Vin Abrenica says he did not expect to win Best Actor in Artista Academy

Vin Abrenica on winning Best Actor in Artista Academy: "Ito po talaga ang gusto ko. Na, for once in my life, natupad po at nasundan po kung ano talaga ang gusto ko sa buhay ko. Nagpe-perform ako, nag-a-acting, nagsasayaw ako. At saka, ‘eto po talaga ang masaya ako sa ginagawa ko. Hindi ko iniisip kung ano ang pagod, puyat ‘yan. Basta masaya po ako sa ginagawa ko. Yun lang po, as in sobrang saya po.”


Si Vin Abrenica ang itinanghal na Best Actor ng Artista Academy, ang artista search ng TV5.

Tinalo ni Vin ang kapwa niya honor students na sina Akihiro Blanco at Mark Neumann.

Sa mga babae naman ay si Sophie Albert ang itinanghal na Best Actress.

Tinalo niya sina Chanel Morales at Shaira Mae.

Ginanap ang Awards Night sa Smart Araneta Coliseum kagabi, October 27.

Bilang Best Actor ay nanalo si Vin ng one-million cash prize, kotse, condo unit, at guaranteed contract na nagkakahalaga ng limang milyong piso sa TV5.

Ganito rin ang napanalunang premyo ni Sophie.

UNEXPECTED. Pagkatapos ng Awards Night ng Artista Academy ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Vin.

Inaasahan ba niyang siya ang tatanghaling Best Actor?

Sagot ni Vin, “Hindi ko po talaga in-expect kasi alam ko po talaga na tight competition po talaga ‘to.

“Lalung-lalo na po, alam ko na ang pinaglalabanan po talaga ay Best Actor.

“Hindi po talaga ako nag-excel from the start when it comes to acting.

“Pero meron naman pong improvement, so yun po, masaya po ako.

“Hindi ko po talaga ine-expect na ako ang matatawag.

“Kaya nang matawag po ako, sobrang saya po talaga ng pakiramdam.”

Ang Superstar na si Nora Aunor ang nag-announce ng nanalo ng Best Actor.

Nang tinawag ang pangalan niya bilang Best Actor, ano ang eksaktong naramdaman niya?

“Ang eksaktong naramdaman ko, pumasok po lahat ng naisip ko... Nag-flashback po yung nakapila ako sa Araneta [Coliseum] ng eight hours. Dala-dala ko yung gitara ko.

“Hindi po ako nag-shortcut tulad ng iba. Pumila ako.

“Tapos po, tiningnan ko ang daddy ko, ang mommy ko, na ‘eto na yun… Sila po ang una kong naisip.”

Sa palagay niya, ano ang meron sa kanya kaya siya ang itinanghal na Best Actor?

“Tulad po ng sinabi ko, meron po talaga ako na, ito po talaga ang gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na, for once in my life, natupad po at nasundan po kung ano talaga ang gusto ko sa buhay ko.

“Nagpe-perform ako, nag-a-acting, nagsasayaw ako.

“At saka, ‘eto po talaga ang masaya ako sa ginagawa ko.

“Hindi ko iniisip kung ano ang pagod, puyat ’yan. Basta masaya po ako sa ginagawa ko.

“Yun lang po, as in sobrang saya po.”



ISSUES. Bago pa man ang Awards Night ng Artista Academy ay may mga isyu nang naglalabasan.

Nandiyang may “favoritism” daw ang ilan sa mga critics/judges, na kinabibilangan nina direktor Mac Alejandre, mga aktres na sina Lorna Tolentino at Gelli de Belen, at TV executive na Ma’am Wilma Galvante.

Hindi ba siya kinabahan sa bagay na yun?

Saad ni Vin, “Hindi ko naman po iniisip kung may favoritism. Marami lang po ang nagsasabi na may favoritism na ganun.

“Kung may favoritism po talaga, e, di isa lang po sana ang palaging napipili.

“Lahat naman po, nagta-top naman po kaming tatlo. Nakapag-top po si Aki, nakapag-top po si Mark.

“Lately po, last week ng finals namin, nakapag-top po ako.

“So, sa akin po, wala po yung favoritism. No pressure po when it comes to favoritism.”

Tulad ng inaasahan ay may kanya-kanyang pambato ang mga nagpunta sa The Big Dome kagabi.

Hindi lahat ay si Vin ang gustong manalo. Ano ang masasabi niya dito?

“Basta po para sa akin, ibinigay ko po ang best ko.

“At para sa akin, deserving naman po kaming lahat at yung judges po talaga ang nag-decide kung sino po talaga ang winner.

“So, kung ako po ang napili nila, I’m very thankful and very lucky na na-appreciate nila lahat ng ibinigay ko para sa Artista Academy.

“At kung hindi dahil sa kanila, wala po ako rito, hindi po ako mahuhubog.”

Sino kina Akihiro at Mark ang naisip niyang posibleng maging tagilid ang laban niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman po akong naisip na matatagiliran ako, pero from the start po, naisip ko po talaga na si Aki,” sagot ni Vin.

Nakahanda na ba siya ngayon sa totoong buhay artista?

“Yes po, dati pa po, handang-handa na po ako.

“Kaya ngayon pong nanalo ako, bakit po hindi ako handa?

“Mas handang-handa po ako.”



VIN’S FAMILY. Dumating sa Awards Night ng Artista Academy ang kapatid ni Vin na si Aljur Abrenica, kasama ang buong pamilya nila para magbigay ng suporta sa kanya.

Hindi naging hadlang ang pagiging talent ni Aljur sa GMA-7 upang suportahan ang kanyang kapatid sa programa ng TV5.

Ayon kay Vin, personal niyang hiniling sa kanyang Kuya Aljur na panoorin siya nito.

“Sinabi ko po sa kanya, ‘Kuya, manonood ka ba?’ Pinapatanong ko po kay Mama kung manonood siya.

“Sinabi naman ni Kuya, ‘Tinatanong ba yun?’ Sinabi niya sa akin, siyempre manonood talaga siya.

“Kahit hindi ko pa sabihing manood siya, siya talaga ang mag-i-insist na manood para sa akin.”

Malaking bagay ba na nasa audience ang kuya niya?

“Malaking bagay po sa akin na nandiyan si Kuya.

“Unang beses na paglabas ko na nakita ko siya, ibang energy po sa akin.

“Tumuturo pa siya sa akin, ‘Magpasalamat ka kay Lord.’

“Nakikita ko po kung okay ang performance ko.

“Malaking-malaking bagay po kasi sa akin yun.

“Hindi po tulad ng iba na, ‘Okay lang, okay lang ang performance mo.’

“Alam ko po kasi kapag galing sa kapatid ko, okay po talaga.”

Idol niya ba si Aljur?

“Idol ko po siya. Ever since bata pa po ako, idol ko na po siya,” sagot ni Vin.

Kumpleto ang pamilya ni Vin noong gabing yun at nagkasama ang kanyang mga magulang.

“Opo nga,” nakangiti niyang sambit.

“Yun nga po, sigurado pong buo sila, naghihintay sila sa akin.

“Gusto ko nga pong buo sila. Lumabas kami, kumain kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong makasama sila, makausap, mayakap. Sabihin sa kanila kung gaano ako kasaya.

“Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko sila sa pagsuporta nila sa akin.”


REALITY SHOW WINNERS. Ngayon, pareho na sila ni Aljur na winners ng artista search.

Si Aljur ay naging Ultimate Hunk sa Batch 4 ng StarStruck ng GMA-7, at si Vin naman ay Best Actor ngayon sa Artista Academy.

Pero noong ongoing pa lamang ang Artista Academy, may pressure ba kay Vin na kung hindi siya mananalo, makukumpara siya lalo sa kuya niya na naging winner?

“Ako po, honestly po, sinasabi ko po talaga sa sarili ko na kailangan ko pong manalo.

“Kaya po kung ano ang hinihingi nila, ibinibigay ko nang sobra. Hindi lang yung saktong hinihingi nila.

“Wala po akong iniisip na kung matatalo ’ko, makukumpara kami ni Kuya.

“Honestly, wala po akong naisip na ganoon.

“Naiisip ko lang po, na kung matatalo ako, parang hindi pa oras po. Ganoon po ang dating sa akin.

“Katulad po kanina, bago po ako umalis ng kuwarto, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako babalik dito.

“Hindi ko alam ang feeling ng babalik ako dito na matatalo ako.

“Ganoon po ang dating. Gustung-gusto ko po talagang manalo.”



SOPHIE ALBERT. Ang ka-loveteam ni Aljur na si Sophie Albert ang nanalong Best Actress.

Sa palagay ba ni Vin ay malaking bagay sa pagkapanalo nila ni Sophie ang loveteam nilang dalawa?

“Sa tingin ko, malaking bagay po ang loveteam namin ni Sophie.

“At talagang from the start pa lang po, siya na po talaga ang gusto kong maka-loveteam.

“At nai-inspire po ako lalung-lalo na noong, officially, kami na ang loveteam.

“Talagang na-inspire pa akong lalo. I have to impress her,” saad ni Vin.

Pero hindi pa naman sila talaga in real life?

Natawa si Vin at sinabing, “Ay, hindi po! Kakapanalo ko pa lang po. Hindi po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala sa plano niyang totohanin?

“Best friend lang po talaga,” nakangiting sabi niya.

Hindi ba niya liligawan nang totohanan si Sophie?

“Sa tingin ko po, kung mas magiging close po kami in the future, why not po?

“Pero para po sa akin, work po talaga, career.

“Kakapasok ko pa lang po, manliligaw na po ako agad? Career muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN