TV host-actress Gee Canlas on gruelling experience in The Amazing Race Philippines: “Alam ko maganda ako dati, hindi ko alam kung anong nangyari—parati kang tunaw."

Close friend ni Gee Canlas si Paolo Paraiso at natutuwa siyang ikuwento ang unang pagkikita nila sa I Laugh Sabado. Pag-alala niya: “First na ano niya sa akin was nung nagkita kami sa set, sabi niya, ‘Try mong huwag ma-in love sa akin!’Ang kapal ng mukha!”


Tapos na ang taping ng The Amazing Race Philippines, pero hindi pa puwedeng i-announce ang winner dahil kasisimula pa lang ng airing nito sa TV5 this week.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa contestant ng The Amazing Race Philippines na si Gee Canlas.

Ka-tandem ni Gee sa reality show na ito ang kanyang kaibigan na si Sheena Vera Cruz.

Hiningan muna namin ng backgrounder si Gee tungkol sa kanyang showbiz career.

“Sa Pilipinas Win Na Win, nag-host ako kasama sina Ate Pokie [Pokwang], sina Rico Puno.

“Actually, nag-start ako online, nakilala ako na my name online was ’Speedy Gee’ dahil mabilis akong magsalita.

“So, nagkaroon ako ng online show tapos napanood ni Sir Perci [Intalan of TV5], and then decided to contact me and get me as a regular for Lokomoko High at that time.

“Kasama ko na doon sina Alex Gonzaga, sina Kuya Long Mejia...

“After ng one year and a half ko sa Lokomoko, I did some shows for GMA.

“I was a QTV VJ. Kasama ko si Valerie Bondoc, yung asawa ni Onemig [Bondoc].

“Tapos nagkaroon ako ng show there, it’s called I Laugh Sabado, kasama ko naman sina Wally [Bayola], sina Paolo Paraiso, sina Pekto, Janna Dominguez.

“Until nabigyan ako ng opportunity ng ABS na maging host for Music Uplate Live.

“Ako yung babae sa games—wala akong kausap.

“Kami yung nagsasara ng network, pero nakakagulat kasi ang dami palang nanonood.

“Hanggang ngayon siguro, I can honestly say na it was one of the most fulfilling and fun jobs that I had.

“Kasi iyon nga, wala akong kausap, ako lang mag-isa.

“Until nag-reformat na yung show, naging MU Live, naging talk show na yung dating.

“Nakasama ko dun sina Martin Concio, si Tutti Caringal, si Yeng Constantino.

“After ng MU, nag-focus muna ako sa acting workshops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag- acting workshop ako under Gina Alajar. And then I was able to do indie films na ipinalabas sa India, Germany...”



INDIE FILMS. Isa ang Ang Pakiramdam Ng Puso Ko Kapag Iniiwan sa mga indie films na nagawa ni Gee.

“Ako po yung lead, ang nagdirek si Direk Shandii Bacolod.

“Nag-host din ako ng children show sa Knowledge Channel.

“Naging hurado rin ako for Showtime.

Communication Arts graduate ng Miriam College si Gee.



TARP. Paano siya napasali sa The Amazing Race Philippines (TARP)?

Saad ni Gee, “Hindi po siya planado. Ano siya, nagkaroon lang ng opportunity.

“Kasi yung The Amazing Race Asia, na-final cast ako for that.

“Lilipad na kami sa Singapore, tapos ilan na lang kaming pinagpipilian. Hindi kami nakuha.

"Two years ago po yun.

“Yung partner ko dun, yung ka-partner ko sa online show ko—si Abby Asistio.

“Nung nagkaroon ng The Amazing Race Philippines, yung production team ng lahat ng Amazing Race, it’s the same production—AKTV.

“And then they remembered us and then they called us and said, ‘You wanna try and audition for us again?’

“Nagkataon, si Abby, gumagawa siya ngayon ng album niya.

"So, ako, game ako.

“Inisip ko sino kaya puwede kong makasama na mapagkakatiwalaan ko, na hindi lang so-so friend.

“Kailangan talaga dito yung mapagkakatiwalaan mo ng buhay mo.

“So naisip ko si Sheena Vera Cruz, member siya ng Philippine All-Star Dance Group.

“So when we got there, nung in-interview kami, sobrang dali lang, parang napaka-effortless nung banter namin.

“Kasi ang peg sa amin sa show, ’reunited friends.’

“Kasi si Sheena, she lives in New York, she just happens to... like go back and forth here.

“Tapos meron kaming weird pattern...

"Kasi friend ko siya from college, meron kaming yung for months, magbababad kami. Tatambay kami together like...

"Kasi ako, I also have a background in dancing, so training kami together—babad ‘yan. Ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos aalis siya, mawawala for a year, tapos siyempre when you see each other, you’ve been through so much...

“You’ve done so much na it’s always fun catching up with her, but parang parating may pause, may pause parati.

“And sabi ko, now would be the time na we’ve never really done anything na sobrang extreme adventure—although we’re both physical, you know, ’coz we dance.

“So nung in-interview kami for Amazing Race, sobrang excited, parang ‘Bakit kayo sumali?’

“Parang ang sabi lang namin, ‘Kasi kailangan ninyo ng winner!’" sabay tawa ni Gee.

Patuloy niya, “Yun ang sabi namin na, ‘Paano kayo magkakaroon ng show kung wala kayong winner?’

“So parang we were confident, in a way, na kaya naming dalhin yung isa’t isa.

“Hindi cocky, pero just confident na kaya niya akong sakyan if mainit yung ulo ko or kung mainit yung ulo niya, kabisado ko na rin siya.”

Ano ang pinakamahirap na ginawa nila sa TARP?

“Without giving too much info, ano lang siguro yung sa akin, yung tatakbo ka ng dala mo yung backpack mo.

“May asthma ako, e, so ang strength ko, bursts.

“Kunwari tatakbo ka, naa-outrun ko si Sheena in bursts, bigyan mo ako ng fifteen seconds... mabilis ako.

“Pero patakbuhin mo ako ng thirty minutes, an hour, two hours na buhat yun?

“Pero ako, ang pathetic ko lang tingnan, ang feeling ko, para akong pagong from behind... wala nang ulo kasi nakaganyan na ako sa backpack.”



MEN COMPETITORS. Mga lalaki ang ibang kalaban nila, hindi ba niya naramdaman na unfair iyon?

“Hindi rin. Dalawang solid lang na lalaki yung team, yung iba naman, father and daughter. Kaya hindi rin.

“Hindi naman sa sinasabi kong mas matalino kami sa kanila, pero kasi kanya-kanya ng strength.

“So kumbaga, if there are some instances na mas mabilis sila, mas malakas sila, kami naman, baka meron kaming mga trivia...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na alam na namin, na nadaanan namin in our lives, na would come handy at that time.

"So hindi mo masasabi, e.”



MILLION-PESO PRIZE. Two million pesos ang premyo sa TARP.


Tapos na ang shooting ng buong show, alam na nila ang nanalo, pero may confidentiality agreement silang pinirmahan.

Kung manalo sila ni Sheena, ano ang gagawin ni Gee sa one million niya?

“Ako, honestly kasi, I’m a baker. I have a dessert line na business.

“I have bakers pero the recipes come from me. Fudge-a-macall-it—online po.

“I wanna open my own café kasi I’m the type na pag gumagawa ako ng pasta, from scratch yung pasta.

“Mahilig akong mag-ganun, anything that has to do with richness, yung hindi nag-i-scrimp with the ingredient.”

Wala raw siyang formal training in baking or cooking.

“I just really love cooking and baking.

“Baka po mag-iba yung pangalan pero same concept kasi mahirap tandaan, e... Fudge-a-macall-it.

“Pero kasi lumaki ako na, I love Mrs. Fields cookies.

“Kaso the thing, it’s so expensive.

“Ang liit-liit, tapos ang tigas-tigas pa, di ba? It’s like what... forty pesos, di ba?

“So ang ginawa ko, nag-imbento ako ng dough that’s just as soft pero chewy talaga.

“Tapos nag-imbento ako nga mga flavors... mga white pecan, macadamia.

“Ano lang talaga, passion lang.”

Halimbawang matalo sila sa TARP?

“I’m still gonna do what I do, kasi ang passion ko talaga is hosting, strength-finder ako.

“Ang pinaka-motivation ko, what gives me a high is an audience.

“Pag may audience, nag-iiba ako. Parang suddenly, nagta-transform ako.

“Like with Uplate, sinasabi nila, ‘Grabe ang perky mo, grabe ang hyper mo!’

“Which is a facet of me. Pero siyempre, hindi ka naman puwedeng maging ganun 24/7.

“Pero pagdating mo mismo sa camera, may rush akong palaging napi-feel.

“Parang everytime, I actually find myself talking to God na parang ‘Wow God, this is why you made me... to speak, to talk.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inborn ang kanyang pagiging speed-talker.

“Kasi siguro naman, walang tao na nagpa-practice nang ganun!” ang natatawang sabi ni Gee.

“Parang ang pinaka-unique siguro about sa ginagawa ko, meron siyang train of thought—kahit mabilis, naiintindihan siya.

“So, kumbaga, pag binigyan mo ako ng topic ngayon, kaya ko siyang gawan ng something.

“In a way, parang spontaneous.”

NO INVOLVEMENT. Walang boyfriend si Gee ngayon at close friend daw niya sa showbiz si Paolo Paraiso.

“Kasama ko siya sa I Laugh Sabado, e. He’s a good guy.

“First na ano niya sa akin was nung nagkita kami sa set, sabi niya, ‘Try mong huwag ma-in love sa akin!’

“Ang kapal ng mukha!”

Hindi raw nanligaw si Paolo sa kanya.

“Para ko siyang kuya, walang anything.”



ACTING CAREER. Gusto ring mag-venture ni Gee sa acting.

“Definitely not sexy, kasi I think sexy comes in other ways.

“You don’t have to bare skin.

“Although I like dressing sexy, in the sense na hapit, pero huwag namang masyadong magpakita ng balat.

“More siguro on character acting or drama.

“Comedy is my comfort zone, of course. Okay sa akin ang comedy, I’ve been doing it since Lokomoko High.

“But gusto kong mag-try ng bago.”

Gee’s idol…

“Siguro si Toni Gonzaga—comedy, host... she does drama as well, but not too burdening.

“Parang very, very light. Yung pag umiiyak siya, nase-sense mo yung pain niya pero hindi yung talagang hagulgol.”

Ang gusto ni Gee na maging leading man ay ang TARP host na si Derek Ramsay.

“Eto na nga, siyempre kakatapos lang ng TARP.

“Ang type ko kasi, forever na siguro type ko, is kalbo na may tattoo, forever—kahit noon pa.

“Kilala ko na siya [Derek], nakatrabaho ko na siya sa One More Chance, I was the girl na nagpainom ng shampoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung fiancée ni Janus del Prado dun. Di ba, yung nagpakamatay siya, may girl dun? Ako yun.”

Doon pa lang ay crush na niya si Derek?

“Hindi, hindi, ngayon lang. Parang after noong race, siyempre bising-busy ka na nagre-race.

“Yung ganun. Tapos noong presscon, parang sabi ko, ‘Puwede!’”

Hindi ba siya na-distract na habang nagre-race sila ay naroroon si Derek?

“You meet him in the end.”

So binibilisan ba niya para makita na niya si Derek?

“Actually, hindi mo na maisip... You try to look your best pag alam mo nga makikita mo na yung host.

“Kasi iyon na yung iinterbyuhin na kayo and you never get there nang malinis, parati kang hulas.

“Tinatanong nga ako na, ‘Ano’ng feeling mo with this competition?’

“Sabi ko, alam ko maganda ako dati, hindi ko alam kung anong nangyari—parati kang tunaw.”

Hinahangaan din ni Gee si Jericho Rosales.

“Because you see how much he loves God.

“Ako personally, parang I’ve been... yung trait naman in a person, for me, if a guy loves God more than his girlfriend, then you know that matatrato niya nang maayos yung girlfiend niya, kasi nandun yung respect and love for God.

“So maki-carry yun sa relationship nung tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN