Matt Evans denies hitting live-in partner: "Hindi ho ako nananakit, hindi ho mabigat ang kamay ko."

Ang reaksiyon ni Matt Evans sa posibilidad na settlement sa pagitan nila ng live-in partner niyang si Johnelline Hickins: "A, siyempre para sa akin, kung gusto talaga nila maayos ’to, willing naman ako. Kasi kung itutuloy nila, siyempre lalaban ako. Pero kung hindi na nila itutuloy talaga, kung hahayaan nilang ma-dismiss na ’tong kasong ’to, siyempre wala na… Kumbaga, gaya ng sabi ko, gusto ko matapos na lahat, ’wag na mapalaki."<


Ilang araw pagkatapos niyang maaresto at makulong dahil sa bintang na pananakit sa kanyang live-in partner, binasag na ng young actor na si Matt Evans ang kanyang pananahimik.

Nakulong ang ABS-CBN talent noong Oktubre 21 dahil sa diumano’y pananakit niya sa live-in partner niyang si Johnelline Hickins at kapatid nitong si Juan Alberto Carlotta.

Nanatili si Matt sa piitan hanggang October 22, na nataon ding kaarawan niya.

Noong Lunes din siya pormal na sinampahan nina Johnelline at Juan Alberto ng mga reklamong "physical injuries in relation to Violence Against Women and Children," at "slight physical injuries."

Pero kinahapunan ng Lunes ay nakalaya rin si Matt matapos makapagpiyansa ng halagang dalawandaang piso.

(CLICK HERE for related article.)

MATT SPEAKS UP. Kahapon, Oktubre 23, ay nagpatawag ng presscon ang ABS-CBN para kay Matt. Ginanap ito sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, sa Mother Ignacia St., Quezon City.

Dito’y ibinahagi ni Matt ang ilang mga kaganapan sa pagsasama nila ni Johnelline.

Ayon sa young actor, halos isang taon na silang nagsasama ni Johnelline.

Tatlong linggo pa lamang ang nakalilipas nang isilang ni Johnelline ang kanilang anak na babae.

Sa loob ng isang taon na iyon, ayon kay Matt, "Hindi perpekto yung relasyon namin. There are times na may hindi pagkakaintindihan."

Pero hindi raw inakala ni Matt na aabot sa ganito ang hindi nila pagkakaunawaan ni Johnelline.

Talagang "nasaktan" daw siya sa mga naging mga pahayag nito.

"Halu-halong emosyon," tugon ni Matt nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon niya sa mga naging salaysay ng kanyang live-in partner.

Patuloy niya, "Siyempre nandun yung alam mong mga dagdag-bawas sa kuwento niya.

"Inis... nagalit din ako, siyempre nasaktan din talaga.

"Hindi naman dapat umabot sa ganito."



FRIENDS. Ayon sa salaysay ni Johnelline, mayroon silang pinagtalunan ni Matt na humantong sa mainitang sagutan.

Kalaunan ay nagkasakitan sila at nadamay pa ang nakatatandang kapatid ni Johnelline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman kinuha na rin ng media ang pagkakataon upang alamin mula kay Matt ang pinag-awayan nila ng gabing iyon.

"Actually, napakaliit na bagay, sobra," simula niyang kuwento.

"Uhm... dahil lang sa kaibigan.

"Tinanong niya ako, kasi ayun nga... bale may tinanong siya sa akin tungkol sa mga kaibigan ko.

"Sinabi ko lang kung ano totoo.

"Hindi siya naniwala.

"So inuulit-ulit niya lang sa akin yung tanong, and inuulit-ulit ko lang sa kanya yung sagot.

"So, hindi ko na kinaya, umalis po ’ko, umalis na lang ako.

"Nagpumilit na lang ako na lumabas ng bahay. Kasi alam ko na hindi matatapos yun, so doon na nagsimula."

Inamin ni Matt na bago pa maganap ang insidenteng iyon ay mayroon na silang "pinagdadaanan" ni Johnelline.

Nasabi rin ng young actor na "unexpected" na "makialam" sa kanilang pagtatalo ang nakatatandang kapatid ni Johnelline na si Juan Alberto, na "kabarkada" pa raw ng aktor.



THEIR SIDE OF THE STORY. Samantala, ang legal counsel ni Matt na si Aty. Joji Alonso ang nagbigay ng detalye sa mga pangyayari noong Oktubre 20 bandang pasado alas-onse ng gabi.

"Unang-una, sa first statement pa lang, na dumating daw si Matt, lasing— that is so untrue," simula ni Atty. Joji.

"In fact, the brother of the girl was not even around when he arrived together with some friends.

"They wanted to unwind, drink a little beer.

"At that time, si Matt, umakyat pa sa baby, nagluto pa siya para kay Johnelline ng pagkain.

"So how does someone who is drunk got to that motion of taking care of things?

"And yung claim na itinulak itong si Johnelline sa hagdanan is also not true.

"The claim of Johnelline na she was pushed down the stairs is not true.

"Kasi bumaba na si Matt, he was already somewhere in the middle of the stairs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So paanong matutulak? He was in the opposite direction."

Nilinaw rin ni Atty. Joji ang tungkol sa balitang kumuha raw ng kutsilyo si Matt, at bilang depensa ay kumuha rin ng kutsilyo si Juan Alberto.

Ani Atty. Joji, "There’s only one knife.

"When the barangay people arrived at the scene, siya [Juan Alberto] ang may hawak na kutsilyo.

"Walang hawak si Matt."

Gayunman, hindi na gaanong nagbigay ng karagdagang impormasyon si Atty. Joji dahil nasa korte na raw ang kaso.

Sabi niya, "We’ll do that in our counter affidavit.

"Actually, the case was already forwarded to the court.

“Now we’re filing for a motion for re-investigation because ang dami pa naman talagang documents na kulang.

"Wala pa yung mga medical certificates, kasi Matt has his own medical certificate and in the process, doon natin ilalatag lahat-lahat."



SURPRISE PARTY. Inalam naman ng PEP mula kay Matt ang balitang bago maganap ang insidente sa pagitan nila ni Johnelline ay nagpaplano pa ang huli ng surprise party para sa kanya.

Sinabi ng aktor na nabanggit nga ito sa kanya ni Johnelline.

Pero aniya, "Para sa akin kasi, hindi mo kailangan awayin ang isang tao para lang masabi mong may surprise ka o just to make sure or just to see na kung paano yung transition ng reaction niya—from angry to surprised.

"Parang napakamali yun, e. Mali yun, e.

"Papasamain mo yung loob ng tao ’tas tsaka mo isu-surprise.

"Aawayin mo muna tapos meron ka palang surprise.

"Parang pinaglalaruan mo yung emosyon ng tao o yung isang tao, actually.

"A... yun ang pagkakasabi niya sa akin, pero ang alam ko, lumabas ang kuya niya kasi maggo-grocery sila.

"Tapos yun nga, yung mga sinasabi niya sa akin, right after nung nangyari.

"So I don’t know kung totoo o anuman.

"May ipinapakita siya sa akin na mga text sa mga ganun, pero di ko alam, di ko alam kung ano talaga yung plano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"HINDI MABIGAT ANG KAMAY." Marami ang nabigla matapos lumabas ang balita ng diumano’y pananakit ni Matt.

Kaya naman tinanong ang Star Magic talent kung siya ba ang tipo ng tao na kapag napuno ay may posibilidad na makapanakit.

"Ako ho yung tipo ng tao na kahit anong problema na ibato mo sa akin, tatawanan ko lang ’yan," wika ni Matt.

"Hindi ho ako mananakit basta-basta.

"Hindi ho ako nananakit, hindi ho mabigat ang kamay ko.

"Ako ho yung pag may problema ako, as much as possible, gusto ko inaayos kaagad, hindi ko pinapakumplikado yung mga bagay."



SETTLEMENT. Sa kabilang banda, marami ang nagsasabi na maaaring maayos pa ang problema nina Matt at Johnelline, sa dahilang dinalaw pa ng huli ang aktor sa kulungan.

Kinumpirma naman ni Matt na dumalaw nga si Johnelline sa kanya noong mga panahong nakakulong siya, at dito’y makailang beses niya rin pinakiusapan ang live-in partner na iurong na ang kaso.

Kuwento ni Matt, "Three times kaming mag-usap, three times din akong nagmakaawa sa kanya na iurong [ang kaso].

"Kasi una sa lahat, wala naman akong kasalanan at saka kung titingnan n’yo, misunderstanding lang talaga.

"Away mag-asawa, sabi nga nila away mag-boyfriend-girlfriend lang.

"Kumbaga, hindi dapat umabot sa ganun.

"So, sa tuwing bumibisita siya, may mga bagay siyang tinatanong sa akin.

"Then, ginagawa ko nga na nagmamakaawa ako sa kanya, kinakausap ko siya para siyempre, iurong yung kaso, para hindi ako ma-inquest.

"But still, itinuloy nila.

"So wala akong magagawa kundi dumipensa rin."

Bukas ba siya sa posibilidad ng settlement sa pagitan nila ni Johnelline?

Sagot ni Matt, "A, siyempre para sa akin, kung gusto talaga nila maayos ’to, willing naman ako.

"Kasi kung itutuloy nila, siyempre lalaban ako.

"Pero kung hindi na nila itutuloy talaga, kung hahayaan nilang ma-dismiss na ’tong kasong ’to, siyempre wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, gaya ng sabi ko, gusto ko matapos na lahat, ’wag na mapalaki."



BARANGAY ISSUE. Mayroon din nagtanong mula sa press kung bakit umabot sa korte ang insidenteng ito sa pagitan nina Matt at Johnelline, samantalang ang ibang katulad na pangyayaring ito ay naaayos sa barangay level pa lamang.

Paliwanag ni Atty. Joji, "Well, ideally, when talking about a domestic issue, the usual norm talaga is to go to barangay level para mapagkasunduan.

"Kasi nga, mag-asawa, boyfriend-girlfriend, uhm, magkamag-anak...

"And kapag kasi umabot sa korte yung mga ganitong kaso, mas mahirap na maghilom ang sugat.

“So at least, sa barangay level, kapag napag-usapan pa, baka sakaling magkaayos.

"O kung hindi na magkaayos, magkahiwalay nang tahimik at hindi nagkakagulo.

"Uhm, but in this instance, they decided to bring the matter to the police station.

"And naturally, ang mga kapulisan natin, they’re only doing their jobs na kailangan nila i-entertain kapag merong nagko-complain.

"If you will read the complaint, napaka-serious nga naman ng allegation—may nanulak, may nanuntok, all these things ano.

“So siguro, upon reading these things, yung police investigator din found this serious, na doon na talaga ipinagpatuloy yung imbestigasyon, hindi na siya ni-refer sa barangay captain.

"So they just proceeded, and from there, again, basing on the claims made in the complaint—both complainants, the brother and si Johnelline— nakita siguro nila, na kapag kasi sinunod lahat ng accusations, talagang may basehan na may violation ng batas.

"So that’s why they pursue the filing of the charges."

Pero sa huli, muling binigyang diin ni Atty. Joji na sa mga salaysay nina Johnelline at Juan Alberto, "A lot of things that has been said there are inconsistent, and definitely lies.

"I’m not saying all, but a substantial number of allegations there are lies."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN