Sexy newcomer Yam Concepcion says she’s still conservative despite baring in launching movie

“Boldness and nakedness is a very sensitive topic especially here in a very conservative country. Pero yung akin, it doesn’t define me as a person. Kung naghubad ka sa isang magazine, does it say na you’re… I am still conservative, but I’m more of open-minded,” sabi ni Yam Concepcion tungkol sa kanyang sarili.


Ipinakilala bilang “Viva’s New Sex Goddess” sa October issue ng FHM Philippines, aminado ang 23-year-old sexy newcomer na si Yam Concepcion na nabibigatan siya sa ibinigay sa kanyang titulo.

“Mabigat yung title.

"Kaya nga hindi ko alam kung paano… how I’d feel, kasi hindi pa naman nagsisimula ang lahat, hindi ko pa nakikita o nararamdaman yung intensity of everything.

"So, tingnan na lang natin,” sagot ni Yam o Lorraine May Concepcion sa tunay na buhay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang inimbitahang entertainment reporters si Yam sa Viva office sa Tektite, Pasig, kahapon, Oktubre 29.

DIFFERENCE FROM OTHER MOVIES ABOUT INFIDELITY. Unang pelikula ni Yam ang Erik Matti sexy film na Rigodon. Kasama niya rito si John James Uy bilang leading man at si Maxine Eigenmann bilang asawa ng character ni John James.

May temang infidelity o kataksilan na naman ang pelikula ni Yam, katulad ng mga nauusong pelikula nitong mga nakaraang buwan, katulad ng No Other Woman, The Mistress, at A Secret Affair.

Kaya tinanong ng PEP si Yam kung ano ba ang pagkakaiba ng pelikula niya sa mga nabanggit naming pelikula?

“The movie is not only about infidelity. It’s a play of character, and understanding as to how these three characters deal with their own struggles,” sagot ni Yam.

“Ang kaibahan dito ay hindi spoon-fed ang istorya. The mystery of the plot will trigger your imagination and thoughts as the viewer.

“Siguro in terms of mga gano’ng klaseng themed movies, iba naman ang naging approach sa three movies na yun.

“Each of those three movies has their own story and uniqueness.”

Paano nga ba nagsimula sa showbiz si Yam?

Kuwento ni Yam, “Nasa music video ako ng band na Mayonnaise.

“From there, nakita ako ni Tita Claire dela Fuente. And then she asked me, baka mag-meeting daw with Viva, and then they got me as a talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We had series of interviews, they gave me the opportunity to try acting lessons, acting workshops.

“’Tapos do’n ko na… sabi ko, ‘Puwede…masaya pala.’”

Pagkatapos daw niyon ay naging extra siya sa mga pelikulang Praybeyt Benjamin (bilang isa sa mga kapitbahay ni Vice Ganda) at Who’s That Girl? (bilang office girl), at dumaang extra sa Won’t Last A Day Without You.



SEXY GENRE. Bakit naman sexy genre agad siya sumabak?

“Bakit sexy agad? I don’t know… maybe you should ask whoever is handling me… si Boss Vic [del Rosario] or my manager Claire dela Fuente.

“But for me, boldness and nakedness is a very sensitive topic, especially here in a very conservative country.

“Pero yung akin, it doesn’t define me as a person.

“Kung naghubad ka sa isang magazine, does it say na you’re…

“I am still conservative, but I’m more of open-minded.”

Sa pelikula niyang Rigodon, nagpakita raw talaga siya ng maseselang bahagi ng katawan.

Pero para kay Yam, hindi lang dapat pag-usapan ang pelikula dahil lang sa paghuhubad niya.

“Sa tingin ko, we should also focus on the process on how I was able to let go of my, kumbaga, hindrances of showing skin—especially portraying a certain character.

“Kasi po, mahirap naman po sabihin na naghubad ka lang diyan, yun na ‘yon. Kumbaga, I think there’s something deeper than that.

“The courage and the preparation para magawa mo yung certain scene,” sabi pa ng Multimedia Arts graduate mula sa De La Salle-College of Saint Benilde.



DREAM PROJECT. Tinanong ng PEP si Yam: Kung siya ba ang masusunod, ano ang gusto niyang maging proyekto at sino ang gusto niyang maging leading man?

“Ako? Ang gusto ko sana, parang yung Filipino version ng Wicker Park, yung kay Josh Hartnett,” sagot ni Yam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Wicker Park ay ang 2004 American psychological drama-romantic mystery movie na pinagbidahan nina Josh Hartnett, Rose Byrne, Diane Kruger, at Matthew Lillard. Isa itong pelikula tungkol matinding pag-ibig at panlilinlang dahil sa pag-ibig.

Sa gusto naman niyang maging leading man, “Si Gerald Anderson,” sagot ni Yam.

Ipinaalala namin sa kanya na nung unang interview namin sa kanya ay si Derek Ramsay ang gusto niyang maging leading man. (CLICK HERE to watch her first interview.)

“Oo nga. Nag-iba na, e!” natawa na lang na sagot ni Yam.



DARNA WANNABE. Pero kung may gusto raw talaga siyang gawin, iyon ay ang gumanap bilang ang Pinay superhero na si Darna.

“Gusto ko talaga iyon. Gusto kong maging Darna,” hiling pa ni Yam.

Pero paano yun, sabi namin, nasa ABS-CBN na ang Darna at tila si Angel Locsin uli ang gaganap uli?

Suggestion namin, hilingin na lang kay Boss Vic na kapag ginawa ang movie version, siya na ang piliing gumanap.

“Puwede!” natatawang sang-ayon ni Yam.

Pagkatapos ng Rigodon, ano ba ang susunod niyang proyekto?

Sagot ni Yam, “We’ll see… pero meron iyan. Wag na lang po nating pangunahan ang Viva.

"Tingnan na lang natin kung saan mapupunta after ipalabas yung movie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN