Alex Gonzaga just admits to dating non-showbiz guy; remains tight-lipped about everything else

Nagpahayag ng kanyang nararamdaman si Alex Gonzaga sa pagkaka-pull-out ng pelikula niyang Mga Kuwento ni Lola Basyang sa Metro Manila Film Festival 2012. Sabi ni Alex, “Siyempre, nalungkot kami dahil last week lang siya nag-pull out sa MMFF. So we’re just hoping na, if kahit next year, sana, matuloy. Nakakalungkot, ang ganda pa naman ng kuwento.”


Nalungkot si Alex Gonzaga sa pagkaka-pull-out ng kanyang launching movie sana, ang Mga Kuwento ni Lola Basyang, mula sa Metro Manila Film Festival 2012.

Twinbill dapat nila ito ni Edgar Allan Guzman. Si Edgar sa episode na “Pedrong Walang Takot” at si Alex, sa “Mariang Alimango.”

Sa panayam ng Ang Latest ng TV5 kay Alex noong October 25, inihayag ni Alex na sana matuloy ang movie kahit hindi na pang-filmfest.

Aniya, “Siyempre, nalungkot kami dahil last week lang siya nag-pull out sa MMFF.

“So we’re just hoping na, if kahit next year, sana, matuloy.

“Nakakalungkot, ang ganda pa naman ng kuwento.”

Pahayag naman ng mga producers, itutuloy pa rin naman talaga ang pelikula next year, ngun,it baka paghiwalayin na ang sana’y dalawang istorya sa iisang movie.

Baka daw separate movies na ang "Pedrong Walang Takot" at "Mariang Alimango."



ENCHANTED GARDEN, THE FINALE WEEK. Malapit nang magtapos ang eco-fantaserye ng TV5 na Enchanted Garden, kung saan isa si Alex sa mga bida.

Ano ba ang dapat abangan sa show ngayong malapit na itong magtapos?

Sabi ng actress-TV host, “Maganda, dahil siyempre ako na si Diwani.

“Makakasama pa natin dito si Nadine Samonte, si Morisette Amon. So abangan nila yung mga bagong characters na papasok... lalung-lalo na kay Miss Nora Aunor.”

Kumusta naman katrabaho si Ate Guy?

Tugon niya, “Sobrang bait ni Miss Nora Aunor.

“Bago pa kami naghiwalay, hindi ko alam kung ako ba dapat ang makaramdam nun.

“Sabi niya sa akin, ‘Sige ha, Alex, isang malaking karangalan na makasama ka sa eksena.’”

Feeling daw kasi ni Alex, siya dapat ang magsabi noon sa Superstar pero napaka-humble daw ni Nora para magsalita nang ganun.



DATING A NON-SHOWBIZ GUY. Naging controversial naman noon ang naudlot daw na pagmamahalan nila ng Callalily vocalist na si Kian Cipriano.

Since then, wala nang napapabalitang nanliligaw sa dalaga. Pero sa ngayon daw ay may nagpapasaya na ng kanyang puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na kaya ang kanyang lovelife?

“Non-showbiz siya, hanggang dun na lang muna,” bitin na sabi ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN