Dionne Monsanto cries over Be Careful With My Heart exit: "Sino ba naman ang gustong mawala sa isang toprating show?”

Kinailangang tanggalin ang karakter na ginagampanan ni Dionne Monsanto sa toprating morning drama series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart dahil nagkaroon ng conflict sa kanyang schedule. Pero nagpapasalamat pa rin ang dating PBB housemate dahil hindi siya nawawalan ng projects sa Kapamilya network.


Iniyakan pala ni Dionne Monsanto ang pagkawala niya sa regular cast ng toprating daytime teleserye ng ABS-CBN, ang Be Careful With My Heart, na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Ginampanan niya rito ang role ni Teacher Emy, ang tutor ni Abby (Mutya Orquia) na anak naman ni Sir Chief (Richard) at alaga ni Maya (Jodi).

Sabi ni Dionne, “Sobrang iniyakan ko yun. Because I love working with Jodi, walang kaproble-problemang katrabaho yun.

"Tapos, siyempre, sino ba naman ang gustong mawala sa isang toprating show?”

Ito nga ang natuklasan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin si Dionne sa presscon ng kinabibilangan niyang pelikula sa ilalim ng Star Cinema, ang Suddenly It’s Magic, na ginanap noong Oktubre 29 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ayon sa dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate, naging magkaibigan sila ni Jodi kahit na ang roles nila ay kontra sa isa’t isa sa show.

“Mabait siya… talagang as a whole, alam mo yun? Hindi siya mahirap maging kaibigan kahit na sabihin pang mas matagal na siya sa industriya.”

Pero gustong linawin ni Dionne na hindi naman siya basta tinanggal sa show dahil may problema ang produksyon sa kanya o may problema siya sa produksyon.

Paliwanag niya, “Actually, nakapag-tape na po ako ng parang comeback ko sana.

"Pero hindi lang maayos-ayos yung schedule ko kasi I planned already a trip outside the country para sa birthday ng mom ko.

"So, they didn’t have a choice but to cut my role.”

Hindi ba niya puwedeng i-cancel o i-reschedule ang trip niya?

“No, kasi matagal ko na siyang naipa-book, e. Eight months ago ko na pina-book yun, eight months before the flight ko pa pina-book yun.

"And I couldn’t let my mom down.

"Bago pa ang Be Careful… naipa-book ko na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And yun nga, it’s for my mom’s birthday.

"First time niya mag-abroad sa birthday niya last August.

"E, pina-book ko yun, January pa. We left for Vietnam, Cambodia, and Thailand.”

Sa istorya kasi ay pinaalis si Teacher Emy bilang tutor matapos niyang makagawa ng kasalanan. Pero dapat daw ay babalik siya sa show.

“Supposedly, babalik ako. Kasi wala namang kumokontra kay Maya [Jodi], e.

"Kaya lang, may conflict nga sa schedule during the time na they needed me... I was out of the country.”



FIRST TIME TO PLAY GOOD. Nanghihinayang man sa pagkawala niya sa Be Careful With My Heart, hindi naman daw totally nawalan ng proyekto si Dionne.

Kasama rin kasi siya sa cast ng upcoming Kapamilya afternoon teleserye—ang Precious Hearts Romances Presents Paraiso with Jessy Mendiola and Matteo Guidicelli.

“When I got the news about Be Careful, I was actually taping for Paraiso din kasi hindi conflict sa schedule, e. So, buti na lang may Paraiso pa ako.”

Madalas na kontrabida ang roles ni Dionne sa mga teleserye. Pero sa unang pagkakataon daw ay gaganap siya ng mabait na role sa Paraiso.

“Sister ako ni Matteo Guidicelli. Sobrang happy ako to get this role kasi for the first time, mabait ako sa isang series.

"Kasi usually ano ako, e, maldita—nang-aagaw ng asawa, mataray, kontrabida. Pero this one, mabait ako rito.

“Mahirap din pala to play good lalo na pag nasanay ka na kontrabida ang ginagampanan mo.

"Pero nakapag-adjust naman ako at nagawa ko naman yung kailangan sa role ko.

"And it’s been a great joy to work with amazing directors—Direk Rechie del Carmen, Nico Hernandez, and Connie Macatuno.

"And then I’m working with a great cast. Mostly taga-PBB pa kasi nandoon—sina Paco [Evangelista], Wendy [Tabusalla], Pamu [Pamorada], and of course si Matt Evans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami naming taga-PBB doon, so masaya.”



WORKING WITH MARIO & ERICH. Bukod sa TV show na Paraiso, mapapanood din si Dionne sa pelikula ng Star Cinema, ang Suddenly It’s Magic, na showing na ngayong araw, Oktubre 31.

“Ang name ng character ko dito is Ditas. May fiancé ako na foreigner tapos friend ko si Erich. Then we got her to design our cake.

"Wedding organizer din ako kaya si Erich ang kinukuha ko na gumawa ng cakes. Sa movie kasi nagbe-bake siya ng cakes at cupcakes.”

Nag-enjoy raw si Dionne na katrabaho sina Mario at Erich dahil kasama siya sa shooting sa Ilocos.

Ano naman ang masasabi niya kay Mario, na isang Thai superstar?

“I actually did one scene lang with him but I stayed in Ilocos for a week, so nakasama rin ako sa bonding ng grupo.

"Si Mario, at first, parang nakaka-intimidate kasi siyempre from another country tapos superstar siya sa Thailand.

"But when we were introduced, ang bilis niyang naka-adjust sa amin.

"He’s just very nice. Wala akong masasabing pangit about him.

“Pero ang hinangaan ko sa kanya was his patience.

"Kasi iba yung working hours natin dito sa Pilipinas compared sa Thailand.

"Pero walang reklamo na lumabas sa bibig niya. He’s very professional.”

Hindi naman niya first time na makatrabaho si Erich dahil nagsama na sila noon sa ABS-CBN shows na Super Inggo at Maria La Del Barrio. Kaya naman hindi na naging mahirap ang shooting ng mga eksena nila sa pelikula.

Kuwento ni Dionne, “We’re both Bisaya kasi, e. She’s from Davao, I’m from Cebu.

"So, nagbi-Bisaya kami pag nag-uusap. Magka-jive kami ever since.

"Pagdating naman sa acting ni Erich, ang laki ng iginaling niya.

"I think I should also commend Direk Rory Quintos, kasi si Direk, kasama na namin sa Maria La Del Barrio, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi si Direk, sasabihin niya kay Erich, ‘Erich, push pa, push.’ Kahit sino sa amin, ‘Dionne, ibang atake.’

"Ibang klaseng mag-motivate si Direk Rory.

"And we can really see in this movie na iba talaga yung acting ni Erich.”



NO PROBLEM PLAYING SUPPORTING ROLE. Natutuwa naman si Dionne na hindi siya nawawalan ng proyekto sa ABS-CBN, simula noong lumabas siya sa Bahay ni Kuya bilang ex-housemate sa Pinoy Big Brother Season 2, kung saan itinanghal na Big Winner si Beatriz Saw.

Sa dami nga naman ng artista sa ABS-CBN, hindi raw siya napu-frustrate kahit supporting roles ang napupunta sa kanya.

“I’m very happy with what I do, mga support roles. As long as may substance or some sort of importance naman yung role ko, di ba?

"Kasi may times naman na may ino-offer na role pero puwede namang wala yung role na yun.

"Eto, I’m very happy with my roles recently dahil may tatak.

"Katulad sa Suddenly It’s Magic, hindi madami yung scenes ko, pero yung paglabas ko, tatatak at matatandaan talaga.

"And also for Paraiso, same thing.”

Sa ngayon nga raw, siya na lang ang pinaka-aktibo sa ABS-CBN sa batch nila sa PBB.

“I’m very happy kasi ako na lang from my batch na nandito pa rin with Star Magic at gumagawa ng projects sa ABS.

"Yung iba lumipat na, yung iba hindi na nag-continue sa showbiz.

"Si Bea naman po, she’s pregnant now at alam ko may business siya ngayon.

"Kaya thankful ako sa ABS-CBN. Pero sana dumami pa ang projects, sana.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN