Derrick Monasterio reveals getting hate messages about his team-up with Barbie Forteza

“As long as ginagawa namin mabuti yung job namin at saka maraming sumusuportang fans namin, feeling ko, magtatagal naman, magiging successful—sana,” says Derrick Monasterio about his onscreen partnership with Barbie Forteza.


Aminado ang teen actor na si Derrick Monasterio na nakakatanggap siya ng ilang hindi magagandang komento tungkol sa pagtatambal nila ng kapwa Kapuso talent na si Barbie Forteza.

Matatandaan na bago sila maging magkapareha ni Barbie sa telebisyon, mas nakilala muna bilang katambal ng teen actress si Joshua Dionisio.

Kaya naman naiintindihan daw ni Derrick kung may ilan na hindi pa matanggap ang onscreen partnership nila ni Barbie.

Una silang naging nagkapareha sa Ikalawang Yugto ng Luna Blanca, at muli silang magkakatrabaho sa upcoming fantaserye ng GMA-7 na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Sabi ni Derrick, “Merong nagsasabi ng masasakit na salita para i-down ka, kasi nga fans sila ng JoshBie [Joshua-Barbie].

“Ang ginagawa ko na lang po, parang ginagawa ko na lang silang inspiration para sabihin na mali yung nakikita nila sa akin.

"Gusto kong i-prove na mali sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa 16thanniversary celebration ng Diana Stalder noong Biyernes, October 26.

Nang tanungin kung ipinapaalam niya ang tungkol dito sa bago niyang ka-loveteam, sabi ni Derrick, “Hindi na po kailangan ‘yon.

“Parang dadagdag pa ‘yon sa iniisip niya or something.

"Kumbaga, kaya ko naman siya i-handle sa sarili ko.”



“SANA MAGING SUCCESSFUL.” Dahil bago pa lamang sila bilang loveteam, malaking pressure daw para kay Derrick ang pagiging patok ng kanilang pagsasama ni Barbie bilang magkapareha.

Aniya, “Medyo nakaka-pressure nga po talaga kasi galing siya sa matagumpay na loveteam—yung JoshBie.

"Kumbaga, marami na silang na-prove.

“Ako, marami pa akong kailangang i-prove sa sarili ko. At saka ito yung first major big break kaya talagang medyo nakakakaba."

Gayunman, natutuwa na rin ang 17-year-old Kapuso actor dahil bagamat bago pa ang kanilang tambalan ay nabigyan na sila ng pagkakataon ni Barbie na maging lead stars ng bagong fantaserye sa GMA-7 na Paroa.

“May sumuporta rin mula sa mga fans namin doon sa ipinakita namin doon [sa Luna Blanca].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang aasahan n’yo dito sa Paroa: Ang Kwento ni Mariposa, marami kaming eksena na magksama kami, mga kilig scenes. Talagang mae-establish na yung loveteam namin.”

Dagdag pa ni Derrick, “Siguro po yung iba, nag-e-expect.

“Pero yung sa amin po talaga ni Barbie, gagawin na lang po namin yung best namin sa bawat eksena.

“Kasi yung chemistry, nakukuha naman ‘yan kapag magaling ka, e.

“Kapag nagwo-work yung eksenang nandoon kayo, talagang instant na yung chemistry."

Sa ngayon, umaasa si Derrick na mas marami pa ang maging followers at mas tumagal pa ang tambalan nila ni Barbie.

“As long as ginagawa namin mabuti yung job namin, at saka maraming sumusuportang fans namin, feeling ko, magtatagal naman, magiging successful—sana,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN