Nora Aunor wants to revive her film and recording companies

Na-inspire ang Superstar na si Nora Aunor sa pagiging mentor niya sa male finalists ng Artista Academy kaya plano niyang buhayin ang kanyang film and recording companies.


Dahil sa magandang karanasan niya bilang mentor at co-actor ng male finalists sa Artista Academy ng TV5, muling nabuo sa isipan ng Superstar na si Nora Aunor ang pagsuporta sa iba pang baguhang talents ng iba’t ibang reality search sa telebisyon.

Naging source of inspiration and encouragement ito kay Ate Guy bilang dating aktibong movie and records producer.

Kaya ngayon ay nais niyang sumuporta sa pamamagitan ng pagre-revive ng sariling kumpanya, tulad ng dating NV (o NCV) Productions at NV Records outfit.

Ang initials ay tumutukoy sa tunay na pangalan ng Superstar na si Nora Villamayor (NV) o Nora Cabaltera Villamayor.

"Gusto kong mag-produce ng indie films... gusto kong magdirek ng pelikula!" sabi ni Nora sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal sa pictorial niya para sa Bench billboard ng Thy Womb sa Makati City.

May bago raw digital movie cameras na binili si Ate Guy at gusto niyang pag-aralan ang paggamit ng mga ito.

"Kailangan ko lang ng magaling na cinematographer para i-guide ako… talagang magdidirek ako," sabi pa niya.

Na-inspire daw kasi siya ang paggawa ng dalawang pelikulang indie—Thy Womb (Sinapupunan) ni Brillante Mendoza at El Presidente ni Mark Meily.

Parehong entries ang mga nabanggit na pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012.

Sabi ni Nora, "Kakaibang indie films ang mga ito. Para ngang hindi indie dahil malaki at malawak ang tema… maganda ang istorya.

"Magagaling din ang mga artistang nakasama ko, tulad nina Bembol [Roco]; si Chedeng [Mercedes Cabral], napakabait na bata niya; at siyempre si Lovi [Poe] na napakalambing.

"Siyempre, si Governor ER, mabait at magaling na aktor, bilib ako sa kanya.”

Kukunin ba niyang artista sa ipu-produce na indie films, kung sakali, ang mga binanggit niyang pangalan?

"Ay, siyempre! Bakit hindi? Depende ‘yan sa project, sa role na babagay sa kanila."



RECORD PRODUCER. Tungkol naman sa pagpu-produce ng album, nais din ni Ate Guy na sumuporta sa mga bago, comebacking, at more seasoned singer-recording artists and performers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una sa mga ito ang nagka-comeback ngayong rapper-composer na si John Rendez, na nai-release na ang iprinodyus na comeback album—ang Metaldog/There Can Only Be One ng PolyEast Records.

Sabi Nora, "Maraming-maraming salamat sa lahat ng dumating doon sa presscon ng kanyang CD album na Metaldog.

"Salamat sa lahat ng mga nakakarinig, sa mga feedback; sa lahat ng mga radio announcer na nagpapatugtog ng CD album ni John.

"Pag may maluwag na oras, bakit hindi, papasyalan ko ang mga announcer [sa radio stations nila]."

Tumatayong manager ni John Rendez si Ate Guy.

Lubos daw ang paniniwala niya sa likas na talent ng kaibigan sa pagku-compose at pagkanta ng rap noon pa man.

Sabi ni Nora, "Matagal na talagang gusto kong mangyari ’yon sa kanya dahil ako mismo, naniniwala sa talent niya.

"Nanghihinayang ako kung hindi mapapakinggan man lang ng mga tao kung ano yung mga ginawa niya.

"Siya mismo kasi ang nag-compose ng mga songs dun sa CD, e."

Bilang aktor, nakalabas na rin si John sa ilang pelikula—with or without Ate Guy—tulad ng Ang Totoong Buhay Ni Pacita M. (1991) ni Elwood Perez, Mama Dito Sa Aking Puso (1997) ni Frank Rivera, at Sindak (1999) with the late director, Mario O’Hara.

Ang Sindak ang lead starrer/launching vehicle ni John.

"Contract artist din namin siya sa NV Productions noon," pagtukoy pa ni Ate Guy.

Once revived, Nora hopes her movie and recording outfits can get other potential talents—aside from John and singer Michael Pangilinan, na balak ding ipag-produce ni Ate Guy ng sariling album at isali sa alinmang gagawing pelikula.



DIRECTORIAL DEBUT. Meanwhile, Nora Aunor also has wishes and plans for a long-time friend.

"Gusto kong magdirek na ng pelikula si Ricky Lee," sabi ni Ate Guy tungkol sa multi-awarded screenwriter and author.

"Hindi ako aarte kung hindi siya ang magdidirek," birong-totoo rin ni Ate Guy habang kaharap si Ricky Lee nang makapanayam ng PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol sa gagawing pelikula na magiging debut film ni Ricky, balak nilang ituloy ang isang nasimulan nang proyekto titled Hustisya.


Isinulat ito ni Ricky para sa yumaong direktor na si Ishmael Bernal, National Artist for Film.

Sabi ni Nora, "May gagawing pag-a-update sa kuwento, pero maganda pa rin at talagang napapanahon ito.”

Isang seryosong kuwento na may temang ukol sa injustice at human rights violations ang Hustisya.

Follow-up din sana ito sa matagumpay na director-writer-actor team nina Bernal, Lee, at Aunor ng pelikulang Himala (1982), isang much-celebrated film, winning local and international awards and accolades sa loob ng 30 taon.

When asked to comment about Nora’s encouraging plans and support for his career, Ricky is non-committal. But he’s very elated and happy.

"Ayoko munang isipin dahil mayroon pang Himala," sabi ni Ricky, na nasa gitna ng kaabalahan ngayon sa muling pagpapalabas ng klasikong obra sa restored-HD version nito.



COFFEE TABLE BOOK. Ugnay rito ang pagbuo ni Lee ng isang coffee table book.

Ang nilalaman nito ay ang buong screenplay ng Himala at mga bagong interviews sa mga naging sangkot sa pelikula, mga reviews, at mahigit 100 new photographs na kuha sa mga eksena at behind-the-scene ng pelikula.

Muli ngang ipalalabas sa ilang piling sinehan ang Himala, sa pamamagitan ng Star Cinema-ABS-CBN’s Cinema One, simula sa December 5, 2012.

Kaugnay nito ay magkakaroon ng Himala coffee table book launch sa mismong gala premiere nights ng pelikula sa SM Megamall, sa December 2 at December 4.

Sabi ni Ricky, "Nakakagulat ang order ng libro, hindi lang dito [sa Pilipinas] kundi yung mga nasa abroad!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN