Jaclyn Jose reveals Jake Ejercito’s famous parents are against Jake’s relationship with her daughter Andi Eigenmann

Sa usaping ayaw diumano ng ina ni Jake Ejercito, si Laarni Enriquez, na ma-involve ang anak nila ni dating Presidente Joseph Estrada kay Andi Eigenmann, ito ang sabi ni Jaclyn Jose, ina ni Andi: “Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong sabihin, pero hindi ko na sasabihin kasi Presidente ’yan, ’no? Saka love ko rin naman si Erap.”


As of October 29, ayon sa Viva Films, mahigit P100 million na ang kinita sa takilya ng latest offering nilang A Secret Affair.

Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsay, at Andi Eigenmann.

Kasama rin dito ang ina ni Andi sa totoong buhay na si Jaclyn Jose, na gumanap sa pelikula bilang ina ni Anne.

Dahil sa tagumpay ng A Secret Affair, nagbigay ang Viva Films ng isang victory party para sa cast kagabi, October 30, sa City Best Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Yun nga lang, late nang dumating si Anne dahil nanggaling pa ito sa taping ng kanyang noontime show sa ABS-CBN na It’s Showtime.

Hindi naman nakasipot sina Derek at Andi.

Ayon sa staff ng Viva Films, nagpasabi raw si Derek na pupunta, pero nanatili na raw ito sa trade launch ng TV5 noong gabing iyon.

Si Andi naman daw ay hindi pinakawalan ng direktor nitong si Wenn Deramas, mula sa taping ng Kapamilya teleserye na Kahit Puso’y Masugatan.

Ganunpaman, nasa victory party ang direktor ng pelikula na si Nuel Nuval, ang writer na si Mel del Rosario, at ang ibang cast members na sina Shine Carlos, Johnny Revilla, at Jaclyn Jose.



HER DAUGHTER ANDI. Sa naturang selebrasyon ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn.

Hindi maitago ng award-winning actress ang nararamdaman niyang katuwaan sa tagumpay ng anak na si Andi sa pagsabak nito sa pelikula.

Itinuturing kasi ni Jaclyn na launching ng movie career ni Andi ang A Secret Affair.

Saad niya, “Happy, sobrang happy ako for her.

"Kasi, parang one step ito sa kanyang career—one big step.

"Pero, of course, she has other movies, pero hindi katulad nito na ganito na talagang pinuhunanan, malaki, talagang glossy.”

Alam ba ng anak niyang kumita ang pelikula nila?

“Alam niya,” mabilis na sagot ni Jaclyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy siya. Happy siya na napasama siya sa movie ni Anne at ni Derek.”

Ngayong kumita ang pelikula, ibig bang sabihin nito ay hindi na mag-aalangang magpa-sexy si Andi sa mga susunod niyang proyekto?

Sagot ng kanyang ina, “Hindi ko alam.

"The last ko siya narinig, sabi niya, parang this is a challenge—enough for her to do other challenging [roles] than this.

"Pero siguro, iba na lang ang attack.”

Sexy pa rin ba?

“Puwede naman siguro din.”

Okey lang ba kay Jaclyn na yung career path na dinaanan niya noon ang tahakin ngayon ni Andi?

Sa career ni Jaclyn, nagpa-sexy kasi muna siya hanggang sa kilanlin ang kanyang husay sa pag-arte.

Saad ni Jaclyn, “Ay, si Andi rin naman, nare-recognize rin naman sa acting.

"Sabi ko naman sa kanya, ’Basta wag kang mahangad. Marami namang paraan na…’"

Gaano ba siya ka-daring noon kumpara sa anak niya?

“Naghubad, di ba?” pagpapaalala niya sa ginawa niya noong dekada ’80s na Private Show.

Sa direksiyon ni Chito Roño, ito ang pelikulang naglunsad kay Jaclyn bilang lead actress at nagbigay sa kanya ng acting award.

Ayaw niyang maghubad si Andi?

“Oo, for her siyempre—anak ko siya, e. Siyempre, anak ko siya.”

Pero okay lang ba sa kanya na mag-pose si Andi nang sexy sa FHM magazine?

FHM yata, ayaw niya. Kasi she doesn’t want to…

"Kasi sabi niya, ‘Mommy, maaga na nga akong nagkaanak and I’m gonna do things like that? Baka kung ano na…’

“Si Andi ano, hindi siya bara-bara. Conservative.”



ANDI’S LOVE SCENES. Kaya siguro mas pinili ni Andi na mag-pose nang sexy sa November issue ng Esquire magazine dahil iba ang market ng nasabing magazine franchise?

Kuwento ni Jaclyn, “Yung scene nila ni Derek, umiyak siya sa bahay. Yung [sex scene nila sa] construction.

“Sabi niya, ‘It was my first time. I didn’t realize that I could do things...’ Na ano, parang nahihiya siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Porke ba may anak na ako?’ Parang ganyan.

"Sabi ko, ‘Hindi naman.You just have to… parang tatalon yung iyong maturity kasi nagkaanak ka nga nang maaga.

"’Imbes na dumaan ka muna sa mga pa-sweet-sweet, e, tumalon ka na,’ sabi ko.”

Hindi ba’t nagpa-sweet din naman si Jaclyn noon nang sandali bago nag-bold?

“Oo, sa Chikas,” napangiting banggit ni Jaclyn sa pelikula niya noon, kasama ang iba pang mga baguhan.

Nagulat ba si Jaclyn sa mga eksena ni Andi sa A Secret Affair?

“Hindi naman. Kasi alam ko naman na, e. Saka okay lang yun [kumpara] sa mga nagawa ko,” sabi niya.

Ang napansin daw ni Jaclyn sa anak: “She’s so pretty and she’s so galing. Sa akin—ang ganda niya, saka ang galing niya.

“Nagagalingan ako sa kanya. Hindi ko nga lang sinasabi sa harap niya.

“Marami siyang scenes, like sa Kapag Puso’y Masugatan, sa soap namin, ang husay niya!

“Nung isang gabi nga lang na hindi niya alam na birthday niya,” pagtukoy niya sa eksena ni Andi sa kanilang serye.

“Kasi etong si Rafael, Jake Cuenca, dinidedma siya. And then dumating itong si Gabby Concepcion, yung tatay niya.

“Naglilinis siyang ganyan, tapos, ‘Why? Birthday mo, nakalimutan mo? Of course... of course not.’ Ganun-ganun siya,” natutuwang deskripsyon ni Jaclyn sa eksena ng kanyang anak.



TALENT IS IN ANDI’S BLOOD. Sa kanya ba nagmana si Andi ng husay sa pag-arte?

“Of course, sa dugo naming lahat! Naku, ilang generation na ’yan ng Eigenmann at ng akin.”

Ang tinutukoy ni Jaclyn ay ang pamilya ng ama ni Andi na si Mark Gil.

Mula sa mga magulang ni Mark na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa, hanggang sa mga kapatid ni Mark na sina Michael de Mesa at Cherie Gil, at iba pang mga batang Eigenmann na mas naunang nag-artista kaysa kay Andi—Gabby Eigenmann, Ryan Eigenmann, Geoff Eigenman, at Sid Lucero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nagkapatak-patak nang tigka-kaunti. Konti kay Eigenmann, kay Rosemarie.

“Pero mas marami sa akin. ‘Sang baso sa akin!” ngiti niyang sabi.

Malaking factor din marahil na kaya gumaling sa acting si Andi ay dahil sa mga pinagdaanan nito?

“Ah, possible. Lumawak pa nang gano’n dahil sa mga pinagdaanan niya. Possible,” pagsang-ayon ni Jaclyn.

“But she’s kinda artistic na rin somehow when she was in high school, e. Pero naiba ang timpla ng buhay niya.

“So, I guess, I suppose madali siyang umiyak ngayon, a—sawi, broken-hearted.”

Nagpapasalamat din ba si Jaclyn kay Mark dahil binigyan siya nito ng isang Andi?

“Oo naman, that’s the main reason why I do not regret my relationship with him is because of Andi.”

Napatawad niya na ba si Mark?

“Oo, wala na yun. Wala na yun.Tatay na lang siya ni Andi, at ako’y may ibang buhay.”



JAKE EJERCITO. Samantala, kapansin-pansin ang pagiging blooming ni Andi ngayon.

Inamin ng young actress sa mga interview na inspired siya sa kanyang current lovelife kay Jake Ejercito.

Alam ba ni Jaclyn ito?

“Oo, pero bawal, e,” mabilis niyang sabi, kasunod ang isang makahulugang ngiti.

Si Jake ay anak ni dating Presidente Joseph Estrada sa mistress nitong si Laarni Enriquez, isang dating movie actress.

“Hindi ko sinabing sila ni Jake, ang sabi ko lang, mero’n… Dagdagan natin—baka ayaw ng parents.”

Ano ang masasabi ni Jaclyn na pinagbabawalan daw sina Andi at Jake?

Hindi raw kasi gusto ng parents ni Jake na ang dini-date nitong babae ay may anak na sa ibang lalaki.

“Mahirap magsalita dahil Presidente ’yan!” natatawang sabi ni Jaclyn.

“Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong sabihin, pero hindi ko na sasabihin kasi Presidente ’yan, ’no?

"Saka love ko rin naman si Erap.

“Magkakaibigan kami bago it happened.

"Ahmmm… ano na lang, give it to the children. Let them fall in love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay naman sila dati ng pamilya ni Jake, di ba?

“Oo, before. Pero yun nga—yung tagasalo ’ata?”

Ang tinutukoy niya ay ang isyu ng pagiging binata ni Jake, na nai-involve sa dalagang inang gaya ni Andi.

LAARNI ENRIQUEZ. Naapektuhan ba ang friendship nila ni Laarni Enriquez?

“Oo, hindi na kami kasali.

"Kasi every New Year, doon kami, di ba? Ngayon, hindi na kami kasali.

“Magmula nung maliit sina Andi at Jake, si Yca [Veronica Jones, kapatid ni Jaclyn], yung mga pamangkin ko, doon kami nagnu-New Year.

"Ngayon, hindi na kami iniimbitahan.

“Nalungkot ako for my sister. Kasi yung sister ko, best friend niya [si Laarni], e.”

Hindi ba siya gagawa ng paraan para hindi na umabot sa mas malalang sitwasyon ang pagkakaibigan nila sa side nina Jake?

“Alam mo, ang sa akin, matanda na si Jake, matanda na si Andi.

"Gumawa na lang sila ng paraan on their own.

“Kung gusto nilang ilaban ang sarili nila—be quiet about it, fall in love.

"Huwag na lang maging hadlang yung mga tao sa paligid nila.

“As much as they have to obey their parents, do it na lang in a manner na walang sasama ng loob.”

Pero hindi naman affected sina Andi at Jake sa pagbabawal?

“Nilang dalawa? Hindi. Hindi ko nakikitang naapektuhan sila.”

Pabor ba siya sa relasyon ng dalawa?

“I love Jake, grabe! Napakabait na bata, napaka-down-to-earth.”

At nandiyan pa rin si Jake kahit nagkaanak na si Andi?

“Oo. E, silang dalawa, let them fall in love. Ang sarap ma-fall in love.”

Kumusta naman ang sariling lovelife ni Jaclyn?

“Wala. Wala na. Hanapan mo nga ako!” biro niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN