Part 1. Rocco Nacino humbled by leading-man status in Kapuso network

Determinado ang young actor na si Rocco Nacino na patunayan na karapat-dapat siyang pagkatiwalaan ng GMA Network sa mga proyektong ibinibigay sa kanya. Saad niya, “Kanina, habang nakaupo kami dun, kumbaga, I was very humbled to be beside Lovi. Naalala ko na ako nga pala yung leading man niya. So, challenge ito para sa akin na, ‘Rocco, kailangang galingan mo ito. Rocco, galingan mo sa trabaho mo kasi madali lang ding mawala ‘yan.’ So kung magluluko


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco Nacino sa grand presscon ng bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Yesterday’s Bride, sa Studio 7 ng GMA Network noong October 19.

Si Rocco ang leading man dito ni Lovi Poe.

Ano ang gagawin ni Rocco sa Yesterday’s Bride na hindi pa niya nagawa sa iba niyang shows sa Kapuso network?

“Ang maging isang daddy!” bulalas ng StarStruck alumnus.

“Actually, sa Gumapang Ka Sa Lusak, naging daddy ako doon pero yung saglit lang. Saglit ko lang na-experience yung role ko.

“Pero ito, mas nabigyan ng importance ang pagiging daddy ko, pagiging asawa, ang longing para kay Lovi.

"At itong show na ito, mas mature.”

Sa tunay na buhay ba ay gusto na niyang maging isang ama?

“Hindi, hindi! Nagkataon lang na sa show na ito, nagkaroon kami ng baby.

“Pero ano, e, ini-embrace ko pa kung ano yung image ko ngayon, e. Pero if it comes, it comes.

“Hindi pa naman ako mukhang daddy, a!” sabay tawa ni Rocco.

SEXY ROCCO. Biro namin, sa abs pa lang ni Rocco ay kitang-kita na hindi pa siya daddy.

May mga sexy scenes ba siya dito sa Yesterday’s Bride?

Sabi ng young actor, “Naghubad na ako dun sa love scene namin [ni Lovi], pero ewan ko kung ipapakita yung katawan ko.

“Pero willing naman ako magtanggal ng damit kasi masipag akong mag-workout ngayon, e.

“At kinuha ko yung trainer ko ngayon, sabi ko sa kanya, ‘Ito ang gusto kong look, tulungan mo ako.

“So, kinuha ko siya for one month… maybe two months magtutuluy-tuloy kami sa pagwo-workout.

“Tsaka next month daw may pictorial kami ng Bench, e, for summer.”

Ano ang suot niya sa summer pictorial?

“Hindi ko alam.”

Nag-trunks na si Rocco dati for Cosmo Bachelor Bash.

“Pero boxer briefs,” paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa ilan, bitin pa rin ang pagpapaseksi ni Rocco.

Sabi naman niya, “Sa Cosmo Bash, na-prove ko din sa mga tao na kaya ko namang maging sexy na hindi nagtatanggal ng pantalon.”

Pero ayon din kay Rocco, dapat sana ay huhubarin niya ang pantalon niya noon.

“Actually, nakalimutan kong tanggalin yung pants ko.

“Dapat bubuksan ko, ibababa ko, pero nawala na sa isip ko.

“Kasi kahit papaano, nadala ko naman yung audience, na napakita ko naman na sexy naman kahit hindi ko ibinaba yung pants ko.

“Nakalimutan ko lang.”

Naka-boxer shorts daw siya sa loob ng pantalon niya during the Cosmo Bash—hindi skimpy trunks or briefs.

“Hindi po kasi ako mahilig magsuot ng ganun, e.”

Paano kung sa pictorial ay very revealing underwear ang ipasuot sa kanya?

“Hmmm, dadating po tayo doon, oo. Kakayanin ko rin po kung siguro after Lam-ang, mas mawawala yung qualms ko pagdating sa ganyan.”

Butt exposure?

“Butt exposure? Hoooo! Malaking step yun, pero I’ll get there.

“Ako rin, kahit papaano gusto ko ring ma-experience ang Bench Body [underwear line].

“Kasi hindi biro din yung kung paano mo masa-psyche yung sarili mo na iyon, lalabas ako na makikita ng mga tao na ganun, ibang klaseng sexy.

“Apparel talaga ako sa Bench.”

So, sa susunod na fashion show ng Bench, briefs kung briefs ang suot niya pagrampa?

“Tingnan natin!” ang natatawang sabi ni Rocco.

“Marami na nga ang humihirit, e, so baka dahil sa pressure, malay ninyo.

“Maglalakad ako sa presscon na naka-briefs!” at muling tumawa ang hunky Kapuso young actor.

LEADING MAN. Hanggang ngayon ay name-maintain ni Rocco ang leading-man status niya kahit hindi siya ang nanalo sa StarStruck V.


Limang beses nang nagiging leading man si Rocco sa soap operas ng GMA-7: Gumapang Ka Sa Lusak with Jennylyn Mercado, Koreana at Time of My Life with Kris Bernal, The Good Daughter with Kylie Padilla, at ito ngang Yesterday’s Bride with Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rocco tungkol dito, “Happy po, happy ako sa mga dumadating sa akin na blessings tsaka kung paano ko na-prove yung sarili ko sa network.

“Na kaya kong maging leading man kahit hindi ako ganung katangkad naman, at nagagawa ko pa rin yung mga roles na kailangang magampanan.

“So, I’m very honored and blessed."

Patuloy niya, “Kanina, habang nakaupo kami dun, kumbaga, I was very humbled to be beside Lovi.

“Naalala ko na ako nga pala yung leading man niya.

"So, challenge ito para sa akin na, ‘Rocco, kailangang galingan mo ito. Rocco, galingan mo sa trabaho mo kasi madali lang ding mawala ‘yan.’

“So kung magluluko-luko lang ako, kung hindi ko ite-take seriously ‘yan…

“Kaya kada show, bago mag-taping, kinakausap ko ang leading lady ko.

“I make it a point na magkaroon kami ng magandang relationship para magkaroon ng magandang chemistry—para iyon ang makita ng mga tao sa screen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN