Janelle Manahan to Ramgen Revilla’s family: "Give naman Ramgen the justice that he deserves."

Naghilom na ang sugat sa mukha ni Janelle Manahan na dulot ng pagkakabaril sa kanyang mukha. Nag-iwan man ito ng peklat ay hindi raw niya ito ipatatanggal. Paliwanag ni Janelle, “For me, may story siya, e, it reminds me of something. Something that’s not actually beautiful but, you know, not a nice experience, pero it changed my life.”


Mag-iisang taon na sa Linggo, Oktubre 28, mula nang mapatay ang aktor na si Ramgen Revilla.

Magha-hatinggabi noong Oktubre 28, 2011, nang pasukin ng lalaking nakamaskara ang kuwarto ni Ramgen sa kanilang bahay sa BF Homes, Parañaque.

Dito nga ay pinagsasaksak at pinagbabaril ang aktor at nadamay pa ang girlfriend niyang si Janelle Manahan.

Madaling-araw naman ng Oktubre 29 nang ideklarang dead-on- arrival ang aktor sa Parañaque General Hospital.

Makalipas ang halos isang taon, mas maayos na raw ang lagay ni Janelle ngayon, at tanggap na raw nitong hindi na niya makikita ulit ang nobyo.

Sa eksklusibong panayam ni Sheryl Cosim kay Janelle para sa TV5 News program, ang Aksyon, na napanood ngayong gabi, Oktubre 25, inamin ng dalaga na okay na siya ngayon kumpara noong mga nakaraang buwan.

“I am so much better now. I stop crying every day already. Kasi before, every day talaga ako umiiyak,” sabi ni Janelle.

Masasabi niya raw na normal na ang kanyang buhay. Nagtatrabaho siya ngayon sa isang high-end real estate firm at may balak ding bumalik sa pag-aartista.

“Na-realize ko na everything happens naman kasi for a reason. Merong plan sa bawat tao na mas maganda, so you should not regret anything," sabi ni Janelle.

Produkto ng dating artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest si Janelle at nakagawa ito ng ilang proyekto pagkatapos ng contest.



NOT READY TO LOVE AGAIN. Inamin ni Janelle na may mga nanliligaw na ulit sa kanya ngayon. Pero hindi pa raw siya handang umibig muli.

“I go out with guys… pero love, I know that those guys know na I’m not ready for it.

"I know that no one can replace him and I don’t think someone can ever replace him.”

Tuwing naaalala niya raw ang gabing napatay si Ramgen, hindi pa rin niya maiwasang sisihin ang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iniisip ko [sana] mag-text nang mas maaga or kung ako yung nag-decide kung saang hospital… kung saang hospital kami dinala, siguro it could have changed something.

"Sana may nagawa akong iba or sana ni-lock ko yung door or hindi ko pinapasok si Mara,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Janelle.

Si Mara ay si Ramona Bautista, ang kapatid ni Ramgen na tumakas papuntang ibang bansa at hanggang ngayon ay hindi pa lumalantad.

Si Mara at ang isa pa nilang kapatid na si Ramon Joseph “RJ” Bautista, ang itinuturong utak umano sa krimen.

MEMORABLE SCAR. Naghilom na ang sugat sa mukha ni Janelle na dulot ng tama ng bala.

Nag-iwan man ito ng peklat, wala raw siyang balak na ipatanggal ito.

Aniya, “For me, may story siya, e, it reminds me of something.

"Something that’s not actually beautiful but, you know, not a nice experience, pero it changed my life.”

JUSTICE FOR RAMGEN. Noong Oktubre 23 ay naging emosyunal si Janelle nang sumalang siya sa witness stand sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 274.

Muli nga niyang idinetalye rito ang ginawang pagpaslang sa kanyang kasintahan.

Ang tanging mensahe ni Janelle sa pamilya ni Ramgen, ibigay ang hustisyang nararapat para sa nobyo.

“I just hope na, yun nga, lumabas ang totoo.

"Na walang mangyaring lakaran or whatever. Na huwag na nilang pagtakpan kung ano yung totoo.

"Give naman Ramgen the justice that he deserves,” sabi ni Janelle sa interview ng Aksyon.

Sa unang anibersaryo ng pagkamatay ni Ramgen sa Oktubre 28 posible raw na makipagkita si Janelle sa ilang miyembro ng pamilya Revilla.

Ang tanging maireregalo raw ni Janelle kay Ramgen kahit ilang anibersaryo pa ang lumipas ay hindi siya susuko hangga’t makamit ang hustisya sa sinapit nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN