Carlo Aquino comes home to ABS-CBN; admits having non-showbiz girlfriend

Nang tanungin kung ano ang mga natutunan niya sa buhay, ito ang naging sagot ng aktor na si Carlo Aquino: “Sa buhay, hindi masarap pag hindi ka nasasaktan, pag hindi ka nagkakamali kasi kasama yun sa buhay, e. Lahat ng pagkakamali, lahat ng sakit, kalyo yun, e… kalyo ng buhay yun e.”


Balik-Kapamilya network si Carlo Aquino.

Ito ang kinumpirma ng aktor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa shooting ng pelikulang Mater Dolorosa ng Cinema One Originals noong Miyerkules, October 24.

Ayon kay Carlo, masaya siya sa kanyang pagbabalik sa kanyang original home network at harapin muli ang pag-arte.

“Yes, kababalik ko lang, pero hindi pa ako nagsa-sign. Kakapa-release ko pa lang sa Viva.

“Siguro sa tagal ng walang ginagawa, walang trabaho, pa-guest-guest lang, e…

“Heto talaga ang gusto kong gawin—yung umarte, maipakita sa tao kung ano talaga ang ibinigay na talento sa akin ng nasa Itaas."



LESSONS. Ano ba ang mga natutuhan niya sa mga nangyari sa kanyang buhay at career?

“Sa buhay, hindi masarap pag hindi ka nasasaktan, pag hindi ka nagkakamali kasi kasama yun sa buhay, e.

“Lahat ng pagkakamali, lahat ng sakit, kalyo yun, e… kalyo ng buhay yun e,” saad niya.


MATER DOLOROSA. Aminado ang dating child actor na sobrang na-miss niya ang pag-arte.

Isa nga sa ginagawa niya ngayon ay ang Mater Dolorosa, kung saan kasama niya ang mga mahuhusay na mga artista na sina Gina Alajar, Rosanna Roces, at Alessandra de Rossi.

Mula ito sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Sabi ni Carlo, “Sobrang na-miss ko ang pag-arte.

“Kinuha ako ni Direk Adolf para dito sa Mater Dolorosa

“E, si Direk Adolf, nakasama ko siya dati sa Kahapon May Dalawang Bata [1999], writer pa siya nun.”

Ano ang role niya dito sa Mater Dolorosa?

“Ako yung pangatlong anak ni Lourdes [Gina], ako yung namamahala sa illegal drugs, jueteng… ako yung tumatakbong runner, nangongolekta.

“Ang sarap ng feeling kasi ang gagaling ng mga kasama, nakakaarte ka nang maayos.

“Tapos ang pagbabalik ko sa Cinema One, sa home network ko… I’m really excited.

Ibinahagi rin ni Carlo ang mga preparasyon niya sa kanyang role sa Mater Dolorosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Heto, nagpapayat ako pero hindi ko naman ma-achieve.

“Nag-quit akong mag-yosi, tumatakbo ako.

“Gusto ni Direk, payat talaga ako kaya lang hindi ko nga ma-achieve.

“Gusto ko mag-iba ang ayos ko tapos magpapalagay ako ng body henna.”



SHAKE RATTLE & ROLL 14. Masaya ring ikinuwento ni Carlo na parte rin rin siya ng Shake Rattle & Roll 14, kung saan ang direktor ng tatlong episodes nito ay si Chito Roño.

“Sabi ko nga, nakasama ako sa prangkisa, artista na ako. Para maka-foureteen films ka, franchise na talaga yun, di ba?

“Medyo lay low na si Direk Chto ngayon, e, unlike nung Bata, Bata… days namin. Nagbibiro na siya ngayon.

“Tapos na, parang ‘End of the World,’ hindi ko alam kung yun talaga ang ita-title.”



NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Kinumusta rin ng PEP kay Carlo ang lovelife niya. Hindi namani itinago ng aktor na may non-showbiz girlfriend siya ngayon.

“Mayroon akong inspirasyon, non-showbiz. Magaan, hindi nagseselos, supportive sa ginagawa mo,” sabi niya.

Hindi naman lingid sa marami na si Carlo ang first boyfriend ni Angelica Panganiban.

Ayon sa aktor, masaya siya na masaya sa kanyang lovelife ngayon ang ex-girlfriend.

“Basta masaya naman si Angel, masaya na ako para sa kanya.

“Nagkikita-kita kami nila Pratty [John Prats]. Nagkita kami nung dumalo ako ng Star Magic Ball.

“Nakita ko sila si Angel sa suite nila Pratty, nila Pooh.”

Sinabi rin ni Carlo na gusto niya muling makasama sa isang proyekto si Angelica.

“Oo naman, masarap yung pakiramdam na makatrabaho ko siya uli kasi.

“Hindi ko na nga maalala kung kailan yung huli namin… Tanging Ina pa yata yun, Part 1.

“Gusto kong magka-MMK [Maalaala Mo Kaya] kaming dalawa,” saad ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN