Cesar Montano not worried about being dragged into political clash between Mayor Lim and President Erap in Manila

Muling iginiit ni Cesar Montano na wala siyang planong tumakbo sa 2013 elections. Aniya, “Maraming nag-i-invite sa akin o nagsa-suggest na ‘puwede kang tumakbo ngayon.’ But wala kasi talaga sa plano ko, e. Kasi maraming naka-lineup na gusto kong gawin. Puro films yung nasa isipan kong gawin e.”


Hindi nag-aalala si Cesar Montano na baka maipit siya sa tunggalian sa pulitika ng dalawang kumakandidatong alkalde ng Maynila para sa 2013 elections—si incumbent Mayor Alfredo Lim at dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Malapit kasi si Cesar ngayon kay Mayor Lim lalo na’t pormal na nilang inanunsiyo na tuloy na tuloy na ang paggawa ng pang-apat na filmbio tungkol sa alkalde na may titulong The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim.

Si Cesar mismo ang magiging bida, co-writer, at direktor ng pelikula.

Ang koneksiyon naman nila ni Erap ay ang pagiging parehong showbiz personalities nila bilang mga artista at kilalang action stars.

Pero ayaw paapekto ni Cesar sa isyu sa pulitika ng dalawang kandidato.

Sabi nga ni Cesar, “No, I’m an actor and this is my bread and butter.

“Everybody knows that I do this para mapakain ko ang pamilya ko, because this is my bread and butter, this is my profession.

“And kahit sino puwedeng… kung aking maiibigan ang isang paggawa ng pelikula o istorya, I’ll do it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa presscon ng The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim kahapon, Oktubre 22, sa Manila Yacht Club sa Roxas Boulevard.

Present din sa presscon si Mayor Lim kasama pa si Konsehal Lou Veloso, na magiging ka-tandem ng alkalde bilang vice mayor sa 2013 elections.

Dahil nga sa pelikulang ginagawa nila kaya close ngayon si Cesar kay Mayor Lim.

Pero, close din ba siya kay Erap?

Sagot ng actor-director, “Yeah, nagbabatian kami. We have nothing against each other and I look up to him as an actor and as a leader.”



WANTS TO DO MORE MOVIES. Hindi na rin mahiwalay kay Cesar ang isyu tungkol sa pulitika.

Noong una pa lang kasi silang mag-meeting ni Mayor Lim para sa naturang filmbio ay naintriga na agad si Cesar na kinukuha umanong vice mayor ni Mayor Lim para sa 2013 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinanggi ni Cesar na dumako rin sila sa usaping pulitika, pero sa tingin niya nga ay hindi niya panahon ngayon para subukang pasukin ulit ang pulitika.

Dalawang beses na rin kasing tumakbo sa eleksyon si Cesar.

Bilang senador noong 2007 at gobernador naman ng Bohol noong 2010, pero hindi nga siya pinalad na manalo.

Mas gusto raw kasi ni Cesar na gumawa ng mga pelikula ngayon, kasama na nga rito ang filmbio ni Mayor Lim.

“Talagang wala akong planong tumakbo,” diin niya.

“Maraming nag-i-invite sa akin o nagsa-suggest na ‘puwede kang tumakbo ngayon.’ But wala kasi talaga sa plano ko, e.

“Kasi maraming naka-lineup na gusto kong gawin. Puro films yung nasa isipan kong gawin e.”

Siguro raw ngayong naibalita na ang Lim-Veloso tandem para sa mayor at vice mayor ng Maynila ay matitigil na rin ang pag-usisa sa kanya tungkol sa pulitika.


FOURTH FILMBIO. Mas gusto ngang pag-usapan ni Cesar ang gagawin niyang pang-apat na filmbio ni Mayor Lim.

Ang unang pelikula ay pinagbidahan ng yumaong Rudy Fernandez, sumunod si Ramon Revilla Sr., at pangatlo si Eddie Garcia.

Itatampok sa pang-apat na filmbio ang sikreto ng kabataan ni Mayor Lim na hindi natalakay sa naunang tatlong pelikula.

Noong sanggol pa raw kasi si Mayor Lim ay iniwan siya ng kanyang ina sa turning cradle ng Hospicio de San Jose, kung saan iniiwan ang mga unwanted babies na gustong ipaampon sa mga madre.

Doon na nga siya nagkaisip hanggang sa matagpuan siya ng kanyang lola at kunin sa ampunan para arugain.

Natanong ng PEP kay Mayor Lim kung bakit ngayon niya lang isinama sa pelikula niya ang panahon ng kanyang kabataan.

Sagot niya, “Hindi ko naman siya itinatago.

“Yung tatlong producers kasi na gumawa ng pelikula, hindi naman tinatanong ang kabataan ko, e.

“Ang tinatanong nila yung panahon na pulis ako, kung sino yung mga nahuli kong kriminal, yung mga na-solve na kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, si Buboy [Cesar] lang ang nagtanong tungkol sa kabataan ko, e.

“Nagtaka nga siya na galing pala ako sa Hospicio de San Jose. Nagpunta pa siya doon sa Hospicio, e.

“Nagtataka siya na successful na ako, pero ang pinanggalingan ko pala, orphanage,” paliwanag ni Mayor Lim.

Hindi kaya maakusahan si Mayor Lim ng maagang pangangampanya dahil sa pelikulang ito?

“Hindi naman siguro kasi noon pang three months ago namin pinag-uusapan ito, e.

“Kaya lang, hindi nagawa kaagad dahil busy siya [Cesar].

“Ang usapan nga namin baka puwedeng first week ng December, e. Kaya lang busy na lahat sa Metro [Manila] Film Festival.”

Plano raw nilang ipalabas ang The Turning Cradle sa Enero ng susunod na taon.

Hindi raw magkakaproblema sa eleksyon dahil hindi pa sakop ang Enero ng campaign period para sa mga lokal na opisyal na magsisimula raw sa March 29.

Ang gusto namang maging leading lady ni Cesar ay si Anne Curtis, na hindi naman tinutulan ni Mayor Lim dahil talaga naman daw maganda ito at magaling na artista.



GETTING TO KNOW MAYOR LIM. Hands-on nga si Cesar sa paggawa ng script ng naturang filmbio ni Mayor Lim.

“Oo, hands-on tayo. Katulong ko ring gumagawa ng script, of course, si Mayor Lim dahil sa kanya galing ito.

“Yung perennial consultation ko, yung pagtatanong ko sa kanya, tawag, kinukulit ko siya kasi ayokong maiba yung istorya.

“Kasi yun ang bilin niya. Sabi niya, ‘Huwag maglagay ng hindi totoong kuwento diyan.’

“Sabi niya, Gawin natin as much as possible totoo lahat ang ilalagay natin diyan sa script.’

“Of course, binigyan niya naman ako ng freedom to make a cinematic… yung cinematic license naman natin ay mai-apply din naman natin.”

Marami na ba siyang natutunan tungkol kay Mayor Lim?

“Marami, napakaganda,” sabi ni Cesar.

“Lalo na nung binasa ko yung libro ni Nick Joaquin, na ating National Artist din, na sumulat ng kanyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon ko naliwanagan yung buhay niya, lalo na nung pagkabata pa.

“Kasi ako, naniniwala ako na gusto ng mga tao na makita ang Kamaynilaan noong panahon ng Hapon. Masarap makita iyon, e.

“Ano ba ang hitsura ng Maynila noon, ano ba ang kultura natin, what kind of music do we hear during those times? Ano ba ang kinakain ng mga Pilipino noon? Ano bang sasakyan ang available dito?

“Ang dami niyang [Mayor Lim] ikinuwento sa akin kung ano ang nangyayari.

“Hindi ko alam na lahat pala ng vehicle dito ay ipinagbawal, kinonfiscate na ng mga Hapon at walang sasakyang makakaandar kung hindi ito ay may permiso sa mga Hapon.

“So, talagang kaya nagugutom ang Maynila noon.

“So, these things ay kailangan nating mai-share natin sa Filipino audience, lalo na sa mga younger generation.

“Kailangan makita nila kung ano tayo noon.”

Natanong din ng PEP si Cesar kung ano ba ang first impression niya noon kay Mayor Lim at ano ang mga bagong na-discover niya sa alkalde ngayong mas kilala na niya ito.

“Ika nga nila dito sa Maynila, pag sinabing Mayor Lim, matapang iyan, istrikto iyan, at talagang may paninindigan iyan.

“Pero noong nakilala ko siya, e… kasi nagkaroon ng connotation na nakakatakot siya lapitan, but no.

“Totoo po yung sinabi niya na maaaring ang masasamang tao takot sa kanya sapagkat dapat silang matakot at may dapat silang katakutan.

“Ngunit yung mga mamamayan naman na maayos ang pamumuhay at gusto talagang sumunod sa batas ay mahal si Mayor Lim, sapagkat ang ipinaglalaban ni Mayor Lim ay sila, yung karapatan nila at maging maayos ang Maynila.

“Yun ang kanyang ipinaglalaban.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN