Former beauty queen Nina Ricci Alagao on differences with husband Michael Flores: “It’s actually complementing more than conflicting, e.”

Magsa-sampung taon na ang pagsasama ng mag-asawang Nina Ricci Alagao at Michael Flores. Ano ba ang sikreto nila? Sagot ng dating beauty queen: “Pag medyo feeling mo wala siya sa mood or alam mong pag sumabay ka hindi maganda ang kapapupuntahan, dapat marunong kang mag-adjust—medyo quiet lang muna.”


Siyam na taon na ang pagsasama ng mag-asawang Nina Ricci Alagao at Michael Flores.

Meron na silang tatlong anak na lalaki: Calvin Emmanuel, 9; Joaquin Thomas, 5; at Pablo Miguel, 1.

Tinanong ng PEP. (Philippine Entertainment Portal) si Nina Ricci kung ano ang sikreto at tumatagal ang relasyon nila ni Michael.

Sabi ng Bb. Pilipinas-Universe 2000 titleholder, “I can only speak for myself... ang babae dapat i-acknowledge niya yung pagkaka-design sa lalaki.

“Kasi halimbawa, kapag may mga moments na ang feeling mo ang pride-pride ng asawa mo, you have to acknowledge na men are built that way.

“So ikaw na babae, kung paano ka rin dinesign, to adjust to your husband, dapat ina-acknowledge mo rin yun.”

Sino ang mas dapat mag-adjust?

“I guess ano ‘yan, e, parang pareho lang.

“Kasi, like kami ni Mike, sobrang different kami kung tutuusin.

“Mahilig siya sa prito, ako naman gusto ko masabaw.

“Picky yun sa pagkain, hindi magulay. Ako naman, I love vegetables... yung mga ganun.

“Actually complementing yun kung tutuusin.

“Halimbawa mahilig ako sa gulay, hindi kami mag-aaway kasi siya mahilig siya sa meat... parang ganun.

“So it’s actually complementing more than conflicting, e.”

Nakausap ng PEP si Nina sa presscon ng kinabibilangan niyang soap sa GMA-7, ang Yesterday’s Bride, noong Biyernes, October 19.



NO SERIOUS QUARRELS. Ayon pa sa beauty queen, hindi pa sila nag-away nang grabe ni Michael.

“Hindi kami yung tipong... never kaming nagsisigawan… hindi kami ganoong klase.

“Kasi, yun pa isang bagay iyon—hindi ako sumasabay.

“Pag medyo feeling mo wala siya sa mood or alam mong pag sumabay ka hindi maganda ang kapapupuntahan, dapat marunong kang mag-adjust—medyo quiet lang muna.

“And then when he cools down, that’s the time na to bring up whatever needs to be brought up.”

Walang layasan o batuhan ng mga gamit?

“Hindi kami ganoon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ni batuhan nga ng salita, hindi kami ganun, e.

“Kilala ako ni Mike na kapag medyo, iyon na nga, painit, medyo mellow muna.”



COMEBACK. Ang huling show ni Nina sa GMA-7 ay ang Captain Barbell (2011) at sa ABS-CBN naman ay ang umeere pa ring Princess And I.

Bakit siya bumalik sa Kapuso network?

“Siguro ang ganda kasi ng role na in-offer sa akin and this would be my first regular show.

"I’ve done semi-reg before.

“Actually napaka-convenient nga ng semi-reg kung tutuusin because it’s not as demanding of your time compared to a regular role.

“But this is exciting kasi parang level-up siya, e, kung tutuusin," saad ng 35-year-old beauty queen-actress.

Dito sa Yesterday’s Bride ay ginagampanan ni Nina Ricci ang papel ni Suzanne, ang ina ni Karel Marquez.

Okey lang naman daw sa kanya ang mother role.

“Yeah! After all, it’s just playing a part e, di ba?” sabi niya.



BEAUTY QUEENS. Gaya ng nabanggit, si Nina Ricci ang naging representative ng Pilipinas sa Miss Universe beauty pageant noong 2000.

Ano ang masasabi niya sa pag-alagwa ng Pilipinas sa international pageants nitong mga nakaraang taon?

Sina Venus Raj at Shamcey Supsup ay naging runners-up sa Miss Universe noong 2010 at 2011, gayundin si Gwendoline Ruais sa Miss World noon ding 2011.

Tugon niya, “Ako, I’m quite happy for them.

"I believe na pana-panahon ’yan, e. So nung time na sumali sila, it was a good year for them.

“Tsaka mababait e, mababait sila. I’ve nothing bad or ill to say about them.

“I’ve met them lahat, parang wala akong nabasa na anything na put-on for the sake of the cameras… walang ganun.”



POLITICAL. Ilang taon na ring mailap ang korona ng Miss Universe, Miss International, at Miss World sa Pilipinas. Ano ang masasabi ni Nina Ricci rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ano… I’ve always believed pageants to be somewhat political.

“Kumbaga, may galaw, e. Hindi sa lakaran, e.

“Parang there’s a good year for each country, depending on the current situation of that country.

“Like during my time, iyan yung panahon ng Abu Sayyaf, na not to be madaya, alam mo yun?

“It’s not because it’s luto or anything like that.

“Not because it’s luto, but because lang... parang it’s not politically correct to put me in the roster.

“So parang feeling ko parang there’s a time when it’s not good to include this country no matter how well the candidate performed.”

Marami ang nag-akala na mananalo siya noong 2000 pero ang Miss India na si Lara Dutta ang kinoronahan that year.

Sabi pa ni Nina Ricci, “Sa akin, what really matters... it mattered a lot to me na natuwa yung mga tao na they thought I gave my best… yung ganun.

“Kasi everything else is being under control na, e, di ba?

“Hindi mo na hawak, e—hawak na yun ng kung ilang judges ito.”

Ayon pa kay Nina Ricci, “Kasi it’s a friendship thing, e.

“Just like beauty queens are supposed to be ambassadors of goodwill.

“Kumbaga hindi siya luto, e… parang it’s like a way of life ng pageantry, e… parang ganun.

“There’s this like whole entire system bigger than we know na nagaganap talaga.”



HUSBAND AND WIFE. Kung si Nina Ricci ay nasa Yesterday’s Bride, ang asawa naman niyang si Michael ay nasa cast ng bagong edition ng youth-oriented series na T.G.I.S.

“Yes! Excited siya. But it keeps getting put off, e.

“Siguro kasi kina-cast pa nila, hindi ko alam kung done na sila casting the next generation.

“Cute kasi mga fresh faces, e, I’ve seen some although not everyone,” sabi ni Nina Ricci.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho na silang Kapuso ngayon ni Michael.

“Parang ganun, at this point.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN