Miguel Tanfelix graduates from kiddie roles; co-stars with Barbie Forteza and Derrick Monasterio in Paroa

Teenager na ngayon ang dating child star na si Miguel Tanfelix. Kasabay ng kanyang pagbibinata ay ilulunsad na siya ng Kapuso network bilang teen star sa primetime series na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.


First runner-up si Miguel Tanfelix sa StarStruck Kids noong 2004, kung saan itinanghal na winners sina Sam Bumatay at Kurt Perez.

Sina Miguel at Ella Guevarra ang first runners-up ng naturang artista search ng GMA-7 para sa mga bata, kung saan din nanggaling si Bea Binene,

Kuwento ni Miguel, wala na siyang communication kina Sam at Kurt. Pero sa pagkakaalam niya ay mas pinili ng mga ito ang pag-aaral kaysa ipagpatuloy ang pag-aartista.

Tungkol naman kay Bea, hindi raw aware si Miguel sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang batchmate.

Talent ng GMA Artist Center si Miguel magmula pa nang matapos ang StarStruck Kids.

Ilulunsad na siya ngayon bilang teen star sa upcoming early primetime series ng GMA-7 na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Bago ang Paroa, ano ang shows ni Miguel?

“Pa-guesting-guesting lang po,” sagot niya.

Matagal na raw ang huli niyang regular show, ang Tinik Sa Dibdib.

Eleven years old daw siya noon at fourteen na siya ngayon.

Ngayong teenager na siya, ano ang adjustments? Nanibago ba siya?

“Opo, e. Naninibago nga po ako, sanay po kasi ako sa mga kiddie roles, mga anu-ano lang.

“Pero nakakapag-adjust na naman po ako.”

Kasabayan din ni Miguel sa StarStruck Kids si Paul Salas, na ngayon ay napapanood na sa Aryana ng ABS-CBN.

“Magkaibigan pa rin po kami ni Paul.”

Hindi ba siya na-tempt na lumipat rin ng station?

“Hindi po.”

Ka-triangle si Miguel nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa Paroa.

“Opo. Parang mapu-fall rin po ako kay Barbie tapos po meron din po akong ka-partner na si Bianca Umali po.”

Kumusta katrabaho ang mga tween stars? Bukod kina Barbie at Derrick ay nasa Paroa rin ang tween stars na sina Joyce Ching, Rein Escaño, at Rita Iringan.

“Mabait po silang lahat na kasama sa show,” sabi ni Miguel

Hindi ba siya nagka-crush kay Barbie? Magkalapit ang edad nila—14 si Miguel, 15 si Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, hindi, friends naman po kami ni Barbie. Friends po kami.”

Hindi pa raw nagkaka-girlfriend si Miguel.

“Bawal po, e, bawal sabi ng parents ko,” sabi ni Miguel, na panganay sa dalawang magkapatid.

Pero may crush daw si Miguel at ito ay si Michelle Madrigal.

“Maganda po kasi siya tapos mabait, nakasama ko po siya sa Tinik sa Dibdib. Siya po yung parang naging ate-ate ko dun.”

Sino pa ang mga crush niya?

“Lahat naman po hinahangaan ko… si Sam Pinto. Maganda po kasi siya.”

Since teenager na siya, pilyo na rin ba siya?

“Mabait po ako,” sagot ni Miguel sabay ngiti.

Second year high school na si Miguel sa Cavite School of Life na isang Christian school; born-again Christian ang pamilya nina Miguel.

Taga Dasmariñas, Cavite si Miguel at hinahangan din daw niya ang kapwa niya taga-Cavite na si Marian Rivera.

“Hinahangaan ko po siya bilang magaling po siyang artista at magaling sumayaw at maganda.”

Nag-lie low si Miguel sa career niya for a while dahil nag-focus daw siya sa pag-aaral.

Sino ang gusto niyang maging paglaki niya?

“Si Richard Gutierrez po. Kasi po guwapo naman po si Tito Richard, di ba? Gusto ko pong maging ganung kaguwapo.”

Kailan lang ay gumanap si Miguel bilang batang Richard sa Makapiling Kang Muli.

Nakasama rin niya noon si Richard sa Mulawin, kunsaan gumanap si Miguel bilang si Pagaspas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN