Yael Yuzon on how he takes care of girlfriend Karylle: "I just do what I do, e.”

Malawak na ang exposure sa showbiz ng Spongecola lead singer na si Yael Yuzon. Hindi lang sa musika pero maaaring umabot sa pagrampa at acting sa pelikula. Sa tanong kung puwede siyang daring at magpa-sexy, sabi niya: “Ayokong gawin yung mga ganoong bagay, e. I just think for a band. I don’t have to take off my clothes or anything.”


Sa November 9 ang launching ng bagong CD album ng bandang Spongecola sa Eastwood City, Libis, Quezon City.

Noong Linggo naman, October 28, guest ang Spongecola sa Party Pilipinas. Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lead vocalist ng banda na si Yael Yuzon.



NEWEST SINGLE. Ibinahagi nito ang kuwento sa likod ng carrier single ng kanilang album.

Kuwento ni Yael, “Yung single is ’EXGF,’ which is already out at may darating na bago na ’Mahaba Pa Ang Gabi.’

“And the video will be out on the Halloween.

“Well, basically, yung chorus niya explains it all.

“Yung girlfriend, ’ito ang ex-grilfriend mo… teka lang, medyo awkward ito…’

"It’s what happens in a small social circle.

“People usually end up becoming the boyfriend or girlfriend of someone…

“Tapos, nangyari yun na your ex is bound to be someone else’s ex…

"In a small circle it happens, e.”

Matagal na ba niya itong na-compose?

“Noong 2008 ko pa siya kinumpose.”

Ibig sabihin, bago pa dumating ang girlfriend niyang si Karylle sa kanyang buhay?

“Before any… long time ago.

“Kumbaga, now it’s a senior… kung nag-first year siya ng 2008, graduating na siya sa March.”

Narinig na ba ni Karylle yung kanta?

“Oo, narinig na niya.”

Ano ang naging reaksiyon nito?

“It’s funny. It’s a funny song kasi, e.

“It’s a fun idea of people becoming the girlfriend or boyfriend ng ex nila, mga ganun lang yun.

“It’s an awkward thing kasi, e.

“Even with friends, parang it’s hard for people na… kunwari even if you’re not the one directly involved…

“Parang, how do you hang out with them if they’re not… how would you hang out with two people or with other people na magkakilala lahat?

"It’s a small circle in a country like this.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COLLABORATION WITH KARYLLE. Nag-collaborate na ba sila ni Karylle sa isang kanta?

“Well, ano, I helped her with her album.

“Kami rin, she helped us with ours. Parang... technically, yes.

“But nothing official because we kinda like helping with each other behind the scenes, mostly.”

Yung mga duets?

“Hindi. Kunwari mga backing vocals, guitar tracks, we record guitar tracks for her songs, mga ganun.

“Our band records mga band instruments. She did it independently, e.

“Normally, it will cost you a lot to hire musicians to record.

“Instead of doing that without major labels backing her up, parang our band jumps in and help her.”

Hindi nila napag-uusapan na mag-collaborate for a duet song or album?

“Lagi naman, e. In this world, nothing but possibilities.

“I’m hoping nga magko-collaborate ko sila more—pati si Zia [Karylle’s half-sister], si Tita Zsa Zsa.

“Pretty much everyone kasi they’re all good musicians, e.

“So, I mean, beyond those big names, they’re really good singers, and they’re creative—not just parang voices.

“They can actually arrange themselves. I’ve seen them do duets, e.

"Kami-kami, parang how to arrange vocal part.

“They can do it, e, parang technical sila.

"It’s always nice to work with them.”

Hindi ba magiging problema ito sa banda kung makikipag-collaborate siya kay Karylle with a duet song or album?

“Hindi naman—I don’t have to.

"We can always jam with Spongecola. I mean, Spongecola jam with them.

“Or even ako lang, with them.

"Pero I mean, I’ve done it before with other artist also.

“Like yung, ’EXGF’ it’s actually a song of Chito Miranda at Los Magno.

“So, parang it’s a collaborative effort na rin naman talaga.”



GETTING BETTER. Mukhang maayos naman ang relasyon nila ni Karylle.

“Oo, yeah,” pagkumpirma ni Yael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Do they easily get along?

“Generally naman, I’m getting along with people naman, e, I think so.”

Napangiti si Yael dahil ramdam niya marahil ang tinutumbok namin na pag-usapan ang kanilang lovelife ni Karylle.

With love?

“With laugh,” sagot naman niya.

Hindi ba love?

“Well, laughter is not only the best medicine, also the best vitamins,” iwas pa rin niya.

Bawal ba niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Karylle?

“Ahm… wala namang ano, e… wala namang… what? Low bat na yung phone mo,” pag-iwas muli nito sa topic.



SEGUE TO ACTING. Wala ba siyang planong mag-venture sa acting?

“Marami nang offers before pa. Pero ako naman kasi, I’m open to acting.

“I don’t have a problem with acting… kasi it’s art.

“Pero I won’t say yes to something just because there’s money involved or projects that will generate exposures.

“Parang hindi naman siya yung job ko—I’m not gonna do like that.

“If I’m gonna act, gusto ko maganda yung script at pagbasa ko pa lang, na-move na ako and it’s something na…

“Hopefully, walang makikialam na major studios para hindi kailangan biglang magbago ang kuwento dahil kailangan ng mas may exposure yung…

“Not of that stuff.”

More on indie films siya kung ganoon?

“Yeah. Kasi ganoon naman yung direction ng mga film, e.

“I think yung best movie na lumalabas later are all indie.”



NO PROBLEM. Open ba siyang makatrabaho sina Dingdong Dantes at Marian Rivera?

Si Dingdong ang ex-boyfriend ni Karylle. At si Marian naman ang current girl ngayon ni Dingdong.

“Well, okey lang naman. I’m open na mag-work with anyone,” sagot ni Yael.

Anong role ang puwede niyang patulan, kung sakali?

“Yeah. Pero kailangang ma-move ako noong role, e.

“Hindi siya role… parang I’ve played a dog in CG [computer generated] dog in a CG movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta maganda yung story, tapos may masasabing maganda at masasabing bago.

“Saka yun nga, hindi tainted by… pagdating kasi sa film, medyo particular ako na parang alam mo na kagaad na…

“Ahh… you’re so commercial, na parang I’ve seen it before, I’ve heard it before, and basically na parang recycled stuff.

“I don’t wanna be part of.

“But if it’s like an independent movie na… well, puwede rin namang studio movie.

“Meron din naman magandang ganun, e.

“Mahirap lang maraming makikialam eventually.

“Kasi yun naman ‘ata ang nature ng film, maraming makikialam, e, pag mas maraming nag-i-invest ng pera.

“Maybe keep the budget small and maybe keep the idea that’s fresh and ano…” paliwanag niya.

HONG KONG. Paglabas ng item na ito ay nasa Hong Kong na ang magkasintahang Yael at Karylle, kasama ang iba nilang mga kaibigan.

Sabi ni Yael, hindi ito ang first time niyang mag-abroad na kasama si Karylle.

Tinutukso naming tanong kay Yael: Kaya naman pala masaya si Karylle dahil pinasasaya niya ito ng pagiging romantic niya?

“Comedian ako… sobrang saya ko doon.

“Kasi yun ang dream ko in life—na maging comedian.

“Yung nag-i-stand up na kasabay ni Chris Rock? Yung gano’ng klase ng comedy.

“Medyo metaphorical level, medyo umaabot sa ganoong point—implied. Ganoon.”

Kapansin-pansin ang paggo-glow at pagiging masaya ni Karylle. Paano niya ba inaalagaan si Karylle?

“Ahm… bigyan mo lang ng sopas!” hirit niya.

“Hindi, just general temperament siguro, to be like… ewan ko, hindi ko alam.

"I just do what I do, e.”

Kapansin-pansin din ang pagiging sexy ng kasintahan niya lalo na sa Bench denim and underwear fashion show.

“Hindi na kumakain yun, e,” mabilis na sagot ni Yael.

Hindi niya ba napanood si Kaye sa Bench?

“Nandoon ako ng time na yun... nagpa-sexy rin ako noong araw na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sexy nga ako. Lalabas nga ako sa audience, e,” biro niya.

Hindi ba siya magpapa-sexy eventually?

“Parang girl yung question, a?” ngingiti-ngiting comment niya.

Bakit naman si Kean Cipriano ng Callalily, hindi lang ito lumabas sa pages ng Cosmo Bachelor, rumampa pa ito nang topless sa show?

“Ayokong gawin yung mga ganoong bagay, e.

“I just think for a band. I don’t have to take off my clothes or anything.

“O di ba? Parang… hindi ko naman kailangang… we have songs that people will sing it—I don’t have to do it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN