio-film tungkol kay Heneral Emilio Aguinaldo, ang El Presidente.

Gaganap si Nora bilang Maria Agoncillo, ang ikalawang asawa ni Heneral Aguinaldo, na gagampanan naman ni Laguna Governor "E.R." Ejercito.


REPLACEMENT DIRECTOR. Nagsimulang mag-shooting si Nora ng kanyang mga eksena sa El Presidente with its first director, Tikoy Aguiluz.

Halfway through the shoot, nagkaroon ng problema kina Direk Tikoy, Governor Ejercito, Scenema Concepts, at Viva Films.

Hindi natapos ang shooting ng El Presidente, pati ng participation ni Ate Guy. Nabitin ang completion ng mga eksena niya.

Kalaunan, napag-alaman ng PEP sa pamamagitan ng Facebook na si Mark Meily na ang bagong direktor ng El Presidente.

Marami ang nagtatanong kung magiging full-length na ang role ni Nora kapag natuloy ang balitang natitirang one-day shoot ng Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ni Direk Mark na magsu-shooting pa si Nora bilang pagkumpleto ng kanyang “special participation” sa Aguinaldo biopic.

Ayon kay Direk Mark, “Yup, may sked na sa amin si Ate Guy.

“I can’t remember when, but definitely within October ang shoot.

“We’ll shoot her for a day lang, kasi most of her scenes were shot last year already.

“No, I don’t think full yung role niya, kasi si Maria Agoncillo married Aguinaldo years after the revolution.

“Most of the movie takes place during the revolutionary days.

“Nevertheless, her role is crucial in Aguinaldo’s life,” saad pa ni Direk Mark.

Mula naman sa panig nina Nora at manager nitong si Boy Palma, napag-alaman ng PEP na may negosasyon sila muli sa mga line producer ng El Presidente.

Si Ms. Elaine Carriedo-Lozano ang kumakatawan sa Scenema Concepts at Viva Films as line producers.


MMFF FLOAT. Saang karosa o float kaya sasakay si Nora Aunor sa gaganaping MMFF 2012 Parade of Stars sa December 24?

Sa interview kay Ate Guy ng TV Patrol, ito ang sinabi ng Superstar:

“Siguro po, dito sa Thy Womb.

“Kasi ang El Presidente naman po, special guest lang po ako doon, although maganda rin po yung role ko doon.”

May pala-palagay na maaari ring sasakay si Ate Guy sa float ng El Presidente bilang isa sa dalawang kapareha ni Governor ER.


MMDA’S STATEMENT. Samantala, earlier this year ay na-reject ng MMFF screening and selection committee, ang Thy Womb bilang official entry.

Nang mag-back out ang Mga Kuwento Ni Lola Basyang, ng Studio 5 at Unitel Pictures ay napagdesisyunang ipasok na ang Thy Womb.

Noong Biyernes, October 19, napaulat ang pagkakapasok ang Thy Womb bilang 2012 MMFF entry.

Noong Saturday, binanggit ni Boy Palma ang naging mensahe ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa muling pagkakapili ng Thy Womb bilang isa sa walong official MMFF 2012 entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Boy, “In fairness naman, nag-release ang MMDA ng official statement…

“Na ang sabi nila, ‘We need a film like Thy Womb to add prestige to this festival.’”

Inamin ni Nora na nasaktan din siya sa pagkaka-reject noong una, ng Thy Womb bilang official MMFF entry.

Tukoy ni Ate Guy, “Kasi naawa ako noon kay Direk [Brillante Mendoza].”

“At umasa rin ako noon, dahil alam ko, isa-submit nga nila sa Metro Manila Film Festival.

“Kaya nalungkot ako nang sinabing hindi natanggap.”

On Direk Brillante’s part at ng kanyang co-producer na si Melvyn Mangada, pumayag naman ang dalawa na makasali pa rin ang Thy Womb, sa kabila ng pagkaka-reject noon ng MMDA.

Sabi ni Ate Guy, “Wala na akong masasabi. Mabait pa rin talaga ang producer namin.

“Suspetsa ko, magiging masaya... Alive na naman ang festival,” natutuwang sambit pa ni Nora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN