Diva Montelaba confirms relationship with StarStruck batchmate Steven Silva

Parehong may karelasyon ngayon ang magkaibigang Diva Montelaba (in photo) at Sarah Lahbati. Kung si Diva ay inamin na ang ugnayan nila ni Steven Silva, si Sarah naman ay karelasyon ngayon ni Richard Gutierrez. Sabi ni Diva, “Well, masaya ako para kay Sarah. Kasi si Sarah yung naging close ko. Si Richard, we’re friends, pero hindi kami masyadong close."


Dalawa ang shows ngayon ni Diva Montelaba sa GMA-7—ang primetime series na Aso Ni San Roque at ang Sunday musical-variety show na Party Pilipinas.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Diva last Sunday, October 28, pagkatapos ng airing ng Party Pilipinas, ay binalita niyang may gagawin pa siyang isang show.

Pero ayaw muna niyang sabihin kung ano ito dahil confidential pa raw.

Dahil sa sunud-sunod na projects ni Diva, hindi maitatangging maganda ang takbo ng kanyang career kahit supporting roles ang kadalasang ginagawa niya.

Pahayag niya, “Kuntento naman ako sa nangyayari sa career ko, pero I’m still praying for more.

"Pero alam ko namang step-by-step.

“Masaya naman ako dahil kahit paano, hindi naman ako nawawalan ng work... ng soaps.”



BIDA PROJECTS FOR DIVA. Sa pinakahuling season ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck, sina Diva at Sarah Lahbati ang hindi nawawalan ng proyekto sa hanay ng babaeng contestants.

Sabi ni Diva tungkol dito, “Oo nga po... I’m happy especially for Sarah.

“Kasi she waited for it kinda long, thinking that she’s the winner of the star search.

“Pero she really deserves it now. Nagpe-pay off talaga pag pinaghirapan mo.”

Nangangarap bang magbida si Diva in the future?

“Oo naman. Kaya nga po ako nag-artista dahil gusto ko yun,” mabilis niyang tugon.

“Yun ang dream ko... pero ano, darating rin yun.

“Hindi ko lang alam kung kelan... puwedeng malapit na or matagal pa.

“Hihintayin ko yung panahon na yun na magli-lead ako.”

Paano kung malinya siya sa kontrabida roles?

“Uy, why not?” excited niyang sambit.

“Okey lang sa akin, kasi lead din yun, e.

“Kontrabida nga lang pero, lead pa rin.

“Kaya nga kapag tinatanong ako kung sino ang idol ko—si Cherie Gil.

“Yun yung parang peg ko sa buhay. Kasi fearless siya, alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko ring mag-kontrabida kasi parang comfortable rin kahit paano.”

Sa Aso Ni San Roque, masama ang character na ginagampanan niya.

“Medyo bad ako doon. Kakaiba nga lang dahil fantaserye siya.”

Puwede na bang siya muna ang pumalit sa trono ni Katrina Halili habang inaasikaso nito ang kanyang baby?

“Uy, gusto ko ‘yan! Gusto yang peg na ‘yan! Oo naman!

“Pero gusto ko ring gumawa ng Diva style.

“‘Yan nga ang idol ko... sina ate Kat [Katrina], Cherie Gil.

"Pero gusto kong gumawa noong kay Diva... so sana mabigyan ako ng chance.”



OFFICIAL RELATIONSHIP. Kumusta naman ang lovelife niya?

“Ooops! Zero,” tanggi muna niya.

Hindi ba’t may nali-link sa kanyang isang young actor?

“Well, masaya ako kasi meron akong special someone,” pag-amin na ni Diva, na walang banggitan ng pangalan.

Sino yun? Pangungulit naming tanong sa kanya.

“Ka-batch ko siya sa StarStruck...” sabi niya.

Nang mabanggit namin ang pangalan ni Steven Silva, biglang nagliwanag ang mga mata ni Diva at nakangiti siyang tumango.

“Masaya kami,” sambit niya.

Bakit hindi pa siya umaamin, samantalang wala namang tumututol o hindi naman magiging issue kung ilalantad nila sa publiko ang kanilang relasyon?

“Okey, oo, masaya kami,” alinlangan pa ring sagot ni Diva.

Gaano katagal na silang masaya?

“Matagal na... ever since StarStruck,” kumpirma niya.

Hindi pa ba official ang relasyon nila?

“Official? Siguro mga one year na.”

May mga nagbabawal ba na aminin nila ang relasyon nilang dalawa?

“Hindi naman. Masaya kasi kami pag private yung life namin—I mean, yung lovelife namin.

“Masaya kami pag kami-kami lang mga close friends... ganun. Kasi masaya talaga.

“Masayang-masaya na alam mo yun na walang pressure.

“Pero since... yun, inamin na yata niya.

“May nabasa akong article na inamin niya… Yeah, masaya kami!”

Ginawa ni Steven ang pag-amin tungkol sa relasyon nila ni Diva sa exclusive interview sa kanya ng PEP sa presscon ng Coffee Prince. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SARAH AND RICHARD. Kung si Diva ay may Steven Silva na, ang kaibigan naman niyang si Sarah Lahbati ay masaya na rin sa piling ng boyfriend nitong si Richard Gutierrez.

Ano ang masasabi ni Diva rito?

“Well, masaya ako para kay Sarah. Kasi si Sarah yung naging close ko.

“Si Richard, we’re friends, pero hindi kami masyadong close.

“So, kay Sarah, masaya ako para sa kanya.

“Kasi ano... alam kong matagal na niyang crush si Richard, e.

“Noong StarStruck pa lang kami, napag-uusapan namin yun.

“Pareho pa kaming kinikilig kay Richard... masaya ako para sa kanya.

“Saka, naniniwala rin ako kay Sarah na kaya niyang i-manage yung lovelife and career.

“Alam kong dapat rin siyang mag-focus sa career, kasi nga, parang ngayon dumating yung break niya sa showbiz.

“Alam kong kaya niyang gawin yun.

“Masaya lang akong nakikita siyang inspired.

“Pag nakikita ko siya sinasabi ko na, ‘Ang saya mo, ‘teh! Iba ang aura mo!’

"So, yun, masaya.”



NOT ENVIOUS. Hindi ba siya naiinggit dahil isang Richard Gutierrez ang naging boyfriend ng kaibigan niya?

Sagot ni Diva, “Hindi naman... hindi naman. Hindi.

"Meron naman ako.

“Hindi nga lang siya Richard, pero alam mo yun?

“Saka ang ganda ni Sarah, deserved niya si Richard Gutierrez.”

Siyempre, malaking tulong din sa career ni Sarah na ang karelasyon niya ay isang sikat na showbiz personality. Dahil dito ay napag-uusapan din ang StarStruck V Ultimate Female Survivor.

“Talaga?” nagtatakang tanong ni Diva, pero sumang-ayon rin siya.

“Oo, pero alam kong it’s beyond that, e.

“Alam kong masaya si Sarah hindi dahil si Richard yung nali-link sa kanya.

“Masaya talaga siya na napapasaya ng isang Richard Gutierrez.

“Hindi dahil meron silang movie, hindi dahil napag-uusapan sila.

"Alam ko yun... it’s beyond that."

Hindi ba niya naiisip na sana meron din siyang isang gaya ni Richard Gutierrez na sikat na sikat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay! Hindi, hindi... never.”

Ibig sabihin, kuntento na si Diva kay Steven Silva?

“Oo, kasi masaya ako ngayon. Oo naman.

“Sobra! Gusto ko yung sobra!” halakhak niya.

Dagdag pa ni Diva, “Mabait siya, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN