Director Nuel Crisostomo Naval ecstatic; Viva Films says A Secret Affair grossed P100 million in six days

Pagkatapos ng tagumpay ng directorial debut ni Nuel Crisostomo Naval, hindi muna siya gagawa ng kasunod na pelikula. Dahilan niya: “Hindi naman basta-basta na gagawa ka ng follow-up movie. Kailangan much bigger, kasi mataas na ang expectations ng marami, especially my producers, Viva Films.”


Kumita ng P100 million sa loob lamang ng anim na araw ang pelikulang A Secret Affair ni direktor Nuel Crisostomo Naval, ayon sa prodyuser nitong Viva Films.

Sa panayam kay Direk Nuel, hindi raw niya ini-expect ito sa kanyang directorial debut, bagamat pinagbibidahan ito nina Anne Curtis, Andi Eigenmann, at Derek Ramsay.

Kabado raw kasi siya noong una na baka maikumpara ito sa No Other Woman, na siyang highest-grossing Filipino drama film sa ngayon, at pinagbidahan nina Anne, Derek, at Cristine Reyes.

Sabi niya, “Nandoon ang kaba ko because malakas pa rin ang impact ng No Other Woman and bida rin doon sila Anne and Derek.

“But we made a big difference with A Secret Affair.

“Ibang-iba ang kuwento niya.

“Aside from the three main stars who are Anne, Derek and Andi…

“Nandiyan din sila Jaclyn Jose, Joel Torre, Jackie Lou Blanco, Johnny Revilla to make the story a lot bigger.

“Hindi lang namin ini-expect that it would be this successful.

“Lahat kami ay overwhelmed sa nangyari noong first day of showing pa lang.

“Parang nasa cloud nine kaming lahat hanggang ngayon,” ngiti pa niya.



DIRECTORIAL CONTRACT. Pumirma na ng three-picture contract sa Viva Films si Direk Nuel.

Pag-iisipan daw muna nila nang mabuti ng kanyang team ang susunod na project dahil kailangang higitan nito ang success ng A Secret Affair.

Kuwento niya, “Pinaplano na iyon, for next year na.

“Hindi naman basta-basta na gagawa ka ng follow-up movie.

“Kailangan much bigger, kasi mataas na ang expectations ng marami, especially my producers, Viva Films.

“For now, balik muna ako sa TV.

“I will be doing new episodes for Maalaala Mo Kaya, and I will be doing music videos.

“Kaya marami pang time to think of a new film project.”



FROM THE RANKS. In-house director ngayon si Direk Nuel ng ABS-CBN, ang Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago siya naging direktor para sa telebisyon at pelikula, nagtrabaho muna siya bilang actor, music video director, production designer, at assistant director para sa ilang malalaking direktor ng Kapamilya network.

Ang unang series na kanyang idinirek ay ang Krystala, na bida si Judy Ann Santos.

Nasundan ito ng SineSerye Presents May Minamahal, Princess Sarah, Your Song, Magkaribal, at maraming episodes ng Maalaala Mo Kaya.



DEREK RAMSAY. Kaya raw gamay na niyang katrabaho si Derek Ramsay at alam din niya kung papaano magtrabaho ang iba pa niyang stars.

Esplika niya, “I know yung range ni Derek as an actor.

“Kaya in this movie, talagang kailangan palawakin niya, or else lalamunin siya sa mga eksena nila Anne and Andi.

“I am surprised that Derek was able to handle his heavy scenes in the movie.

“I know na mahirap para sa kanya but he really gave me what I want from his character.

“And for that, he’s going to be one of the country’s fine actors today.”



ANNE CURTIS. Si Anne naman daw ay first time na makatrabaho ni Direk Nuel, pero nababantayan na niya mga pagganap nito sa ilang pelikula at drama series.

Kaya alam din niya kung saan ang weakness at strengths ng tinaguriang “Princess of All Media.”

Pagkakakilala niya, “Anne has grown tremendously as a mature actress.

“I’ve seen her do comedy and she’s very good… Sa drama, kaya rin niya.

“I know that she has an image to protect because of her numerous endorsements.

“But Anne is somebody who likes to take things to a different level.

“Kumbaga, she dares herself to do roles that can challenge her capability as an actress.

“Kung sa No Other Woman, she was this over-confident woman of the world…

“Dito sa A Secret Affair, we tamed her down a bit but the feistiness of her role is there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unti-unti lang namin nilabas towards the end,” saad ni Direk Nuel.

ANDI EIGENMANN. Standout naman si Andi Eigenmann bilang Sam, ang daring na boyfriend-stealer.

Sabi ni Direk Nuel, “It’s a blessing that Andi came on board, but even if she was willing to do the role, medyo natatakot din siya.

“Hindi niya alam kung paano niya mabubuo ang character niya.

“We have to guide her and explain to her what the role is.

“We understand Andi kasi she came from being a teen actress, tapos first mature role niya ito.

“Ang maganda kay Andi, nakinig talaga siya at inalam niya ang gusto naming ipalabas sa role niya as Sam.

“Alam namin that she can do it because she has acting in her blood.

“Mother niya si Jaclyn Jose and father niya si Mark Gil!

“Her lolo, lola, siblings, titos, titas and cousins are all into acting. Imposibleng hindi siya magaling na artista.

“Once she got it, we were amazed by her performance! There’s no stopping her.

“She gave more than what we expected of her.

“Talagang ginulat niya kaming lahat sa performance niya.

“Andi is really a star!”



KC CONCEPCION. Originally, kay KC Concepcion inalok ang role ni Sam, na napunta nga sa huli kay Andi, dahil nag-back out si KC.

Isang rasong ibinigay ni KC ay conflict of schedule.

Pero ang isa pang rason ay hindi pa raw siya ready sa mga daring scenes ng pelikula.

Kuwento ni Direk Nuel, “When she read the script, she said that she’s not yet ready to do the daring scenes.

“Masyado nga kasing seductive and aggressive ang role na Sam.

“We were excited to work with KC kasi nga it will be a challenge for her to play Sam.

“But it proved to be too much for her, at sinabi nga siya na she wasn’t ready for such a role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naintindihan naman namin siya because may image nga na pinoprotektahan si KC.

“Plus anak nga siya ni Sharon Cuneta, so maraming factors why she has a valid reason to back out.

“We respected naman her decision.


EDITED SCENES. Ang role ni Jaclyn Jose ay isinulat para talaga sa award-winning actress.

Nanghinayang nga lang si Direk Nuel dahil marami sa kanyang scenes ang kinailangang ma-edit out dahil humaba na raw masyado ang pelikula.

“Maraming scenes sina Jaclyn and Joel Torre na we have to take out.

“Ang haba na kasi ng movie… Sayang nga kasi ang gaganda ng scenes.

“But we managed to leave the very good ones ni Jaclyn.

“She really stood out without a doubt,” ngiti pa ni Direk Nuel.

Meron ding international screenings ang A Secret Affair sa Saipan; Guam; Dubai; Ontario, Canada; San Francisco, Los Angeles, Las Vegas, Texas, New York, Chicago, Seattle, New Jersey, Florida, Maryland, at Virginia sa U.S.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN