Matt Evans released from jail

Nakalaya na mula sa kulungan ang aktor na si Matt Evans, matapos magpiyansa ng halagang dalawang-daang piso. Ito’y kaugnay ng kasong physical injuries in relation to Anti-Violence Against Women and Children Act na isinampa ng live-in partner ni Matt na si Johnelline Hickins. Habang wala naman silang binayaran para sa slight physical injuries case na isinampa ng kapatid ni Johnelline na si Juan Alberto.


Nakalaya na si Matt Evans, ngayong gabi, Oktubre 22, mula sa pagkakakulong niya nang halos mahigit sa isang araw sa Pasig Police Station, sa San Miguel, Pasig City.

Nakulong kagabi, Oktubre 21, si Matt o Matthew Nicholas Evans sa totoong buhay, matapos siyang ireklamo ng pananakit ng kanyang live-in partner na si Johnelline Hickins.

(CLICK HERE for related article)

Ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa legal counsel ni Matt na si Attorney Joji Alonso ngayon araw, Oktubre 22, sinabi nitong nagpiyansa na ang kliyente niya ng halagang dalawang daang piso.

Ito ay para sa kasong physical injuries in relation to Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children, na isinampa laban sa kanya ni Johnelline.

Habang para sa kasong slight physical injuries naman na isinampa ng kapatid ni Johnelline na si Juan Alberto Carlotta, walang binayarang piyansa ang kampo ni Matt.

Paliwanag ni Atty. Joji, “Wala kasing bail necessary. So, wala kaming binayad, because the penalty for that is kind of low.

“So, you could be released on your own recognizance.

“Ibig sabihin, you’re on your own. Pipirma ka lang ng papel, puwede ka makalaya.”

DOMESTIC ISSUE. Samantala, tahimik lamang si Matt habang palabas ng presinto. Kahit pa anong pangungulit ng press ay nanatiling tikom ang bibig nito.

Kaya naman amin na lang siyang kinamusta mula kay Atty. Joji.

“Well, he’s not good,” saad ng abugada.

“Kasi siyempre you have to understand, he was in prison for a day, more than a day. So, ’ayun, buti naman at nakauwi na. Pinauwi na.

“At saka birthday niya ngayon. This is a very sad experience na kailangang umabot sa ganyan.

“Uhm...it’s a domestic issue. Wala naman talagang… Matt is not the type of person who deliberately hurt anyone.”

Paglilinaw pa ng abugada, walang special treatment sa aktor habang nakakulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, “Okey naman yung mga kakosa niya do’n. Mababait naman, nagpapa-treat nga ng birthday, e.”

Sa kabilang banda, matapos daw nilang makausap si Matt, malaki raw ang paniniwala ni Atty. Joji na ang kliyente niya “has not done anything wrong.”

Dagdag pa niya, talagang naapektuhan ang pamilya ng aktor sa isyung ito dahil, “Siyempre yung lahat ng naglalabasan parang mamamatay-tao siya, di ba? Nananakit ng tao.

“So, masakit ’yon because all these conclusions are being arrived at, hindi pa naman talaga nalalaman kung ano talaga ang nangyari.

“Sila lang naman ang nando’n. Hindi naman natin nakita.

“So, masakit sa family niya.”

LEGAL PLANS. Samantala, ayaw naman magbigay ng detalye ni Atty. Joji tungkol sa mga legal plans nila laban sa kampo nina Johnelline.

Ganun pa man, nilinaw niyang “marami” silang plano.

Ngunit saad ng abugado, “Hindi pa namin puwede i-discuss. Papahingahin muna natin.”

Inalam din ng PEP kung may plano ba silang maghain ng counter-charges laban sa live-in partner ni Matt.

Ani Atty. Joji, “I’m not in liberty to discuss any strategies yet.

“We just want him to rest for the day, and then tomorrow is another day, and we’ll take it from there.

“I cannot also discuss the legal process that we plan to pursue.

“Basta naniniwala kami, na walang kasalanan yung bata. And sana, magkaayos pa rin. After all, they have a kid.”

Ang sagot naman ni Atty. Joji sa sinabi ni Atty. Patrick Vincent Alado—ang abugado nina Johnelline at Juan Alberto—na itutuloy nila ang laban sa kasong ito: “See you in court!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN