Dingdong Dantes grateful for box-office success of Tiktik: The Aswang Chronicles

“Hindi pa [bawi]. Pero sa magagandang feedback, parang higit pa sa bawi yung makukuha mo,” says Dingdong Dantes about the box-office result of Tiktik: The Aswang Chronicles. On its sixth day, according to Dingdong, Tiktik already grossed P70 million in the box office.


Lubos ang pasasalamat ng actor-movie producer na si Dingdong Dantes dahil sa magandang kinalabasan ng pelikula niyang Tiktik: The Aswang Chronicles sa takilya.

Sa ika-anim na araw nito sa sinehan, tinatayang P70 million na ang inabot nito sa ticket sales, ayon kay Dingdong.

“Kung mayroon talagang dapat pasalamatan, ‘yon ang mga manonood dahil through word of mouth, nalalaman ng mas marami kung gaano ka-entertaining talaga ang Tiktik, kaya sobrang nakakatuwa.

“It’s getting better and better.

“‘Yon ang nakakatuwa, kasi habang mas tumatagal, [gumaganda ang feedback].

"Lalo na noong Sunday, marami ang nagsasabi sa akin na mahaba ang pila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Dingdong bago ganapin ang Thanksgiving Mass na inihanda ng mga taong bumubuo ng pelikula.

Ito ay ginanap kaninang tanghali, October 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Bagamat hindi pa nababawi ang ginastos ng mga producer para sa pelikula, sulit naman daw ang mga magagandang komento na nakukuha nila mula sa mga manonood.

“Hindi pa [bawi].

“Pero sa magagandang feedback, parang higit pa sa bawi yung makukuha mo.

“Also, it doesn’t end here, e.

"Mayroon pa tayong market opportunity abroad, mapapanood mo siya sa TV, habambuhay na yung pelikula na ‘yon,” sabi ni Dingdong.

Ibig sabihin kaya nito ay may plano na rin ang kanilang grupo para sa sequel ng Tiktik?

“Hopefully, magkaroon ng kasunod kaagad,” sagot ni Dingdong.

“Medyo malapit-lapit na, pero hanggang wala pang kasiguraduhan…

“Sino bang hindi may gusto? Gustung-gusto kong magkaroon ng kasunod.”

Bukod sa film company ni Dingdong na AgostoDos Pictures, kabilang din bilang producers ng Tiktik ang Reality Entertainment, Post Manila, Mothership, at GMA Films.



SUPPORT FROM MARIAN. Dahil sa tagumpay ng kanyang nai-produce na mga pelikula, ang Segunda Mano at Tiktik, tila naeengganyo na rin ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera na maging isang movie producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Susuportahan naman daw ito ni Dingdong.

Sa katunayan, sabi niya, “That’s good, that’s good. I’m here to support her.”

Tulad nito, kitang-kita sa magkasintahan kung paano sila magbigay ng suporta sa isa’t isa, lalo na sa kani-kanilang mga proyekto sa pelikula at telebisyon.

Matatandaan na sinorpresa pa ni Marian si Dingdong sa premiere night ng Tiktik noong nakaraang linggo.

Maging sa results night ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, nandoon din si Marian para suportahan si Dingdong na siyang host ng programa.

Sa parte naman ni Dingdong, halos ganito rin siya sa mga nakalipas na proyekto ni Marian.

Kuwento ng Kapuso actor, “Ako rin, tuwing may last day siya, [guest ako].

“Halimbawa, last day niya ng Show Me Da Manny, ako yung guest.

"Yung last episode niya ng Tweets For My Sweet, ako rin ang guest.”

Bagamat hindi man tuwirang usapan, natural na lamang daw nilang ginagawa ito ni Marian.

Sabi ni Dingdong, “Siyempre, it’s also a form of showing each other na sinusuportahan namin ang isa’t isa.”

Sa pagtatapos ng Protégé, magiging abala naman ngayon si Dingdong sa gagawin niyang pelikula para sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang One More Try, kung saan makakasama niya sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Zanjoe Marudo.

Sa susunod na linggo naman ay magkakaroon na ng story conference para sa gagawin niyang bagong teleserye sa GMA-7, ang Dangal.

Hindi man natuloy ang pagtatambal nila ni Kylie Padilla sa Haram, magsasama pa rin ang dalawa sa Dangal.

Kabilang din sa cast ang nagbabalik-Kapuso na si Lorna Tolentino at si Christopher de Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN