Andrea Torres keeps it professional with leading man Mikael Daez

Andrea Torres has been in the showbiz circuit for about seven years now. Having gone through short-lived shows, a hosting stint, and a few television commercials, the model turned actress is granted by GMA-7 her biggest break yet. Sana Ay Ikaw Na Nga stars Andrea as the soap’s lead actress and Mikael Daez has his leading man.


Ilang linggo nang sumasabak sa taping ng GMA-7 afternoon soap na Sana Ay Ikaw Na Nga ang young actress na si Andrea Torres.

Ginagampanan ng model turned teleserye leading lady ang mga karakter nina Cecilia at Olga, ang bida at kontrabida sa naturang programa.

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang ilang miyembro ng media, sa set ng Sana Ay Ikaw Na Nga, kahapon, October 22, sa Forest Hills Golf and Country Club, Antipolo City.

Dito ay nagkuwento si Andrea tungkol sa pagganap niya sa kanyang unang major project.

Hindi raw madaling gampanan ang dalawang karakter sa iisang istorya.

Panimula ng 22-year-old actress, “Feel ko, mas mahirap yung inaapi kasi mas emotional, e. Di ba, ang daming iyakan, mga ganun.

“Pag kontrabida kasi parang… lalo na si Olga, ang sarcastic niya at playful. So parang nilalaru-laro ko.

"Although mas madaling umiyak as Cecilia kaysa as Olga.

“Parang yung Cecilia kasi, yung pag-iyak ko, yung normal sa akin.

"Pag yung Olga, aartehan mo pa nang konti. Tapos yung pananalita mo, aartehan mo pa.”

Para kay Andrea, mas malapit sa pagkatao niya si Cecilia ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

Paliwanag niya, “Simple lang kasi ako in real life. Minsan nga ina-adjust ko pa.

"Like, nung unang [pagganap ko] ng Cecilia, ang liit ng boses ko.

“Kasi in real life, pag naglalambing ako or nag-aano ako sa mommy ko, maliit talaga yung boses ko.

“So, in-adjust ko siya para medyo ma-enjoy ng viewers.

"Parang pinalaliman nila yung boses. Medyo mas pina-mature sa akin.”

Sa kasalukuyan ay maganda ang mga naririnig na feedback ni Andrea tungkol sa kanyang pag-arte kahit pa kinaiinisan ng mga manonood ng teleserye ang karakter niyang si Olga.

“Gusto ko kung ano yung mga naririnig ko ngayon. Yung mga tao, galit sila kay Olga… Tapos, si Cecilia naman, naaawa sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktres, naging hamon sa kanya ang mabibigat na eksena sa unang linggo pa lamang ng kanilang taping.

Kuwento ni Andrea, “Kasi nung first week namin, first day ng taping, puro heavy scenes. Tapos naalala ko nung time na yun, parang pressured na pressured ako.”

Nabanggit ng aktres na napansin daw ng lahat sa set na natutulala na siya.

“Hindi ako sanay kasi parang usually, binibilang ko lang yung eksena ko, di ba? Lima-lima lang, ganyan.

“Tapos nung time na yun, laging [madami], tapos ang he-heavy.”

Hindi naman nagtagal at nakapag-adjust na si Andrea.

“Ngayon, mas relaxed na ako. Nakakapagkuwentuhan na ako.

"Saka mas madali nang umiyak, mas madali nang mag-taray din!

“Siguro ano lang talaga, it takes… parang kailangan you have to get used to the character.

"Nung una kasi, kapa-kapa. Ngayon, naaral mo na siya talaga.”



HAPPY WITH GMA-7. Dating sumailalim sa acting workshops ng ABS-CBN Network si Andrea.

Thirteen years old siya nang magsimula, samantalang 16 na siya nang mabigyan ng kanyang unang project.

Lumabas sa reality loveteam search na Qpids (2005) si Andrea kung saan nakasama niya sina Dominic Roco, Alwyn Uytingco, at ang Eat Bulaga! co-host na si Pauleen Luna.

Bukod sa ilang television commercials, nakapag-host na rin si Andrea ng isang programa sa GMA News and Current Affairs department. Ito ay ang Ka-Blog! (2008) kung saan nakasama niya ang ngayong TV5 morning show co-host na si Lucky Mercado.

Noong 2011 ay pormal na lumagda ng tatlong taong eksklusibong kontrata si Andrea sa GMA-7 matapos siyang mapansin sa commercial ng Eskinol.

Banggit ni Andrea, “Ang galing ni Lord! Kasi nung nasa Ka-Blog! pa ako, [sabi ko,] ‘Ayan, para maka-penetrate ako sa GMA!’

“Naglalakad-lakad ako sa GMA, baka may makapansin sa akin… at least, dumating din naman.”

Noong isang taon, naging parte ng cast ng dating teleseryeng Blusang Itim si Andrea kung saan nakatrabaho niya sina Kylie Padilla, Carl Guevara, at Frank Magalona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa na lamang si Andrea tuwing may naglalarawan sa kanya na isa siyang “baguhan” sa industriya.

Nangingiting sabi nito, “Kung alam n’yo lang. Ano lang talaga, di ba, ang hirap mapansin? It takes patience talaga.”

Sa kasakulukuyan ay co-managed ang aktres ni Jojo O’Connor at ng GMA Artist Center.

Sinabi ng aktres na “very happy naman” siya sa network na kanyang kinabibilangan ngayon.

“Masasabi ko naman na naging worth it yung paghintay ko.

"Saka, I think, kung nabigay ito sa akin dati, hindi ko siya maha-handle the way ko siya hina-handle right now.

“Kasi mas ma-aappreciate mo siyempre, di ba?

"Ang dami mong napagdaanan saka ang dami mo na ring nakuhang tips sa mga nakatrabaho mo, mas naa-apply mo siya ngayon.”



FAITH AND MOMMY. Nasabi ni Andrea sa isang bahagi ng panayam na nakuha sa dasal ang positibong ratings na nakukuha ng kanilang palabas.

Wika ng aktres, “Hindi rin namin in-expect na magiging ganun yung magiging pagtanggap ng tao sa show. Ang ganda ng ratings niya.

"Dasal lang talaga.

“Every time may magandang nangyayari and every time may hinihiling ako for the show, I always go to Baclaran or Quiapo.

"Minsan right after taping, minsan naka-costume pa ako, naka-makeup pa ako, para lang maisingit.

“Saka you’re always reminded na ano ka lang, [maging] humble ka lang.

“Parang ayaw ko kasi mangyari yung pupunta lahat sa ulo mo, [na] ang successful.

"Siyempre kailangan bumabalik ka pa rin sa dati.”

Bukod sa kanyang pananampalataya, isa sa mga bagay—o tao—na nagbibigay ng rason kay Andrea na manatiling mapagkumbaba ay ang kanyang ina.

“I’m always with my mom. [Nung] una hindi ko siya kasama kasi sa mga dating shows, hindi ko naman siya isinasama.

“E, yun nga, nape-pressure ako, so at least may shock absorber ako.

"Pag kunwari meron akong [eksena, I ask her,] ‘Mommy, okay ba yung eksena ko?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least siya yung nagpu-push sa akin na ‘Maganda!’ o ‘O, improve mo yung ganito!’

“Ano kasi ako, e, very conscious sa acting ko.

"Yung parang gusto ko, kung puwedeng good take lahat, good take lahat.

"So, at least, may nagsasabi sa akin.”

Nang tanungin kung mayroong mga batikos na natatanggap si Andrea sa kanyang pag-arte, sinabi ng aktres na wala pa naman.

Siya mismo ang bumabatikos sa sarili niyang pagkukulang: “Ikaw, sa sarili mo, alam mo, di ba, kung fulfilled ka na or may kulang.

“Kasi ikaw naman makakasabi kung nabigay mo na lahat o hindi.

"I know naman na hindi naman ako matagal na sa business or sobrang sanay na.

"So, alam ko na meron at merong something i-improve.”

Ayon kay Andrea, dalawang bagay ang ginagawa niya tuwing walang taping—workout sa gym o workshop.

“Kaya nga nagpa-workshop ako para at least habang pinapanood nila yung show, nakikita nila na, ‘Uy, nag-i-improve na siya’o ‘Nag-lelevel up na siya!’”

MIKAEL DAEZ. Noong isang linggo, pinalabas na ang episode kung saan nagkaroon ng kissing scene si Andrea at ang kanyang leading man na si Mikael Daez.

Natawa si Andrea nang tanungin kung magaling bang humalik ang kanyang kapareha.

“Oo naman,” sagot nito.

Ikinaila niya na hindi sila nailang dahil magkaibigan at kumportable naman sila sa isa’t isa.

Dagdag pa ni Andrea, “Actually kasi, screen test pa lang, nag-kiss na kami e.

"So, parang ano, alam ko na rin naman what to expect. Sanay na rin naman kami.

“Pero, I think, yun yung pinakagrabeng kissing scene na ginawa namin yung pinalabas last week. Talagang… nakalagay nga dun sa script— ‘Gutom na gutom sa isa’t isa!’”

Buti na lamang at walang kasintahang magagalit o magseselos kay Andrea.

Ang dalaga ay walang kasintahan sa ngayon. Nananatiling focused daw siya sa kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang usisain kung mayroon naman bang magagalit sa parte ni Mikael, sinabi ni Andrea na wala siyang alam tungkol sa lovelife ng kanyang onscreen partner.

“We don’t talk about it kasi, e… hindi naman niya sinasabi sa akin.

“I don’t know. Parang hindi niya ino-open up, so hindi ko rin naman tinatanong.”

Ayon pa kay Andrea, hindi nakakaapekto sa loveteam nila ang mga nali-link na celebrity kay Mikael, tulad ng actress-host na si Megan Young.

Diin ni Andrea, “Hindi. Definitely not.

"Talagang pagdating sa set, in character na.

“Saka ano rin, pag ganitong mga break, nagkukuwentuhan kami, nagkukulitan kaming lahat.”

Sa maikling panahong nakatrabaho ni Andrea si Mikael, nadiskubre niya na “makulit” ang actor-model.

“Lalo na kapag midnight na? Ang taas pa rin ng energy niya!

“Saka ano siya, very open siya. Parang puwede ninyong pag-usapan kahit ano.

"He makes you feel na parang open siya sa kahit anong bagay.

“Yun naman ang importante, especially pag loveteam kayo, kunwari pag may concern ka or may gusto kayong pag-usapan sa eksena.”

May pag-asa bang mabuo ang off-screen romance sa pagitan nilang dalawa?

Sagot ni Andrea, “Right now kasi, wala talaga, e. Hindi namin… pinupuntahan yung side na yun. More on work lang talaga.

“Right now, concentrated lang ako sa SAINN. Kasi talagang kinukuha niya yung most of my time…”



ALDEN RICHARDS. Sa isang kuwelang parte ng set visit, pinaamin ng mga entertainment writers kung sino ang gustong makapareha pa nina Mikael at Andrea bukod pa sa isa’t isa.

Noong una ay talagang ayaw magbanggit ng pangalan ng aktres hangga’t hindi nauuna ang kanyang leading man.

Baka raw kasi “mapagalitan” siya.

Pabirong parinig pa nito kay Mikael, na katapat lamang niya: “Ayaw kong mag-name names! Saka na, after na! Baka magalit si Carlos Miguel!”

Si Carlos Miguel ang karakter ni Mikael sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit ako yung mauuna?” hirit ng leading man.

Hindi nagtagal ay binilingan ng mga entertainment writers ang dalawang artista upang sabay na magsabi ng kanilang nais makapareha sa kanilang future projects.

Sa bilang ng tatlo, binanggit ni Mikael ang pangalang “Natalie Portman,” samantalang binitiwan ni Andrea ang pangalan ng Kapuso actor na si “Alden Richards.”

Nahihiyang paliwanag na lamang ni Andrea na nagagalingan siya sa talento ni Alden sa pag-arte.

Nagkasama sina Andrea at Alden sa dating primetime series na My Beloved.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN