Jewel Mische on rumored relationship with Jason Abalos: “What we had, it really didn’t flourish.”

“But you know, that man, he’s a very good man. He has such a very good heart. So, I know, he’s someone I can talk to anytime, it’s just that we don’t have…” at hindi na naituloy pa ni Jewel Mische ang gusto niyang sabihin tungkol sa nai-link sa kanyang si Jason Abalos.


Ang pagbubukas ng isipan daw ang binigyang panahon ni Jewel Mische ng paghahanda, kaysa ang kanyang pisikal na kaanyuhan, para sa kanyang sexy and daring role sa Precious Hearts Romance Presents Paraiso.

Ibang Jewel daw ang mapapanood sa bagong teleseryeng nabanggit na magsisimula nang mapanood sa Lunes, November 5 sa ABS-CBN.

“First of all, kailangan kasi ma-embrace mo yung character. Yun ang pinaka-preparation na ginawa ko.

“Aside from that, sa katawan wala naman,” pahayag ni Jewel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters sa press conference ng Paraiso sa Dolphy Theater noong Huwebes, October 25.

Dugtong pa niya, “Pero mostly, sa isip talaga, kasi first time ko itong ginawa.”

“Ayoko pong tawaging daring, pero, ito ang pinaka-challenging role kasi, obvious naman po sa role ni Megan . As a wife, may mga ipapakita talaga siya,” banggit pa ni Jewel sa pangalan ng character niya sa show.


NOT TOLERATING CHEATING. Sa Paraiso, pinagtaksilan siya ng gumaganap na mister niyang si Matteo Guidicelli. Kung sa totoong buhay kaya nangyari sa kanya yun, ipaglalaban ba niya ang kanyang minamahal?

“Kung hindi po ako married, no. If he cheated, bye,” nakangiting sagot niya.

“Kasi, if he cheats on me na mag-boyfriend pa lang tayo, how much pa if we’re married? It’s not something that I will tolerate.”

Kinumusta ng PEP ang naging love scene nila ni Matteo. Nagkaroon ba ng ilangan?

“Siyempre meron pa rin po,” tugon ni Jewel habang nakangiti.

Kumusta naman ang pagiging Kapamilya talent niya?

Dati kasing Kapuso artist si Jewel na nanalo pa ngang Ultimate Sweetheart sa StarStruck The Next Level (Season 4) nung 2007.

Aniya, “I’m very, very happy at bawat project, may natututunan ako.

“At pakiramdam ko po kasi, kaya nae-enjoy ko ang mga projects, preparation siya for whatever is coming. Whatever is in store pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At masasabi ko po talaga na favorite project ko po talaga itong Paraiso. Sa cast, sa script, sa staff, masaya po talaga kami. I love my family Paraiso.”


HER CHARACTER. From teeny-bopper roles, masasabi niyang isa na sa dream role niya ang karakter niya sa Paraiso?

“Oo, kasi, iba-iba naman ang peg ng dream role. So, I’d say yes.”

Pero sa episode kasi na ipinapanood na, kahit na siya nga ang legal wife ni Matteo, lumalabas na tila may ibang lalaki na karelasyon din siya.

“Yun po ang twist ng character ni Megan,” banggit uli ni Jewel sa kanyang Paraiso character.

“That’s one thing I love about this role, hindi siya kontrabida. Pero, as a human being, you screw-up sometimes.

“So, si Megan, she’s not a perfect wife. Let’s put it that way. She’s not a perfect wife.

“She can’t have a child. She’s having a hard time conceiving,” pagbibigay-impormasyon pa ni Jewel tungkol sa kanyang karakter.

Nag-sensuality workshop din ba siya?

“Opo, pero the sensual workshop kasi, kapag pinakinggan mo ang salitang ‘sensual,’ may connotation agad ng pagiging sexy.

“Pero sa totoo, walang touch. More on a lot of titigan and connecting with each other,” ani Jewel.

Pagkatapos ng Paraiso, sasabak na ba siya nang tuluyan sa pagpapa-sexy sa pelikula man o kahit na sa photo shoots?

“No. I mean, depending on a role, I will do it.

“Like for this one, I’m a wife, right? Pero when it comes to…I mean, may restriction pa rin ako,” sagot ng 22-year-old Kapamilya talent.

Tinanong ni Jewel ang entertainment press kung nagulat daw ba talaga sa kanya.

“Yun kasi ang goal, ang makita si Jewel na iba. Hindi naman sensual pero very different,” katuwiran niya.

“First time ko po kasing ginawa yun kaya pinaninindigan ko po talaga ang role.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NO ONE TO STOP HER. Paano nga pala siya napapayag para sa role na ito?

“Kasi, I decided that I want to grow as an actress. And inevitably, kasama ro’n yung mga ganoong eksena.

“Tanggapin mo yung mga ganoong challenge. Pangalawa, wala naman kasing nagbabawal sa akin kaya puwede kong gawin kung ano ang gusto kong gawin.

“Although before, kahit may nagbabawal, choice ko pa rin na huwag gawin yung mga ganun.

“Pero now kasi, gusto kong lumawak ang mga experience ko.”

Tila nabigla naman si Jewel sa pagsagot sa tanong kung yung ex-boyfriend niya raw ba sa kabilang network ang nagbabawal sa kanya dati.

Napasagot kasi ito agad nang, “Yes, what?! Uy…wait!”

Nang tanungin si Jewel kung ano ang dadalhin kung sakali at mai-stranded sa isang isla, ang sagot niya, “It’s, with all honesty, it’s my Bible.

“I read my Bible every day. That’s where I get my strength and wisdom and guidance from the Lord.

“In all honesty, yung Bible po talaga ang dadalhin ko.”


JESSY AND MATTEO. Tila nadulas naman ang dating Kapuso nang sabihin nito na nagka-develop-an na ang co-stars niyang sina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli.

Ayon kay Jewel, “Hindi, hindi ko naman sila binuko. Kasi, very obvious naman.

“Palagi kong nakikita na may mga pictures sila sa isang event. Palagi kong nakikita.

“’Tapos inaaya nila ‘ko palagi kapag lumalabas ang grupo, palagi silang present na dalawa. Yun lang naman.”


ENJOYS BEING SINGLE. Pero pagdating naman sa sariling lovelife, itinanggi ni Jewel na “in a relationship” siya ngayon sa isang lalaking nasa isang malayong lugar.

“I’m single and I’m enjoying it a lot..being single,” saad ni Jewel.

Sino pala yung nasa malayong lugar?

“There’s this someone na special. Ano lang, kilig factor lang. Hanggang ganun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “I love being single.

“I have all the time for myself...”


JASON ABALOS. Kinumusta rin ng PEP kay Jewel ang aktor na si Jason Abalos na napabalitang nakarelasyon niya.

Ano nga ba nangyari sa kanila?

“Oh, it’s been a long, long time since the last time we saw each other, and it’s something I won’t talk about because ang agreement namin ni Jason, hindi siya pag-usapan.

“So, out of respect for him, I don’t want to talk about it,” pahayag ni Jewel.

Hindi ba naging maayos ang breakup nila?

“Hindi…ano, I don’t really want to talk about it.

“Friends? Hindi kasi kami nagkakausap.

“But you know, that man, he’s a very good man. He has such a very good heart. So, I know, he’s someone I can talk to anytime, it’s just that we don’t have…” hindi na itinuloy pa ni Jewel ang sasabihin tungkol sa kanila ni Jason.

Pagkatapos ng sa kanila ni Jason, may nakarelasyon ba siya ulit?

“You know, what we had, it really didn’t flourish,” balik ni Jewel tungkol sa kanila ni Jason.

Ibig sabihin, hindi sila naging “official”?

Natawa ito saka sinabing, “You know, I don’t really want to talk about him. Pero kung sino man ang girlfriend niya, mapalad na babae.”


NOT FROM SHOWBIZ. Nabanggit naman ng mga umi-interview kay Jewel na single din naman si Matteo ngayon. May posibilidad kayang mapaibig siya nito kung manliligaw?

“Mahirap po kasing sagutin ang tanong. Kung magkakaroon po kasi ako ng boyfriend, ayoko po ng showbiz kasi, na-experience ko na. Hindi siya nag-work. So, ayoko.

“Mahirap. Mahirap po kasi kapag showbiz.”

Hindi ba mas maganda nga kung pareho kayo ng mundong ginagalawan at alam ang trabaho ng isa’t isa?

“Kung hindi siya seloso,” kontra naman ni Jewel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN