Newbie actor Slater Young learns importance of acting from A Beautiful Affair co-stars

"Sobrang masaya ako sa ginagawa ko ngayon. I enjoy acting. I love it. Parang gustung-gusto kong matutunan ’yong acting," says Slater Young about his new career as an actor.


Bilang baguhang aktor, hindi inaasahan ng Pinoy Big Brother Unlimited grand winner na si Slater Young na bibigyan siya ng mabigat na role sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang A Beautiful Affair.

Gumaganap siya rito bilang pinsan ng lead actress na si Bea Alonzo.

Sabi ni Slater, "I’m still getting used to it bilang mabigat yung role ko and sila lahat ay magagaling na actor.

"I was expecting I would be given a role na parang pa-cute-cute lang, goody-goody lang.

"Pero yung role ko kasi, marami siyang mga conflicts."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Slater sa press conference ng A Beautiful Affair noong Linggo, October 27,

CO-STARS. Nagsimula nang umere ang A Beautiful Affair noong Lunes, October 29.

Isang magandang training na maituturing para kay Slater ang mapasama siya sa proyektong ito.

Aniya, "Yung cast naman, they were very helpful—sila John Lloyd [Cruz], Bea, John Estrada.

"Tama lang kasi tinutulungan lang din ako nina Direk [Katrina ’Katski’ Flores].

"They’re patient with me, alam naman kasi nila na baguhan ako. They take time talaga.

"I keep on forgetting my lines... kasi minsan, kapag ’action,’ diretso nerbiyos ako.

"Sabi niya, ’Okay lang ’yon. As you go along, you’ll get comfortable.’

"E, kaeksena ko pa si Bea, palagi akong nagkakamali. So nahihiya ako kay Bea.

"Si Bea, she takes things right. Parang, ’Ganyan talaga lahat, dumaan kami sa ganyan.’

"So, di ba, parang ang laking lakas ng loob to know that people are on your side?"



IMPORTANCE OF SHOWBIZ CAREER. Bukod dito, sabi ni Slater, nakita niya rin kung paano magpahalaga sa trabaho ang kanyang mga kasamahan sa A Beautiful Affair.

Kuwento ng baguhang aktor, "Kaeksena ko palagi si Bea so nakikita ko kung paano silya nagpe-prepare.

"Nakikita ko how they take acting seriously.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang noong pumasok ako sa [showbiz], ’A, acting-acting-an lang ’yon.’ You read, say your lines, then okay na.

"Ngayon, parang nakikita ko na hindi ganyan.

"Noong nakita ko si Bea, si John Estrada, noong may eksena na kaming naite-tape, [nakikita ko] how they take it seriously, how they rehearse, how they prepare.

"Nakukuha ko na ganun pala yung dedication na kailangan para sa pag-arte."

Bago ang A Beautiful Affair, gumanap na rin sa ilang maliliit na roles si Slater sa iba’t ibang projects ng ABS-CBN; kabilang na ang dating telefantasyang E-Boy, ang weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya, at ang afternoon soap na Angelito: Ang Bagong Yugto.

Sa kanyang mga nakaraang interbyu, sinabi na ni Slater na gusto niya talagang maging seryoso sa kanyang pagiging aktor.

Tila hindi pa rin ito nagbabago nang makausap namin siya.

Sa katunayan, umaasa siya na sana ay magtagal pa ang karera niya sa show business.

"I hope so kasi sobrang masaya ako sa ginagawa ko ngayon.

"I enjoy acting. I love it.

"Parang gustung-gusto kong matutunan ’yong acting," nakangiting sabi ni Slater.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN