JC Tiuseco on dating again: "Naku, steady lang ako. Wala pa rin talaga, e, wala pa.”

JC Tiuseco on being a gym-addict: “Medyo addict ako sa gym, e. Kasi pag walang work... so kung kunyari pag three days yung work ko, yung four days na naiwan, nasa gym ako noon.”


Isa sa mga tinilian sa Lee Fashion Show last October 26 sa Mall of Asia Atrium ay ang Kapuso hunk na si JC Tiuseco.

Ang fashion show ay kaugnay pa rin ng Philippine Fashion Week.

Kasamang rumampa ni JC si Ford Supermodel of the World 2011 Danica Magpantay, ang model-actor na si Rocky Salumbides, at ang aktres na si Andi Eigenmann.



PERFECTLY FIT. Kapansin-pansin ang fit na fit at namumutok sa muscles na katawan ni JC. Paano ba niya name-maintain ang magandang pangangatawan?

Sagot niya, “Siguro nakuha ko na yung tamang pagda-diet, kung paano yung secret na mame-maintain yung ganitong shape ng katawan, tamang diet, workout.”

Hindi masabi ni JC kung ilang beses siyang nasa gym sa loob ng isang linggo dahil, “Medyo addict ako sa gym, e.

“Kasi pag walang work... so kung kunyari pag three days yung work ko, yung four days na naiwan, nasa gym ako noon.”



LOVELIFE. Matagl-tagal na ring walang napapabalitang nililigawan o karelasyon si JC.

Ang huling napabalitang malapit sa kanyang puso ay si Maxene Magalona—na nauugnay ngayon kay Renz Fernandez, anak ng aktres na si Lorna Tolentino at ng namayapang aktor si Rudy Fernandez.

Meron na ba siyang mga idine-date ngayon?

Sagot JC, “Naku, steady lang ako. Wala pa rin talaga, e, wala pa.”

Hindi ba siya natatakot na makuwestiyon ang gender niya dahil matagal na siyang single?

“Hindi naman. Kasi ako naman, hindi naman ako nagmamadali pagdating sa ganyan—lovelife.

“Kung merong babaeng makikilala ko na for me na talaga, it will come.”

Ano ba ang ideal girl para sa kanya?

Aniya, “Wala naman, ang ano lang, matagal kasi akong nag-hibernate, e.

“Hindi ako lumalabas ng bahay, hindi ako sumasama sa mga friends ko kapag lumalabas sila.

“Sa ngayon, medyo lumalabas-labas na ako.”

Bakit ba siya nag-“hibernate”? May naging problema ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni JC, “Wala naman, kasi nagpa-surgery rin ako ng knee ko, tsaka nag-focus lang ako sa work.

“So hindi ako… hindi ako puwedeng uminom, bawal.

“Puro rehab… like yung half-day ko, nasa rehab. Tapos yung half-day ko naman, nasa bahay lang.

“Pero ngayon, okay na, completely healed.”


PROJECTS. Balik-trabaho na rin si JC dahil kasama siya sa cast ng kasisimula pa lang na teleserye ng GMA-7, ang Temptation of Wife.

Ginagampanan niya rito ang papel ng kaibigan ni Dennis Trillo.

Sabi niya, “Right now, nasa Temptation of Wife ako.

"After nung Daddy Dearest, pahinga lang ako ng isang buwan din, work na ulit.”

Masaya ba siya sa takbo ng career niya?

“Oo naman, steady lang.

“It’s okay naman, hindi naman nababakante.

“Like, yun nga, super thankful nga rin ako sa GMA kasi dire-diretso yung work na ibinibigay nila sa akin.

“Hindi naman ako nababakante,” sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN