Hayden Kho Jr. on dating again: “Hindi naman po ako naghahanap, I have no appetite to date anyone.”

Hayden Kho on his showbiz career: “Hindi naman ako masyadong invested in the showbiz industry. Kung if it comes, then thank you very much. Pagka hindi nagkaroon ng trabaho sa showbiz, okay lang din naman. I won’t feel deprived or feel, you know... rejected.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) si Hayden Kho Jr. sa launching ng ZO Skin Health and Medical Systems—ang pinakabagong product line ng skin care mula kay Dr. Zein Obagi—noong October 24 sa Annabel’s restaurant.

Bilang operations manager ng ZO, nakantiyawan si Hayden na baka makalimutan na niya ang pangsarili niyang kaligayahan.

Sagot niya, “Hindi, okay naman po.

“You know, being single is a very, very good—time to know more about yourself and know more about your God.

“Because ito yung dalawang relationships na hinding-hindi ka iiwan.”



DATING? May nakaka-date ba si Hayden ngayon?

“Hindi naman po ako naghahanap, I have no appetite to date anyone.

“I’m on a diet, yes, yes...

“Parang mas gusto ko itong time na ito na naka-focus ako sa sarili ko and what I want from life and gaining stability.

“Hindi naman sa ayaw kong makipag-date pero hindi ko lang nakikita yung taong yun.”



SHOWBIZ CAREER. Artista na rin si Hayden ngayon.

Kuwento niya, “I’m doing The Bride and The Lover under Regal [Entertainment, Inc].

“Support lang po ako doon, support lang pero ang starring po doon, si Paulo Avelino.

“Si Lovi Poe who is a very, very good actress and si Jennylyn Mercado.”

Ano ang genre na gusto niyang pasukin sa showbiz?

“Character actor lang po.”

Willing ba siyang magpaseksi on-screen?

“A, hindi na po siguro!” ang natatawang sagot ni Hayden.

“Under GROWL Management po ako, e, yung kay Leo Dominguez, Girlie Rodis, and Roselle Monteverde."

Sa telebisyon, ano ang gusto niyang pasukin?

“Hindi ko po alam, e, hindi ko po alam.

“Hindi ko naman po masyadong iniisip.

“Hindi naman ako masyadong invested in the showbiz industry.

“Kung if it comes, then thank you very much. Pagka hindi nagkaroon ng trabaho sa showbiz, okay lang din naman.

“I won’t feel deprived or feel, you know... rejected.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung contravida roles?

“Okay lang naman po kasi ano lang naman ‘yan, e,

“It’s a role lang naman, e, di ba? It’s acting lang naman po.”



FRIENDS. Magkaibigan pa rin daw sila ng ex-girlfriend niyang si Dra. Vicki Belo

Sabi ni hayden, “Opo, we’re very close, we’re close.

“We talk about business, we talk about—sometimes we talk about personal stuff—we ask each other’s advice and opinions.”

Sa panayam ng PEP kay Cristalle Henares, anak ni Dra. Belo, sinabi nito na good friends rin sila ni Hayden.

“Yeah, yeah, it was really surprising! Kaya nga maganda din po yung nangyari, in a way.

“Kasi before, hindi kami masyadong nag-uusap.

“Ngayon, parang nag-uusap na kami and we ask for each other’s advice too, pero mostly about work."

Sa palagay ni Hayden, bakit naging malapit na magkaibigan pa rin sila ni Cristalle sa kabila ng mga hindi magandang nangyari?

“I don’t know, I can’t explain that. I would leave that to God siguro.

“It’s something that I prayed for and it’s something that was finally answered.”



MEDICAL LICENSE. Ano na ang update sa medical license niya?

Matatandaang na-revoke ang lisensiya ni Hayden dahil sa pagkakasangkot niya sa sex-video scandal noon.

“Wala pa po, e, hindi ko masyado... wala siya sa consciousness ko ngayon, e.

“Hindi ko masyado iniisip," sagot ni Hayden.

Kahit hindi na raw maibalik kay Hayden ang lisensya niya ay okay lang sa kanya.

“Okay lang. Sa akin naman kasi... kung para kay God.

“Hindi iyon importante sa akin para ma-fulfill ko yung purpose ko sa life, so okay lang.”



MOST BEAUTIFUL. Bukod kay Zsa Zsa Padilla ay may iba pa raw endorsers ang ZO.

Sabi ni Hayden, “We have several ambassadors other than Zsa Zsa. We have Atticus King, Michelle Quizon, Teresa Pascual, si Cristalle Henares, iyon, sila ang ambassadors for ZO.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang top three choices ni Hayden ng pinakamagagandang artistang babae sa Pilipinas?

“Para sa akin, si Sarah Lahbati.

"Parang lahat ng ano ng beauty nasa kanya, e.

“She has the height, her face is very symmetrical, and her eyes have an attitude.

“Yung harmony ng face niya is very... it’s near perfect or in other words, perfect.

“And she’s intelligent."

Dugtong niya, “Anne Curtis is very pretty, of course, for obvious reasons, and mainly because of her personality.

“And I would say, hmmm. Sino isa pa? Si ano, I find …”

At his point ay natigilan si Hayden at muling natawa bago sinabing…

“Meron na ako, meron na ako pero… she, who’s name should not be mentioned.

“Wala akong sinabing pangalan!”

Kinulit namin siya kung sino ang nasa isip niya pero nagpaka-safe siya at biglang sinabing…

“Si Zsa Zsa!

Sinabi namin kay Hayden na bukod kay Zsa Zsa, since given na iyon being their endorser.

“Si ano na lang, si Jessy Mendiola is pretty.

“She glows, e.

“I don’t know her personally, I never met her, but she glows and she has character, she has an X factor.

"I really like her.”

Hanggang sa huli ay hindi sinabi ni Hayden kung sino ang tinutukoy niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN