Markki Stroem on gay role in indie film: “I’m comfortable with who I am, so I am able to play different roles...”

Kung sa isang pelikula ay gay ang role na ginagampanan ni Marrki Stroem, sa entablado naman ay gaganap siya bilang isang young rock star. Sabi ni Markki sa dalawa niyang roles na ito: “Identity crisis na! Pero fun, I think it’s good training in terms of... parang it’s getting different people in my head, in creating different characters for it. It’s fun, marami akong natututunan.”


Noong October 22 ay ginanap ang press launch ng Camp Rock: The Musical sa Onstage Greenbelt, Makati City.

Ang lead actor ng naturang theater production ay si Markki Stroem, isa sa pinakaabala ngayong singer-actor sa bakuran ng ABS-CBN.

Bukod sa musical na magsisimula sa Nobyembre, nag-launch na si Markki ng isang album at gumagawa rin siya ng isang indie film.


Slumber Party ang titulo ng indie film na kasama sa CinemaOne Originals film festival sa November din.

Gay ang ginagampanang role dito ni Markki.

Ayon sa dating Pilipinas Got Talent finalist, hindi siya nagdalawang-isip na gumanap bilang bakla.

Challenge pa nga raw ito para sa kanya.

“I’m comfortable with who I am, so I am able to play different roles in plays, in movies, in indie.

"And I like it like that.

"Kasi if you’re playing yourself, parang it’s not a challenge.

"If you’re playing something different, you’re playing something new,” sabi niya.

Apat daw silang gaganap na bading sa pelikula.

“Apat na guys—si Archie Alemania, si Sef Cadayona, tapos bago, yung brother ni Raymond Bagatsing, si RK Bagatsing.

"Ako, fashion designer ako dito sa movie na ’to. Kontrabida ako, e. Mataray,” sabi niya.

Nagbigay rin si Markki ng maikling teaser tungkol sa pelikula.

Kuwento niya, “The story is about a beaucon. It’s a slumber party, nasa loob kami ng bahay the whole time.

"Tapos may pumasok na fraternity brother sa bahay, tapos hinostage namin yung fraternity brother.

"Yung fraternity brother pumasok para magnakaw, tapos maraming nangyari.”

Para makatulong sa kanyang pagganap sa pelikula, ilang linggo ring nag-aral si Markki para rito.

“Me, for example, I talked to my stylists, my designers.

"Kasi, sila yung ano, e, yung mga medyo... not like that, pero their lifestyles are like that.

"So natutunan ko yung actions nila, how they control themselves, how they talk,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



IDENTITY CRISIS. Kung gay role ang kailangan niyang aralin para sa indie film, isa namang young rock star ang gagampanan niyang papel sa Camp Rock: The Musical.

Si Markki ang gaganap sa role ni Joe Jonas sa orihinal na Camp Rock ng Disney Channel.

Sa dami ng ginagawa ni Markki, aminado siyang may kalituhan na sa kanyang isip.

“Identity crisis na!" tawa niya.

"Pero fun, I think it’s good training in terms of... parang it’s getting different people in my head, in creating different characters for it.

"It’s fun, marami akong natututunan,” pahayag niya.

Aniya pa, ang kanyang singing career ang focus niya ngunit nakakatulong naman ang pag-arte.

“It actually goes together.

"Kasi acting and singing talaga, dalawa yun sa pinaka-passion ko sa buhay.

"And I’ve always want to be a stage-slash-TV performer.

"Yung teatro, it’s good building-block for singing. Broadway music, tapos you can create your style,” saad niya.

Ano naman ang dream roles niya?

“One of the roles I wanted to play in my life is like, yung parang Budoy, yung autistic, to understand really what that character is, and to understand where they’re growing in that role.

"And I also want to play yung mga psycho, yung mga bipolar, schizophrenics.

"Kasi ’yan yung gusto ko, yung medyo iba,” sabi ni Markki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN