Vin Abrenica and Sophie Albert named Best Actor and Best Actress at Artista Academy Awards Night

Pagkatapos ng mahabang paglalakbay para sa hangarin nilang mag-artrista, sina Vin Abrenica at Sophie Albert ang Best Actor at Best Best Actress sa Awards Night ng Artista Academy na ginanap kagabi, October 27, sa Smart Araneta Coliseum.


Matapos ang halos apat na buwan ng pag-aaral at pagsasanay bilang artista, itinanghal sina Vin Abrenica at Sophie Albert bilang kauna-unahang Best Actor at Best Actress ng Artista Academy.

Tinalo ni Vin ang kapwa niya finalists na sina Akihiro Blanco at Mark Neumann.

Si Sophie naman ay naungusan sina Chanel Morales at Shaira Mae.

Ginanap ang Awards Night ng Artista Academy kagabi, October 27, sa Smart Araneta Coliseum, kunsaan nagsimula ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng pag-o-audition.

Ang basehan ng grado sa anim na finalists ay: 40% accumulated average grade noong nakaraang tatlong linggo, 40% mula sa kanilang performances kagabi, at 20% mula sa text votes.

Bilang winners ng Artista Academy ay nanalo ng tigsa-sampung milyong pisong cash prize at premyo sina Vin at Sophie.

Kabilang na rito ang isang milyong piso, condominium unit, brand new car, at P5-million guaranteed exclusive contract sa TV5.

Bibigyan din ng exclusive conract sa TV5 ang finalists na sina Chanel, Akihiro, Shaira Mae, at Mark; kasama ang "Tropang Kickout" na sina Benjo Leoncio, Brent Manzano, Chris Leonardo, Jon Orlando, Julia Quisumbing, Malak So Shdifat, Marvelous Alejo, Nicole Estrada, at Stephanie Rowe.

Magkakasama rin sila sa bubuksang teen-oriented show ng TV5 na FB (Forever Barkada).

Si Vin ang nakababatang kapatid ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica, na nagpunta sa Awards Night kagabi kasama ang kanilang mga magulang at iba pang kapatid.

Si Sophie naman ay kailan lang inamin na kabilang siya sa prominenteng pamilya ng mga Cojuangco.



LAST LIVE EXAM. Kagabi ay ipinakita ng anim na honor students ang kanilang talento sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte sa huling pagkakataon.

Bawat isa sa kanila ay nagkaroon ng song and dance number, na sinundan ng kanilang pag-arte sa short features na idinirehe nina Eric Quizon para sa mga babae at Joyce Bernal para sa mga lalaki.

Sa short features na ito ay nakaeksena ng anim na honor students ang ilang artista ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Drama ang naging tema ng performances nina Sophie ("The Bride"), Chanel "My Dear Ssiter"), at Shaira ("Messages").

Drama rin ang tema ng ipinagawa kina Mark ("The Box") at Aki ("Patapon"); habang action-drama naman ang kay Vin ("Buwelta").

Pagkatapos ng bawat performance ay nagbigay ng kanilang komento, sa huli ring pagkakataon, ang mga critic na sina Direk Mac Alejandre, Lorna Tolentino, Gelli de Belen, at Ms. Wilma Galvante.

Ang multi-awarded actor and director na si Eddie Garcia ang nag-announce ng Best Actress, samantalang ang Superstar na si Nora Aunor ang nag-announce ng Best Actor.

Ang hosts ng Artista Academy Awards Night ay sina Cesar Montano, Marvin Agustin, Valeen Montenegro, at Mr. Fu.

Hindi rin nawala sa Awards Night ang top executives ng TV5 na sina Mr. Manny V. Pangilinan, Atty. Ray Espinosa, at Mr. Perci Intalan.

Todo-suporta naman ang pamilya at fans ng Top 6 finalists.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN