Christian Bautista denies living-in with girlfriend Carla Dunareanu; dismisses question about his virginity

Sa tanong kung nagsasama na ba sila ng girlfriend niyang si Carla Dunareanu sa iisang bubong, ito ang sagot ng singer-actor na si Christian Bautista: "I think it’s better to grow apart and then grow together in a different setting. Kasi minsan iba rin yung mga temptation or stuff na puwedeng mangyari. That’s just me. That’s my personal opinion."


Isa si Christian Bautista sa celebrities na dumalo sa media launch ng Microsoft Windows 8 kaninang tanghali, October 30, sa Genting Club ng Resorts World Manila sa Pasay City.

Kagagaling lang ng tinaguriang “Asiansation” (pinagsamang Asian Sensation) sa Singapore para sa launch din ng naturang computer apps product, kung saan nakasama rin niya ang ilang celebrity ambassadors ng Windows 8.

Sabi ni Christian, “Oo, na-meet ko yung different Windows 8 ambassadors sa Indonesia, Thailand, Malaysia, Singapore.

"I’m very proud and honored to represent Windows 8 from the Philippines.”

Ang music apps ng nasabing produkto ang ginagamit daw madalas ni Christian.

Nagagamit din ba ito ng girlfriend niyang si Carla Dunareanu?

“I’m not sure, I’ve to check,” napangiti niyang sagot.

Kumusta na ba silang dalawa at ano ang plano nila sa darating na long weekend, which starts on All Saint’s Day, November 1?

“Long weekend?” sandali siyang napaisip.

“Her friends are here from Singapore, kasi it’s been a month na hindi sila nagkita," pagpapatuloy niya.

Nagtatrabaho na rin kasi si Carla dito sa Manila bilang DJ sa Magic 89.9.

“Pumunta sila rito para bisitahin siya. We’re giving them time kasi ang tagal naman nga niya rito.

"I’ve met them. They’re really fantastic," sabi ni Christian.

Saan nIla balak pumunta sa Undas?

“Sa Cavite kami. Pupunta kami sa Cavite, pupunta kami sa Pansol [Laguna]… imi-meet namin yung ilang family members.

"Ire-remember lang naming yung aming grandparents na nauna na."



LIVING-IN WITH CARLA? Kapag dumadalaw si Carla sa bansa noon, at ngayong nagtatrabaho na ito sa Manila, saan ito tumutuloy?

Sabi ni Christian, “She’s in Manila. Of course I can’t say kung saang condo. Pero, a… malapit sa pinagtratrabahuan niya."

May mga nagsasabi kasing posibleng nagli-live-in na sila, dahil may sarili nang bahay si Christian dito sa Manila na siya lang ang nakatira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mabilis itong pinabulaanan ng singer at aktor.

“Hindi po kami nagli-live in. We’re separate..."

Sa opinyon kasi ng ilan, nasa hustong gulang naman na sila para magsama sa iisang bubong?

Sagot ni Filipino singer-actor, “Ah, it’s a personal conviction.

"So, for me, I believe na mas okay kung hindi muna i-blur yung line by living together.

"I think it’s better to grow apart and then grow together in a different setting.

"Kasi minsan iba rin yung mga temptation or stuff na puwedeng mangyari.

"That’s just me. That’s my personal opinion."



THIRTY-ONE-YEAR-OLD VIRGIN? About a year-and-a-half ago, may nagtanong kung virgin pa si Christian at sinagot niya ito ng "oo."

Kung tatanungin siya uli ngayon, ganun pa rin ba ang sagot niya?

“Of course, I’m not answering that. No more questions about that. Next question, please,” pag-iwas ni Christian.

Ano ba ang tamang marrying age para sa kanya?

“Dati kasi, sabi ko thirty. Thirty-one na ’ko, so i-reset naman uli natin sa thirty-three."

Parang stopwatch lang na nire-reset?

“Oo nga, e. We’ll never know,” nangingiti niyang sabi.

Pero, nagpaplano na rin ba sila ni Carla ng kasal?

“We talk about it... na I believe if we’re still together, then there’s a big possibility.

"But I don’t want to deny or confirm anything.

"Kasi, marriage is the most important decision that one makes."



MY BRO! Sa katatapos na series of concerts ni Christian na X-Class—in line with his 10th year in show business—na itinanghal sa Meralco Theater ngayong Oktubre, nag-guest ang kapatid niyang si Jordan Bautista.

Marami ang nagsasabi na magkatimbre sila ng boses.

Sabi naman ni Christian, “Merong similarity, pero meron ding slight difference.

"E, siyempre magkapatid kami, e.

"Pero ang kaibahan namin e si Jordan, talagang magaling siyang mag-gitara. Ako, di ako marunong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magaling siyang mag-compose din ng…

“So, eventually, kung merong mga mag-appreciate na maraming fans sa kanyang music, why not?

"Then, why not pumasok din siya sa music industry?"

For sure, binibigyan niya ng pointers at payo ang kapatid?

“Right now, listen to instruction, be disciplined, and talagang i-improve nang i-improve yung talent para magkaroon siya ng distinction.

"Ang mahirap kasi, lagi kaming iku-compare... kung ano yung madi-distinct niya sa music niya aside from me.”

Tuluy-tuloy na ba ang pagpasok ni Jordan sa showbiz?

Sagot ni Christian, “I think meron nang steps na papunta do’n.

"I’m very excited for my brother. I’m gonna help him and support him all the way."



CHRISTIAN, THE POLITICIAN? Malakas ang usap-usapan noon na planong pasukin ni Christian ang pulitika.

Pero hanggang matapos ang official deadline ng filing of candidacy noong October 5 ay hindi nabalitang natuloy siyang kumandidato.

Sabi ni Christian tungkol dito, "Well, now it’s closed, kasi… Tapos hindi na natuloy.

"But there were some negotiations before and talks, pero...

“I believe that even though you’re a singer or an actor, you are a public servant already.

"So, to go into politics is also a serious, serious thing.

"I don’t wanna go there just because I’m a singer or I am an artista.

"I wanna go there… I’m gonna prepare. I’m gonna study.

"I’m gonna start from a low rank so I can get to know the politics side.

"Pero… it’s open. It’s an open thing for me.

“Right now, I believe, it’s not the time. Kasi I haven’t studied properly yet.

"I don’t want to excuse... use my fame to be in politics. I wanna know something.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN