Director Mac Alejandre answers favoritism issue in Artista Academy

Ito ang sagot ni Direk Mac Alejandre sa isyung may paborito raw siya sa mga natitirang Top 6 scholars ng Artista Academy: “Pansinin ninyo. Pag pinupuri ko ang isang tao, more often than not, may kasama ako sa panel na pumupuri rin. Ang pagpansin, pagpuna, o pagpuri sa trabaho, e, para lang sa particular night na yun.”


Bago pa man ang grand awards night ng Artista Academy ng TV5 sa Sabado, October 27, may mga intriga nang naglabasan tungkol sa critic at direktor ng show na si Mac Alejandre.

Sinagot ni Direk Mac ang mga isyung ito sa panayam sa kanya ng Ang Latest, Up To The Minute na lumabas noong Lunes, October 22.

Saad ng direktor, “Sasagutin ko ‘yan. Kasi critics kami. Kinuha kami for our expertise, so siyempre sasabihin namin kung ano ang nararamdaman namin.”

Kasama ni Direk Mac bilang mga kritiko sina Lorna Tolentino, Gelli de Belen, at Ms. Wilma Galvante.

Ano ang reaksiyon ni Direk Mac sa mga nagsasabing may paborito siya among the students of Artista Academy?

Sabi niya, “Pansinin ninyo. Pag pinupuri ko ang isang tao, more often than not, may kasama ako sa panel na pumupuri rin.

“Ang pagpansin, pagpuna, o pagpuri sa trabaho, e, para lang sa particular night na yun.”

Nilinaw rin ni Direk ang isyung sumabay raw sa kanyang sasakyan ang isa sa mga students ng Artista Academy na si Akihiro Blanco papunta sa Esquire Ball sa Makati.

May katotohanan ba ito?

Tugon ni Direk Mac, “Totoong sumakay si Aki sa kotse ko kasama si Chanel [Morales, Top 6 student din ng show]. So, sumakay sila sa kotse papunta ng Esquire Ball.”

Sa nasabi ng interview ay nakuha rin ang panig ni Akihiro tungkol dito.

Sabi niya, “Wala po. Wala po talaga.

“Siyempre, kami pong lahat talaga, sobrang pinoprotektahan po kami ni Direk Mac Alejandre. Kasi po siya yung parang tatay po namin sa Artista Academy.”

Gaganapin sa Smart Araneta Coliseum ang grand awards night ng Artista Academy, kung saan tatanghalin na ang Best Actor at Best Actress mula sa Top 6 honor students.

Bukod kina Akihiro at Chanel, kabilang din sa Top 6 sina Vina Abrenica, Sophie Albert, Mark Neumann, at Shaira Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mapipili ay tatanggap ng tigsa-sampung milyon in cash and other prizes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN