FIRST READ ON PEP: Derek Ramsay’s "non-showbiz girl" revealed!

Hindi na nakatanggi si Derek Ramsay nang banggitin ng PEP ang pangalang Alexa Amos sa kanya. Si Alexa ang sinasabing "non-showbiz girl" na idine-date ngayon ng hunky actor.


Alexa Amos ang pangalan ng babaeng sinasabing pinakamalapit sa puso ni Derek Ramsay ngayon.

Tulad ni Derek ay frisbee player din si Alexa.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Derek nang banggitin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pangalan ni Alexa sa presscon ng Century Tuna Handline brand, sa Milkyway Café, sa Makati, kaninang hapon, October 23.

Medyo nagulat ang hunky actor kung paano namin nakuha ang pangalang dati ay binabanggit lamang niyang "non-showbiz girl" na idine-date daw niya ngayon.

NON-SHOWBIZ GIRL. Una naming tinanong kay Derek kung nanood ba si Alexa sa premiere ng pelikula niyang A Secret Affair noong Linggo, October 21, sa SM Megamall, na kunwari ay kilala rin namin ang girl.

Bahagyang natigilan si Derek at sinagot ang aming tanong.

“Ha, sino? Si Alexa Amos, oo, nanood si Alexa!” ang natatawa niyang sagot na medyo nabigla.

“Kasama namin,” dugtong niyang nangingiti.

Sino nga ba si Alexa sa buhay niya?

“She’s my friend. We’re very good friends.

"A… we play frisbee together. She’s part of a… the frisbee community.

"And… a, her tita is very close to my family in Tagaytay," paputol-putol na sagot ni Derek.

SPECIAL SOMEONE. Direktang tanong: Si Alexa ba ang kanyang "special someone"?

“Sino naman ang nagparating sa inyo niyan? Ako na magpaparating niyan," nangiti niyang pakiusap.

Dapat ngayon na niya iparating kung anuman ang gusto niyang ipaalam, sabi namin.

“Hindi pa. In my own time. Sabi ko nga..." naputol niyang sagot.

Pero "duma-the moves" na ba siya kay Alexa. Ang ibig sabihin ay nanliligaw ba siya rito?

“Maybe!” natatawa niyang sagot.

Konting description...

“She’s a lovely girl. She’s very into sport. Very into the outdoors. Loves life.

"She’s very spontaneous just like me.

"Umh, and she’s very beautiful. She’s pretty, so… a, hanggang doon na lang muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT SHOWBIZ. Hindi naman nagselos si Alexa nang mapanood ang sexy scenes niya sa A Secret Affair?

“Ano ang sabi niya? Ewan ko," iwas niya.

Siyempre napag-usapan na nila ito?

“Ewan ko. Sabi ko nga sa ’yo kanina, I didn’t even have time to sit down with family and friends, because there were so many people to thank and to talk to.

"So… tapos may taping ako ng Kidlat the next morning, sa Montalban," esplika niya.

Naiintindihan ba naman ni Alexa ang kanyang busy schedule?

Natawa si Derek sabay sabing, “Wala pa kami sa gano’n.”

So, okay lang sa kanya?

Bahagyang nagseryoso ang aktor at sinabing, “This is my life.

"I told you, di ba, the last time na… the person I’m gonna be with, especially sabi ko kasi, I don’t want a showbiz relationship.

"I want it to be more private... that she has to understand my schedule," pagtukoy niya sa susunod na babaeng magiging girlfriend niya raw.

NOT PART OF THE SOCIAL NETWORK. We heard na wala sa social media si Alexa?

“No, wala siyang Twitter. Wala siyang Facebook.”

Alam na alam niya?

“Oo, e, gano’n din ako, e, di ba? I have Twitter, that’s it. I don’t even really check my e-mail."

Pero special si Alexa sa kanya?

“Oo, she’s definitely special. Uhm, like I said, she’s a lovely girl, so let’s see where it goes.

"And she’s loved by the family and I’m loved by her family. So..."

May usapang pami-pamilya na?

“Let’s bring the foundation first and I’ll bring it out to you, ha. Para hindi masira yung foundation!" natawa niya uling pakiusap.

Parang A Secret Affair lang ang drama niya kasi ayaw pa niyang magkuwento?

“Whaaaat?" bulalas niyang natatawa.

"If you’re in an affair, you have to be with somebody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There’s no… it’s not three people involved here," nakangiti niyang pahabol.

May message ba siya kay Alexa?

“Ide-deliver ko na lang nang sarili ko yung message," iwas niya ulit.

Konti pang kuwento…

“Ewan ko sa inyo!” natawa uli niyang pag-iwas.

Pero dagdag ni Derek, “She’s very athletic.

"She’s...parang she’s the guy version of me na… She’s not vain.

"She just goes out in the field. Not scared to get dirty or get hurt. And I admire that about her."

Okay naman na pala?

“The thing is we both just came from relationships, so we want to take it slowly."

We’re sure na aware si Alexa na mababanggit at mababanggit ang kanyang pangalan, lalo na at sa kagaya niya ito nali-link ngayon?

“Hindi siya showbiz. Kaya nga gusto kong tahimik lang muna. Ayoko..."

Nakakabilib na hindi nag-deny si Derek nang banggitin namin ang pangalan ni Alexa Amos sa kanya.

Sabi ng aktor tungkol dito, “I don’t want to be the one behind you know… watch it on TV and I’m being denied, you know?

"And that’s not a nice feeling.

"When we feel it’s the right time, we’ll announce it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN