Sophie Albert shrugs off showbiz intrigue that she won in Artista Academy because she’s related to PNoy’s family

Iniintriga ang pagkapanalo ni Sophie Albert sa katatapos lang na Awards Night ng Artista Academy dahil sa kanyang relasyon sa mga Cojuangco. Inaasahan naman na raw ito ni Sophie. Sabi nga niya, “Actually, naisip ko rin na sasabihin yun ng mga tao. Pero in the beginning, hindi naman nila alam na I’m related to the Cojuangco.”


Si Sophie Albert ang itinanghal na Best Actress sa Awards Night ng Artista Academy, ang reality-based artista search ng TV5, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado, October 27.

Tinalo ni Sophie ang kapwa niya honor students na sina Shaira Mae at Chanel Morales.

Bilang Best Actress, nanalo si Sophie ng P10-million worth of cash and prizes—one million cash, condo unit, brand new car, at guaranteed contract mula sa Kapatid network na hindi bababa sa P5 million.

Katuwang na nanalo ni Sophie ang ka-loveteam niyang si Vin Abrenica, na nakuha naman ang Best Actor at nag-uwi rin ng parehong premyo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sophie sa press conference room ng Smart Araneta Coliseum pagkatapos ng Awards Night, hindi mapawi ang mga ngiti sa labi ng dalaga.

“I just feel really good na nawala na lahat ng stress, ng kaba, nawala na lang siya today. Kaya masaya talaga ako ngayon,” pahayag ni Sophie nang tanungin ng PEP kung ano ang nararamdaman niya ngayong tapos na ang contest.

Nakatulong ba sa pagkapanalo niya ang papuri sa kanya ng critics/judges hanggang sa huling short films na nilabasan nila ng kapwa niya finalists?

Sagot niya, “Meron naman pong mga live exams na I didn’t do well at all.

“Kasi na-pressure ako. And siguro it wasn’t my day.

“But then, I worked hard naman. Hindi naman nila ako pinuri dahil wala lang, di ba?

“So, I worked really hard naman.”

COJUANGCO. Si Sophie ay kamag-anak ng prominenteng pamilya ng mga Cojuangco.

Ang paternal grandmother niya ay kapatid ni yumaong President Corazon Cojuangco Aquino. Kaya pamangkin siya nina President Noynoy Aquino, Kris Aquino, at Mikee Cojuangco-Jaworski.

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi kaya dahil isa siyang Cojuangco kaya siya ang pinanalo sa Artista Academy?

“Actually, naisip ko rin na sasabihin yun ng mga tao. Pero in the beginning, hindi naman nila alam na I’m related to the Cojuangco.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong mga nakaraang linggo na lang inamin ni Sophie na kamag-anak siya ng mga Cojuangco dahil hindi niya ito ipinaalam nang mag-audition siya sa Artista Academy.

Iniisip ba niyang puwede siyang ipantapat ng TV5 sa Tita Kris niya na nasa ABS-CBN?

Sagot ni Sophie, “Hindi ko iniisip na ganun.

“Yun yung dahilan kung bakit I didn’t want to say na I’m related.

“Kasi baka sabihin ng mga tao na, ‘Ay, hindi naman niya pinaghirapan,’ yung ganung magiging comment.”

Ano ang feeling ni Sophie na isa sa mga bumati sa kanya ay ang nakatatandang kapatid ni Kris na si Ballsy Aquino-Cruz? Totoo bang sinabihan siya nito ng “good luck”?

“Oo nga po, sinabi ng mommy ko na binati niya ako. Pero hindi ko nakita. Hindi ko siya nakita.”

Ano ang feeling na parang tinatanggap siya ng pamilya nila Kris?

“Sinabi naman po nila sa akin nung malaman nga nilang pumasok ako dito… sinabi naman nilang they’re behind me and they supporting me all the way.

"So, I’m thankful to them.

“Lagi naman silang ganun na sumusuporta every time na may crisis or anything.

“Yung family na nagdidikit-dikit and solid. I’m proud na sila yung kapamilya ko.”

Pero hindi siya puwedeng pagbintangang ikinampanya nang husto ng Cojuangco family dahil ang percentage ng text votes sa buong criteria of judging ay 20 percent lamang?

“Opo… opo,” sagot ni Sophie.

Sa huling interview ng PEP kay Sophie sa presscon para sa Top 6 ng Artista Academy, sinabi niyang si Mikee pa lang ang nakakausap niya sa mga Cojuangco.

Bago ba naganap ang grand finals, nagkausap na sila ni Kris o ni PNoy?

“Hindi pa po… hindi ka po sila nakakausap,” nakangiti niyang sagot.

Inaasahan ba niyang makakausap niya ang mga ito?

“Bakit hindi, di ba?

“Pero it’s not like na hindi kami close. So, it doesn’t have to happen. “

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka maging intriga na si Mikee lang ang parang lumalabas na sumusuporta sa kanya at hindi si PNoy o si Kris?

“Hindi po. Kasi si Tita Mikee, she’s close with my sister. Kasi magka-age sila.

“Kaya mag-best friend sila ng ate ko, kaya sila yung mas madalas naming nakakausap.

“Pero it doesn’t mean na hindi kami close.

“Siyempre po, we’re big family kaya hindi kami nagkikita-kita every week or anything.

“Pero pag may occasion, talagang we’re always there and the whole family po.”

SOPHIE’S LOVETEAM. Isa sa mga sumulpot na isyu sa pagkapanalo nina Sophie at Vin ay dahil gusto raw talagang suportahan ng TV5 ang kanilang loveteam.

Kung sakaling ang nanalong Best Actor ay isa man kina Akihiro Blanco o Mark Neumann, mahihirapan daw na lutuin ang team-up ni Sophie sa mga ito.

Ano ang masasabi niya na nadala lang daw ng loveteam nila ni Vin ang pagkapanalo nila sa contest?

Sagot ni Sophie, “Sinabi naman nila sa amin before the competition, hindi kailangang loveteams ang manalo.

“Actually, akala ko rin, e. Ever since na binuo yung loveteam, akala ko yun, e.

“All along, kaya may loveteams, yun kailangang manalo.

“Pero sinabi nina Direk Mac [Alejandre] at Ma’am Wilma [Galvante] na hindi kailangang loveteams ang manalo.

“Siguro, nagkataon lang na kami ang napili tonight.

“Pero I think hindi naman yun ang ginawang basehan.”

Kapag nagsimula na ang team-up nina Sophie at Vin, inaasahang pipilitin ng fans na magkaroon sila ng totohanang relasyon at maging sa press ay posibleng kulitin sila sa estado ng kanilang samahan.

Paano nila ihahanda ang kanilang sarili sa ganitong sitwasyon? Sasakay ba sila sa ganitong gimik, lalo’t sinabi ni Sophie noong una pa lang na boyfriend-material si Vin?

“He is boyfriend-material,” pag-ulit ni Sophie.

“Yun nga, nag-text-an kami kagabi. Kasi nga naging sentimental ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And nag-thank you ako sa kanya for being such a great loveteam, for always being there to support me.

“He is my best friend sa show na ito.

“So I’m happy sa kung ano kami ngayon, na magkaibigan kami.

“We care for each other. We take care of each other. Pero ganun lang.”

Posible kayang maging kagaya sila ng loveteam nina Kris Bernal at ng kuya ni Vin na si Aljur Abrenica, na naging sweet sa isa’t isa pero hindi naman nauwi sa totohanang romantic relationship?

“Hindi ko po alam, hindi ko po alam. Kasi, di ba, mag-i-start pa lang yung career namin?

“Ayaw ko namang i-distract yung sarili ko kasi I worked hard for this.”

Nakilala na ba niya nang personal si Aljur?

“Opo, na-meet ko na siya dati pa. Wala pa kami sa Top 6, na-meet ko na siya with Jon [Orlando] and Vin nga.”

Ano ang impression niya kay Aljur?

“Sobrang bait, wala siyang… parang walang masama sa kanya.

“Sobrang bait niya sa akin, sa amin.

“Saka wala siyang kayabang-yabang. Parang hindi siya si Aljur Abrenica.


“Sobrang down-to-earth siya.”

VACATION WITH VIN. Ngayong tapos na ang contest, ano ang susunod niyang gagawin? May bakasyon ba siyang pinaplano?

“I think sa vacation po, may pinaplano kaming magpunta ng Batangas.

“Kasi yung family ni Vin at yung family ko, nag-usap na, na win or lose, pupunta kami sa…

“His dad is from Batangas and my mom naman, may bahay siya sa Batangas.

“So, yun ang plano na magba-Batangas kami… sana in a few days.

“Bonding talaga."

Ito ba ang first time na magba-bonding ang family nila ni Vin? O nagkasama na sila noon sa mga dinner?

“Hindi naman po… pero wala naman pong dinner.

“Nag-uusap yung mommy ko at mommy niya sa phone lagi. Nagti-text sila palagi. They’re friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos kagabi [October 26], nandun yung mommy ko sa bahay nila… so they’re friends.”

May crush ba siya kay Vin?

“Sino ba naman ang hindi magka-crush kay Vin? There’s nothing not to like about him.

“Pero I really, really wanna concentrate on this [career] muna,” sabi niya.

Ano ba ang espesyal kay Vin?

“Sobrang inaalagaan niya ako. Sobrang sweet niya.


“Feeling ko nga, may boyfriend na ako kasi sobra niya akong inaalagaan.

“Kung ano ang kailangan ko, ginagawa niya.

“So, masaya na ako sa gano’n.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN