Lian Paz reveals "true" reason of separation from Paolo Contis; cites financial problem and third party

Sa unang pagkakataon ay umamin si Lian Paz na may third party sa hiwalayan nila ng asawang si Paolo Contis. Sabi ni Lian tungkol dito, “Hindi po, hindi po sa showbiz. Non-showbiz po. Hindi ko na lang po pangangalanan, pero iyon. Hindi ko pa po siya kilala at hindi ko pa po siya nami-meet.”


Noong nakaraang buwan ay mainit na pinag-usapan ang hiwalayan ng mag-asawang Paolo Contis at Lian Paz. (CLICK HERE to read related story.)

Halos apat na taon silang nagsama at dalawa ang kanilang naging anak— sina Xonia, 2, at Xalene, 1.

Kamakailan lang umamin si Paolo na nagpakasal sila ni Lian sa huwes, kaya marami ang nagulat nang isiwalat ni Lian na nag-alsa balutan na ang aktor sa kanilang bahay.

Parehong tikom ang mga bibig at kakapiranggot ang mga sagot nina Lian at Paolo tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Pero kahapon, October 28, sa live interview ni Lian sa H.O.T. TV ng GMA-7, ay nagsalita na ito tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Paolo.

THE TRUTH. Tinanong ng H.O.T. TV host na si Roderick Paulate si Lian kung bakit nagdesisyon siyang magsalitang muli.

Sagot ng dating EB Babes dancer, “Nung unang interbyu ko kasi, nag-hold back ako, e.

“I think nae-exhaust na ako sa mga problema na dumarating na dapat pinag-uusapan naming dalawa.

“’Tsaka hindi sa akin nanggaling yung hiwalayan.

“Siya yung nakapag-decide, una sa lahat, to leave me, with my kids.

“So, this time, I think I wanna pressure him to wake up and talk about the problems that we have to talk about.”

Totoo bang tinawagan siya ni Gladys Guevarra, co-host ni Paolo sa Manny Many Prizes?

“Opo,” pagkumpirma ni Lian.

Ang sinabi ba sa kanya ni Gladys sa pagtawag nito sa kanya ang nag-trigger kaya nagsasalita siya ngayon?

“No, of course not," tanggi ni Lian.

“Si Ate is piece of advice lang yung mga ibinigay niya sa akin.

“Pero noon ko pa gusto talaga na magsalita ulit, yung talagang wala na akong itatago.

“Kasi, gusto ko na ma-clear yung mga bagay-bagay, kasi ako yung lumalabas na masama, e.”

Wala raw kinalaman ang phone call ni Gladys sa pagpapa-interbyu muli ni Lian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin niya, “Wala. Piece of advice siya ’tsaka mga ilang bagay na… pointers. Iyon, pointers for myself at sa pagiging ina ko.”

FINANCIAL PROBLEM. Si Lian na rin ang nagsabi na nag-hold back siya dati, pero ngayon ay magsasalita na siya.

Kaya tanong ni Roderick: Ano talaga ang dahilan ng hiwalayan nila ni Paolo?

Saad ni Lian, “Malaki po yung problema niya.

“I think the real reason is magulong masyado ang isip niya, una sa lahat.

“And then, yung finances, magulo talaga.

“He doesn’t know how to hold money talaga, e.

“So yung mga problemang dumadating sa amin about that, pati talaga ako ngayon, talagang sobrang nadadamay ako sa lahat-lahat.

“And ang hirap on my part kasi mag-isa ako, e.

“Mag-isa ako sa mga anak ko, mag-isa akong bumubuhay sa kanilang dalawa.”

May mga balitang lumabas na si Lian daw ang problema dahil sa pagkahilig nito sa mga bagay na mamahalin kaya nagkaroon ng problema tungkol sa pera at credit cards. Totoo ba ito?

“Ako po... opo, aaminin ko, mahilig po ako sa magagandang gamit.

“Pero bumibili po ako ng mga gamit na yun kapagka alam kong may pera ako.

“It’s time… na time naman na ii-spoil ko yung sarili ko.

“Pero about him, I never ask.

“Hindi ako humihingi sa kanya ng mga bagay na yun na ibinibigay niya sa akin.”

Bilang asawa, hindi siya humihingi kay Paolo ng pera para pambili ng mga personal niyang gamit?

“Hindi. Mahiyain po ako pagdating sa ganyang bagay.

“Kahit mag-asawa na po kami, ang mga naririnig po niya sa akin is madalas ina-advise-an ko siya tungkol sa pera.

“’Na hindi habang buhay, nandito tayo sa industriya ng showbiz so dapat mag-save tayo.’

“Minsan may mga point pa na sasabihin ko sa kanya na, ‘Leave your ATM. Gawin mo, mag-withdraw ka lang ng kailangan mong withdraw-hin for the day.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos iwan niya yung ATM niya para hindi siya gumagastos nang… hindi niya alam, pag-uwi niya, ang dami na niyang nabawas dahil, iyon…”

Parang lumalabas na ang gastos ni Paolo, kay Paolo; at ang gastos ni Lian, kay Lian. Dahil ba may sariling kita si Lian?

“Noong pregnant po ako at noong nanganak po ako, lahat po talaga, siya.

“Tapos nung lately, mga after two years iyon, parang may mga sariling mundo na kami.

“So, ako naman kasi… I mean, hindi ako magwo-work, hindi ako maghahanap ng trabaho kung ayaw niya, hindi ko naman gagawin, e.

“Kaya lang, ang nangyayari kasi, ayaw niya akong mag-work, pero siya yung humahawak ng pera.

“I mean, siya yung nagba-budget ng lahat na dapat …”

Ano ang bina-budget ni Paolo—lahat sa bahay at pati sa mga bata?

“Yes.”

Ano ang role ni Lian sa bahay?

“Wala po. Na dapat po ako nga po.

“Iyon ang lagi kong ina-advice sa kanya na, ‘Sana let me do my job as a wife.’”

PAOLO AS A FATHER. Kumusta si Paolo bilang ama?

“Una sa lahat, hindi naman po ito nanggaling sa wala lang, yung relasyon namin, so minahal ko po yung tao.

“Minahal ko siya bilang asawa ko at minahal ko siya bilang ama ng mga anak ko.

“Si Pao, as a father, is really a good father naman… nung mga times na okay ang pag-iisip niya.

“Pero ngayon, hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa kanya, kung bakit pati yung mga anak niya, natitiis niya.

“Hindi ko talaga lubos-maisip na mangyayari talaga ‘to.”

THE ANNOUNCEMENT. September 8, 2012 naghiwalay sina Lian at Paolo.

September 12, 2012 ay nagkaroon si Lian ng pocket interview kung saan doon siya nagsalita na hiwalay na sila.

Paliwanag ni Lian, “Yun pong [pocket] interview na yun, actually, hindi po para doon sana [sa hiwalayan].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lang, ang nangyari, since parang kumalat na nga siya— and siya rin po talaga yung nagsabi at nag-utos sa akin na sabihin na hiwalay na kami.

“Di po ba, ganun kasakit talaga na parang, ‘Talaga? Iyon talaga ang gusto mong sabihin ko, na hiwalay na tayo?’

“Kasi as much as I wanna keep the marriage at i-save yun, magtitiis naman po ako, e.

“Yung ugali niya na minsan talagang wala… wala namang perfect na marriage, e.

“Pero kaya kong tiisin yun, e, kasi may anak kami.

“Pero siya po yung nag-decide na iwanan kami.”

Dinadalaw ba ni Paolo ang mga bata?

“No. At madalas ako po yung nag-i-insist sa kanya to see his kids.”

Mula noong umalis si Paolo papuntang Amerika para sa Manny Many Prizes, hanggang nakabalik na dito sa Pilipinas, hindi pa ito dumalaw sa mga bata?

“No, pinapakuha po niya yung mga bata sa bahay,” sabi ni Lian.

Nakikita naman ni Paolo ang mga bata dahil pinakukuha naman pala nito ang mga anak.

“Yes, and madalas po, ako po yung nag-i-initiate. Ako po yung nagsasabi sa kanya at nagtatanong, ‘Do you want to see your kids?’”



THIRD PARTY. Noong September 12 ay tinanong si Lian kung may involved na third party sa hiwalayan nila ni Paolo, at sinabi niyang wala.

Kaya sa pangalawang pagkakataon, tinanong ni Roderick si Lian kung may third party ba na involved sa hiwalayan nila?

“Yes, opo!” pag-amin na ni Lian.

Bakit ngayon lang niya ito sinabi? Bakit hindi niya ito sinabi dati pa?

Paliwanag ng dating dancer, “Kasi po, ano po, bilang asawa, kung anuman po yung nagawa ng asawa mo, kaya mo yung patawarin, e.

“Kasi mag-asawa kayo, e, for better or for worse nga e, di ba?

“So ako, as much as I want to keep it private, na kami lang dalawa yung dapat mag-usap about it, pero hindi niya ginawa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos lumalabas na, so gusto ko na rin na magising siya sa katotohanan.

“At iyon, malaman niya na alam ko kung ano yung mga ginagawa niya.”

Kilala ba niya ang third party? Kasamahan ba nila sa showbiz?

“Hindi po, hindi po sa showbiz. Non-showbiz po.

“Hindi ko na lang po pangangalanan, pero iyon.

“Hindi ko pa po siya kilala at hindi ko pa po siya nami-meet.”

RECONCILIATION. Sa tingin ba niya ay may chance pa na maaayos ang problema nila ni Paolo? Nakapag-usap na ba sila ng silang dalawa lang at subukang ayusin ang lahat?

“Ako po, tinray ko na po ang lahat.

“Hindi po ako pupunta dito kung ginawa niya pong makipag-cooperate sa mga gusto ko.

“I mean, I’ve been very kind and patient na hintayin siya, na makipag-usap.

“But you know, everything is blown out of proportion already and sobrang masakit po on my part.

“So, iyon, tine-text ko siya, to ask him to see me.

“Bukod po dun, pati mga kaibigan niya, pati po magulang niya, nanay po niya…

“Pati po mama niya, actually, tinatanong na siya kung kailan po kami mag-uusap.

“Pero wala, e, wala po. Hindi po siya talaga nakikipag-usap sa akin.

“Minsan kapag may kailangan akong papirmahan sa kanya, like documents, sasabihin niya, ‘Send the driver.’

“Parang sa akin, ganun lang bang kadali yun? Parang, ‘Okay, so mas makikipagkita ka pa sa driver at mas kakausapin mo pa siya kaysa sa akin?’”

Nasaktan na ba siya dati ni Paolo emotionally?

“Emotionally, hindi po ganung kabigat, e.”

Ito ang pinakamsakit na nagawa sa kanya ni Paolo?

“Ito po talaga. Opo, sobra po, sobra-sobra, sobra po.

“Kasi po ano, iyon nga yung paulit-ulit kong sinasabi sa kanya, ‘Okay sana, e, kung boyfriend-girlfriend tayo, kung wala tayong anak. Okay, fine, get out of my life!’

“But no, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May anak kasi sila?

“Yes and dalawang babae po yung anak namin.”

MESSAGE FOR PAOLO. Kung may pagkakataon siya na kausapin si Paolo, o kung kasalukuyan siyang napapanood nito sa H.O.T. TV, ano ang gustong sabihin ni Lian sa asawa?

“Gusto ko pong sabihin sa kanya na, ‘Once and for all, sana mag-isip ka naman nang maayos. I mean, I’m not asking na bumalik ka sa akin, I’m no longer asking for it.’

“Kasi ayokong kaawaan ninyo ang sarili ko.

“Kung ganyan lang din yung gagawin niya… I mean, I can raise my kids, lahat ita-try ko para buhayin yung mga anak namin.

“Gusto ko lang sana na piliin niya yung mga taong sinasamahan niya kasi hindi niya alam, yung mga taong sinasamahan niya, na hindi niya nakikilala nang maayos, ay iyon ang maglalagay sa kanya sa kalalagyan niya na hindi maganda.

“So, gusto ko magdasal siya. Yung minsan mag-isa lang siya, talk to himself, assess his life, iyon.

“Para mag-flashback po kung paano kami nagsimula—not for me but for the kids.”

Bukod sa concern niya para sa mga bata, umaasa pa ba si Lian na magkakabalikan sila?

“Sa ngayon po talaga, iyon nga po yung ayokong mawala, e—yung respect.

“Kasi sa ngayon, parang nawala po talaga and I don’t know kung gusto ko pa na maging okay pa kami.

“Pero let’s see. Time heals everything and only God knows.”

Bukas ang PEP sa panig ni Paolo kaugnay ng mga naging pahayag ni Lian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN