Jewel Mische on ex-boyfriend Richard Gutierrez admitting his relationship with Sarah Lahbati: "If he’s in love and happy, and then I’m happy for him."

Inamin ni Jewel Mische na mahigit tatlong taon ang naging relasyon nila noon ni Richard Gutierrez, pero hindi nila ito inamin sa publiko. Ngayon, mismong si Richard ang nag-anunsiyo ng relasyon nito sa young actress na si Sarah Lahbati. Nasaktan ba si Jewel sa hindi pag-amin ni Richard ng relasyon nila noon? Sagot ni Jewel: “I’m not supposed to get hurt because, like what I said, we were together for so long—it was a decision for both of us. Kung hindi ko d


Sunud-sunod ang paggawa ni Jewel Mische ng mga teleserye, matapos niyang lumipat mula Kapuso network papuntang Kapamilya network.

Matapos ang pagganap niya sa 100 Days To Heaven at Maria la del Barrio, ngayon naman ay mapapanood siya sa Precious Heart Romances Presents Paraiso.


Kasama ni Jewel dito sina Jessy Mendiola, Matteo Guidicelli, at Matt Evans.

Sa press conference ng Paraiso noong Oktubre 25, Huwebes, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Jewel tungkol sa kanyang bagong teleserye, career, at buhay pag-ibig.

Kumusta so far ang taping nila ng Paraiso?

“Masaya po, ine-enjoy ko yung bawat taping days. I look forward to every taping day.

“Kasi ini-enjoy ko yung company nung every co-actor ko and, again, I love my role.”

Ginagampanan ni Jewel sa Paraiso ang papel ng asawa ni Matteo.

Bagamat matagal nang natapos ang Maria la del Barrio, nilinaw ni Jewel na hindi siya nabakante sa trabaho.

“Actually, hindi po, sunud-sunod yung mga projects ko, kasi itong Paraiso, matagal na namin sinimulan… several months ago.

“Actually, one month after Maria la Del Barrio, naibigay na po sa akin yung role ko rito sa Paraiso.

“So, matagal lang yung preparation namin, matagal yung paghahanda at pagbuo sa mga eksena.”

Medyo matagal bago naipalabas ang Paraiso, nainip ba siya sa hindi niya pagiging visible matapos ng Maria la del Barrio?

Sagot ni Jewel, “Hindi ako nainip kasi maraming preparations yung Paraiso, at saka I’m busy doing other things.

“I’m part of this new organization. I’m part of the Operation Smile, yung nagbibigay ng misyon para sa mga cleft-palate kids.

“I’m busy doing that, helping and reaching out to people.”



DARING AND CHALLENGING. Bakit niya nasabi na ito yung pinaka-favorite at pinaka-daring and challenging niyang role so far?

“Obviously, pinakamalalim yung character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Obviously, it’s a lead role.

“At bukod doon, noong pinabasa sa akin yung script about my role, na-excite na ako dahil sa lalim ng character at dun sa mga twists of my character.

“I’m in love with my character!

"She’s a tough woman, she’s a successful woman—pero maraming bubog yung karakter niya.”

Kumusta naman katrabaho si Matteo, bilang asawa niya sa teleseryeng ito?

“I know!" bulalas ni Jewel. "Very professional, meron din kasi kaming mga eksena na may intimate scene…

“Na pinag-uusapan namin bago kami mag-take, though kaunti lang naman yung mga eksena na yun. Mas marami yung sa kanila ni Jessy.

"Pero masasabi ko kay Matteo, sobrang bait niya!”



SENSUAL WORKSHOP. Gaano siya ka-daring dito? Hindi ba sila nagkailangan ni Matteo?

Saad ni Jewel, “First time ko yung mga ganun kong eksena, pero bago naman yun, mayroon kaming sensual workshop.

“Pero, hindi yung sensual workshop na iniisip ng iba.

“Kasi, akala ng iba, pag sensual workshop ay may connotation na malaswa.

“Yung workshop na ginawa namin kasi, more on titigan lang at salita at walang touch na nangyari.

“Sa workshop pa lang, nag-usap na kami ni Mateo.

“Kasi kinakausap na kami ng director na ito yung mangyayari...

"Yun nga, my preparation is to open my mind.

“Pero noong nag-take kami, very, very awkward pa rin kami ni Matteo sa isa’t isa, pero nagawa naman namin nang maayos.”

Paano siya napapayag sa mga ganoong eksena na medyo nagpakita ng skin at sexy?

“Number one, I decided that I want to grow as an actress—and inevitably kasama dun yung mga ganoong eksena, yung tanggapin mo yung mga ganoong klaseng challenges.

“Pangalawa, wala naman na kasing nagbabawal sa akin na gawin yung mga ganoon kasi single nga ako.

“Puwede kong gawin kung ano yung gusto kong gawin, hindi naman na ibig sabihin noon na may nagbabawal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Choice ko rin naman na hindi muna gawin yung mga ganoon.

“Maybe now is the right time for me to do that challenges.”

SINGLE WOMAN. Dahil pareho silang single ni Matteo, kung sakali ba, may posibilidad na maging sila?

“Kasi, ang hirap pong sagutin yung ganoon, e," may alinlangang sagot ng young actress.

“Hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa mga susunod pang pagsasama namin sa teleseryeng ito.

“Pero kung ako papipiliin, ayaw ko po ng boyfriend sa showbiz, e.

“Kasi na-experience ko na at hindi siya nag-work, so ayaw ko na ng showbiz na bf.

“Saka mahirap kasi pag showbiz ang bf mo.”

Ano ang status ng lovelife niya ngayon?

Sagot ni Jewel, “I am single, and I’m enjoying it a lot.

“But there’s this person far, far away—he is non-showbiz.

"Wala lang yun... kilig factor lang yun.

“Hanggang ganoon lang, kasi I love being single.

“I have all the time for myself and for my other dedications.”


JASON ABALOS. Ang akala ng marami ay karelasyon ni Jewel ang ABS-CBN actor na si Jason Abalos, pero matagal na pala silang wala.

Aniya, “It’s been a long, long time—the last time we saw each other.

“It’s something that I don’t really want to talk about because yun ang agreement namin ni Jason—ang hindi siya pag-usapan.

“Out of respect for him, huwag na natin siyang pag-usapan.”



RICHARD GUTIERREZ & SARAH LAHBATI. Ano naman ang reaction niya sa balitang may bagong girlfriend na ang ex-boyfriend niyang si Richard Gutierrez?

Umamin na kasi ang Kapuso actor na sila na ni Sarah Lahbati. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Jewel, “Good! Good for him.

"If he’s in love and happy, and then I’m happy for him.”

May komunikasyon pa ba sila ni Richard pagkatapos niyang lumipat sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sometimes.”

Magkaibigan pa ba sila?

“The thing is… with Richard, what we had—three years of relationship... more… over three years being together—definitely may nabuong friendship doon.”

Pero meron bang magandang closure yung relationship nila ni Richard?

“Ang tagal na! Ang tagal na niyan, huwag na nating pag-usapan,” iwas ng dalaga.

Nasaktan ba siya sa pag-amin ni Richard na may bago na siyang girlfriend, pero noong sila ay hindi niya ito inamin?

“I’m not supposed to get hurt because, like what I said, we were together for so long—it was a decision for both of us.

“Kung hindi ko decision na to be discreet about it, di lumabas din yun, di ba?

“Pero it was a choice for me to keep it private, I’m not supposed to get hurt.

“And if he’s happy talaga now, I’m one of the people who is genuinely happy for him now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN