Mikael Daez on doing gay roles: “It’s a possibility, kasi if it’s for the sake of art, then baka puwede.”

Hindi naiiba si Mikael Daez sa mga aktor na naghahangad ng magagandang roles na tatatak sa mga manonood. Sabi niya, “So ako hopefully, down the line, may magawa akong project na talagang challenging for the actor... At kung ginawa talagang very fulfilling at magugustuhan ng tao.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael Daez sa taping ng GMA-7 afternoon soap na Sana Ay Ikaw Na Nga sa Forest Hills Country Club sa Antipolo City.

Nabanggit kaagad ng model-actor kung ano ang hinahanap niya sa isang role na maaari niyang gawin.

“Sana mabigyan ako ng ano... walang particular na role, pero sana makagawa ako ng... maybe a movie na talagang acting piece.

“Kasi, di ba, may isinusulat na movie, tapos may director, tapos alam nilang pag nabasa nila, ‘Ay, acting piece ‘to! Kung nagawa ‘to nang tama, puwede ‘tong lumaban sa mga award-giving bodies.’

“So sana mabigyan ako ng opportunity na ganun,” saad niya.



DREAM ROLE. Any specific role na gusto niyang magampanan?

Sagot ni Mikael, “Yung pinaka-recent na kuwento na narinig ko, yung kay Noni Buencamino.

“May ginawa siyang parang one episode yata siya sa TV, matagal na yata, parang about AIDS yata yun?

“Basta nanalo yata siya sa Asian TV Awards... parang ganun.”

So gusto niya ang role na AIDS victim siya?

“Hindi naman, hindi naman... Pero dinig ko kasi, ang kuwento dun, nagsulat talaga sila ng story na maipapakita ng actor yung galing niya.

“So, di ba, may ganun? Meron yung script para sa production para mapakita yung gilas ng production.

“So ako, hopefully, down the line, may magawa akong project na talagang challenging for the actor—at kung ginawa talagang very fulfilling at magugustuhan ng tao.

“Sana talagang magkaroon ng ganun.”



GAY ROLES. In separate interviews, nasabi nina Dingdong Dantes at Derek Ramsay na walang problema sa kanila ang gay roles, na magiging challenge ito para sa kanila.

Singit ni Mikael, “Alam mo, nabasa ko yun sa PEP.”

Papayag din ba siyang gumanap na bading?

“Yeah! If it’s for art, then I think it’s possible... I really think it’s possible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a possibility, kasi if it’s for the sake of art, then baka puwede.

“Of course, at the same time, I have to consider—hindi lang naman art yung kino-consider dito sa trabaho natin, di ba?

“I mean, sa totoo lang, image is still very, very important... timing is still a very important factor.

“So kung sakali biglang tumugma lahat ng mga factors na ‘yan, why not?”

Kanino siya papayag na makipag-kissing scene o love scene—sa isang artistang straight na lalaki o gay na artista?

“A, hindi ko alam. Kasi I don’t think about it that way.

“Kasi kunwari I have to kiss a girl, I don’t think about the girl, I think about the character.

“So, tingin ko, kung depende sa character, why not?” sagot ni Mikael.

Naging boyfriend na nga si Mikael ni John Lapus sa pelikulang Temptation Island (2011).

“O, di ba, kami ni Sweet? Pero yun nga, if it’s part of the role, hindi ko naman iniisip yung actor, e.

“Kasi I always assume the people I work with will be very professional.

“So ako, tinitingnan ko talaga yung work, yung project, the art, and the other important factors.

“Well, di ba, yun nga, all the factors, kailangan talaga tumugma lahat ng factors—kailangan tumugma.”

Sa tingin ba ni Mikael, wala pa sa panahon para tumanggap siya ng gay role?

Tugon niya, “Wala pa siguro, kasi I’m starting pa lang.

"Kahit yung mga ibang roles, hindi ko pa nagagawa, di ba?

“Kahit yung ibang mga mahihirap na roles, parang hindi ko pa yata nagagawa.

“So maybe I think I should explore the basics muna, yung kung ano yung nandiyan... kung ano yung formula sa teleserye.

“Kasi marami pa akong hindi nagawa na formula na teleserye, so gusto ko ring ma-experience bago ko masasabi na, ‘A, okay, I can do all these other kinds of crazy roles!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kailangan, step-by-step, huwag biglaan, don’t skip a step.

“Sayang naman, sayang yung learning at yung experience.”



ACTOR-JOURNALIST. Bukod sa pagiging artista ay isa ring broadsheet columnist si Mikael.

Nagsusulat siya ng column para sa The Philippine Star, ang “Fully Loaded.” Paano niya nababalanse ang oras niya?

Sabi ni Mikael, “Alam mo, I had a hard time for a while. Sobrang intermittent niya—once every two weeks.

“Pero ngayon, may sistema na ako.

“Nakapag-adjust na ako, like, I have an article on peace ambassadorship [which came out yesterday, October 29].”

As a columnist, meron ba siyang pangarap na mainterbyu?

“Alam mo, may plan kasi ako and maybe after Sana Ay Ikaw Na Nga, matuloy ko.

“I have this big passion project talaga na I wanted to do and actually nasimulan ko na parang trial phase.

“Yung may ’Uncut’ series ako... I did it with Sarah Lahbati, with JC Tiuseco, Lovi Poe, Sid Lucero, Venus Raj, and Shamcey Supsup.

“And I really enjoyed it!

“’Uncut’ yung title kasi yung connotation ng uncut dun is parang walang boundaries, walang limits—you’re not confined to your image,” esplika niya.

Sabi pa ni Mikael, “I want everything to be uncut... just you, your personality mismo.

“So, doon galing yung title.

“And sobrang nag-enjoy ako.

“I love listening to people tapos yung output ko na photos, interviews, and video, nagustuhan ko, I was inspired with my work.

“So I hope to continue that, very time consuming lang talaga siya ngayon.”



PERSONALITIES. Sino ang gusto niyang subject(s)?

“Yung pinaka-recent na naiisip ko kasi, siyempre you meet someone na, like I met Dong [Dingdong Dantes] before...

“I wanna interview Dong and Yan [Marian Rivera] together.’”

Nagawa na ba niya yun?

“Hindi pa, hindi pa, e.

“Just recently, si Bogart The Explorer, at si Ramon Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Bogart The Explorer, YouTube sensation siya. Komedyante rin siya galing siyang UP.

“E, yung nakakagulat dun, I knew about him four years ago or three years ago.

“Tapos ngayon may backer na siya, backing his comedies, his productions.

“So ngayon, talagang sumisikat siya. Naka-one million views yung isa niyang video.

“Sabi ko, ‘Wow, good job, good job!’

“So I wanna meet him kasi alam ko parang magka-batch yata kami, e.

“So I want to meet him and I want to talk to him.”

Bakit si Ramon Bautista?

“He’s so funny, but he’s so smart! Genius. From what I’ve heard, he’s a genius.

“From the few times I’ve talked to him, kita mo kahit pakengkoy-kengkoy siya, may laman, e. May iniisip siya sa likod, e.

"So I really want to talk to him kahit gaguhan lang.

“I’m sure may mapi-pick up ako sa kanya, e.

“Intelligent comedy ang ginagawa niya, so ako, parang ‘I like you, you’re an artist that the Philippines needs.’”


Tinanong ng PEP si Mikael kung ang iinterbyuhin niya ang sarili niya, what is the one question that he will ask himself?

“How are you feeling right now?”

And the answer?

“I’m feeling great! I’m feeling great!”



VERSATILE ANDREA TORRES. Sa Sana Ay Ikaw Na Nga, leading lady ni Mikael si Andrea Torres na ngayon daw ay mas lalo niyang nagiging ka-close.

Kuwento ni Mikael, “Ever since the very beginning naman, we’ve been talking a lot na.

“Especially during lunch, nagkakasama kami and I think mas lumalim talaga yung relationship namin... in the sense na nakikilala ko yung different sides niya.

“Kasi siyempre, yung atake niya sa different roles niya, still in essence, Andrea Torres’s attack.

“So nakita ko na yung mahinhin niyang atake, yung mataray niyang atake, yung scheming niyang atake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I think, through her acting, nakikilala ko siya, e.

“Since most of the time we’re always so busy, so talagang sa eksena ko lang talaga siya nakikita.

“I mean, other times, she has to rest, she’s doing her hair.

"Sobrang mabusisi kasi she’s playing two roles [as Cecilia and Olga].

“So laging palit ng damit or when may break naman siya, she has to sleep para makapagpahinga.

“So I really see how she is. Alam ko siya kung paano magtaray, alam ko na kung paano siya maging scheming.

“Nakita ko yung different moods and facial expressions niya.

“So, in that sense, iyon, I really got to know her—even the other cast members."

Halos all-star cast ang mga kasama ni Mikael sa Sana Ay Ikaw Na Nga. Kumusta ang samahan nila?

“Ako, I’m really happy with this whole cast—all the way from Marky Lopez, to Gabbby Eigenmann, to Jan Marini, to Ynna Asistio, Jace Flores, even Tita Alicia Alonzo and tita Dexter Doria—lahat masaya!

“Yung teamwork namin, kakaiba e, hindi lang as in…

“At first yung loveteam, parang everyone was saying, ‘Wow, ang ganda ng loveteam, great loveteam.’

“Pero it became more than that, e.

“More than the loveteam, it became the SAINN [Sana Ay Ikaw Na Nga] production team, e—the whole team.

“I’ve always said it, kahit sa mga writings ko, sa mga blogposts ko, sa articles ko... I feel so good because nararamdaman ko na natsa-challenge lahat ng tao dito sa team, at ibinibigay nila talaga lahat.”



UNDAS. Tinanong din ng PEP ang plano ni Mikael ngayong Halloween.

“Wala pa nga, e. I have work, e. Alam ko may promo ako November 3.

“Pero usually nasa bahay ng pinsan ko sa Alabang, family reunion.

“November 1 kami nagse-sementeryo pero [October] 31, madami kaming mga pinsan na mga bata pa, e, sumasama na rin kami sa trick o’ treating.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumasama siya kahit adult na siya?

“Minsan,” tugon niya.

Last year daw ay nagpunta pa siya sa sementeryo kahit artista na siya at hindi naman daw siya nahirapan.

“No, no, no... hindi naman.

“My dad is in Santuario de San Antonio sa may McKinley, so doon kami pupunta.

“And pag may oras pa, sa Twin Hearts sa may West Triangle, doon yung tito ko, brother ng mom ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN