Janelle Manahan testifies on the witness stand; gets emotional as she recalls death of boyfriend Ramgen Revilla

Inamin ni Janelle Manahan na napagbuhatan ng kamay ng kanyang yumaong nobyo na si Ramgen Revilla ang mga kapatid nito, at maging siya. Gayunman, pinipilit naman na raw ni Ramgen noon na baguhin ang kanyang ugali.


Naging emosyunal si Janelle Manahan nang sumalang siya sa witness stand kahapon, Oktubre 23, sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 274.

Ito ay kaugnay ng pagpatay sa kanyang kasintahang si Ramgen Revilla noong Oktubre 28, 2011 sa mismong tahanan nila sa BF Homes, Parañaque City.

Nakaligtas noong gabing iyon si Janelle, na kasama ni Ramgen nang pasukin ng isang gunman ang kuwarto ng aktor.

Kahapon ay idinetalye ni Janelle sa witness stand ang ginawang pagpaslang sa kanyang kasintahan.

Sabi ni Janelle, naroon din noong gabing iyon ang kapatid ni Ramgen na si Ramona “Mara” Bautista, na hiningan daw niya ng tulong matapos silang pasukin ng gunman.

Sinabi raw ni Ramona sa kanya na hihingi siya ng tulong, pero makalipas ang halos labinlimang minuto’y hindi pa rin ito bumabalik.

Sinubukan din daw ni Ramona na humingi ng tulong sa dalawa pa niyang kapatid na sina Ramon Joseph “RJ” Bautista at Gail Bautista, pero wala namang naging sagot.

Mabuti na lamang daw ay nakahingi ng tulong si Janelle sa kanyang pamilya at mga kaibigan.



THE DISCIPLINARIAN. Inamin din ni Janelle na napagbuhatan ng kamay ni Ramgen ang halos lahat sa mga kapatid nito.

Ang 22-year-old actor daw kasi ang tumayong disciplinarian ng kanyang mga kapatid.

Sinabi rin ni Janelle na maging siya’y napagbuhatan ng kamay ni Ramgen noon.

Gayunman, unti-unti naman na raw nagbabago at nakokontrol ni Ramgen ang kanyang pananakit noon.

Pero itinanggi ito ng ina ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV.

Aniya, bagamat mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kanyang mga anak paminsan-minsan, nagmamahalan naman daw ang mga ito.

Dagdag pa ni Genelyn, sa tuwing nagkakaaway sila ay sa kanilang amang si Ramon Revilla Sr. sila nagsusumbong.

Ipagpapatuloy ang pag-upo sa witness stand ni Janelle sa Nobyembre 6, dahil na rin sa pagiging emosyonal nito kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, pinahintulutan naman ng korte ang hiling ni RJ Bautista na madalaw ang puntod ng kanyang kapatid na si Ramgen, sa anibersaryo ng pagpanaw nito sa Linggo, Oktubre 28.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN