Kapuso young actress Yassi Pressman reveals her showbiz crush: "Yung Philippine version ni Zac Efron—si Sam Milby."

Ayaw makialam mi Yassi Pressman sa isyu na kinasasangkutan ng co-star niya sa Cielo de Angelina na si Bea Binene. Pero sabi niya: “Pero siyempre, ako po, shocked din po ako… mabait po kasi si Bea. Sobrang innocent na parang wala talaga akong naiisip.”


Kontrabida ang karakter na ginagampanan ng Kapuso young actress na si Yassi Pressman sa morningserye ng GMA-7, ang Cielo de Angelina.

Ang Cielo de Angelina ay pinangungunahan ng tambalang Bea Binene at Jake Vargas.

Sabi ni Yassi tungkol sa kanyang role, “Ako rito si Rhoda bilang kontrabida ni Bea.”

Kina-career na ba niya ang pagiging kontrabida?

“Well, actually po, yung sa Luna Blanca, yun po ang first na mean na mean po.

“Kasi sa Tween Academy naman po, parang pa-cute na maarte lang.

“Pero sa Luna po, parang pineg nila na masama.

“Dito naman po, mas masama.”

So, pasama na nang pasama ang karakter niya?

“Parang ganun nga po.

“Pero okay naman sa akin kahit na anong role ang ibigay nila.

“Ayoko na rin naman po na maging choosy.

“Gusto ko na rin po yung ibang-iba sa akin para talaga pong ma-adapt ko ang character at pagkatapos, natsi-change ko po ang sarili ko.”

YOUNG KONTRABIDA. Minsan kapag nasimulan ng kontrabida, nata-typecast na talaga sa ganung role.

Sabi ni Yassi, “Tanggap ko naman po yun na mahirap mag-shift. Pero, nandoon ang challenge naman.”

Mas nakikita ba niyang nag-e-excel siya sa kontrabida roles kaysa maging mabait o pa-sweet?

Sagot ni Yassi, “Siguro po dahil na-try ko na rin naman ang mabait sa Tween Academy, nati-thrill po ako lalo kapag naririnig ko na kontrabida.

“Natsa-challenge po ako.

“Tapos afterwards, natutuwa po ako na parang may mga naapektuhan.

“So, para sa akin, nagawa ko nang maayos.

“Thankful ako kapag ganoon ang mga reaksiyon.

“At saka, parang yun din naman po ang gustong i-push nila Tito Joey [Abacan].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa press conference ng Cielo de Angelina last week.



VIVA TALENT. Napag-alaman namin mula kay Yassi na hindi pala siya talent ng GMA Artist Center; siya pala ay mina-manage ng Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Viva-Geleen Eugenio poco-managed po.

“Si Tito Joey naman, hindi po ako managed.

“Pero bale po nakasama ko po sila sa Tween Academy at palagi rin naman naming nakakasama na mga tweens kaya, yun po.”

Tatlong taon na rin si Yassi sa showbiz—tatlong taon mula sa pagsasayaw at dalawang taon naman sa pag-arte.

Pero hanggang ngayon, wala pa raw kontrata si Yassi sa GMA-7. Paano na ang takbo ng kanyang career?

“Sobrang happy po, sobrang happy," sambit niya.

“Siguro po, pang-apat na show ko na rin ito [Cielo De Angelina] sa GMA aside sa Party P [Pilipinas] at SOP.

“Tapos po, this December, first MMFF [Metro Manila Film Fesival] entry ko po sa Si Enteng Si Agimat at si Ako—kasama po ako doon.

“Masayang-masaya po ako doon kasi magdi-diwata po ako.

“Kasama ko po si Ms. Judy Ann Santos.”



BEA AND BARBIE. Tinanong naman namin si Yassi kung hindi siya nababagalan sa takbo ng kanyang career kumpara kina Bea Binene at Barbie Forteza.

Tugon niya, “Hindi naman po, wala pong ganoon.

“Kasi po, ayoko rin naman pong magmadali at magbida agad hangga’t hindi ko po napapatunayan na kaya ko.

“Mas gusto ko po yung... kapag pakiramdam na nila kaya ko at sigurado na po akong kaya ko, ita-try kong i-push talaga.

“Kasi po, ayoko rin naman pong mag-disappoint.

“So, kung anuman po ang ibinibigay sa akin, happy rin naman po ako.

“Siyempre, wala naman pong aayaw na maging bida.

“Pero one day... hindi ko naman po minamadali.”



SHOWBIZ VS. SCHOOLING. Pagsasayaw talaga ang masasabing naging pasaporte ni Yassi sa showbiz, pero gusto rin daw niyang makabuo ng pangalan sa pagkanta.

“Gusto ko rin po talagang kumanta. Meron nga akong account sa SoundCloud."

Ang SoundCloud ay isang online audio distribution platform na puwedeng mag-collaborate, mag-promote, at mag-distribute ng audio recordings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para rin po siyang Twitter, pero sound na kahit sino, puwede kang mag-record ng kanta.

“Puwede po akong i-follow doon.

“Sila Taylor Swift, Britney Spears po, may account din doon.”

Sa edad na seventeen, tapos na raw siya ng high school at hindi muna raw siya pumasok sa kolehiyo.

Para kay Yassi, worth it naman daw na unahin muna niya ang showbiz career niya.

“Oo naman po.

“Ako po kasi, pinaniniwalaan ko na ang opportunity, nawawala ’yan.

“Pero ang school, forever na nandiyan.

“Puwede kang mag-aral kahit thirty ka na, forty—basta mag-aral ka.”



NO BOYFRIEND. Biro namin sa kanya, siguradong binabawalan siya ng manager niya na si Geleen Eugenio na mag-boyfriend.

Natawa ito saka sinabing, “Wala naman po akong naririnig na ganun. Pero, wala pa rin naman po sa isip ko yun.”

Nagkaroon na siya ng boyfriend?

“Wala pa po. Pero crush, siyempre po.

“Sino po ba ang hindi nagkakaroon ng crush?”

Sino naman ang crush niya?

“Yung Philippine version ni Zac Efron—si Sam Milby.

“Kasi po, nakikita ko si Zac Efron sa kanya... yun talaga.”

BEA BINENE. Nagkasama na sina Yassi at Bea sa Tween Hearts pa lang kaya kahit paano ay masasabing kilala na ni Yassi si Bea.

Ano ang masasabi at reaksiyon niya sa mga isyu na kinasasangkutan ngayon ni Bea?

Maingat na sagot ni Yassi, “Siyempre, wala naman po akong say doon. Life niya naman po yun.

“Pero siyempre, ako po, shocked din po ako… mabait po kasi si Bea. Sobrang innocent na parang wala talaga akong naiisip.

“So, siguro po misunderstanding ng ibang tao, opinyon ng ibang tao.

“Pero ako, personally, ang tingin ko sa kanya…

“Napaka-inosente, napakabait na bagets talaga, kaya hindi ako naniniwala talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN