Steven Silva on issue that his relationship with Diva Montelaba is not helping his career: "Marami kasing opinion sa showbiz—may mga tamang opinion, may mga mali. Pero it’s an opinion."

Steven Silva on playing supporting roles: “Siyempre, hindi naman puwede kong sabihin na hanggang second... best friend ka lang. I have to do my best na ibinigay sa akin... And I’m hoping na sana, after this, mas maganda pa, mas malaki pa yung role na susunod na ibibigay.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Steven Silva sa feeding program at medical mission na isinagawa sa Cavite City noong October 27, Sabado.

Nakasama ni Steven dito ang kapwa niya GMA Artist Center talents na si Mike Tan at ang baguhang si Nicole Donesa.

Ang feeding program at medical mission na ito ay pinangunahan ng Live 2 Give Foundation, na itinatag ng U.S.-based Filipino na si Joy Guzman at ng kanyang pamilya.

Kuwento ni Steven, “Yung mga staff dito, kilala ko sila.

“Naka-based sila sa States at palagi rin silang nag-a-assist sa mga GMA Pinoy TV staff.

“Parang magkakaibigan kaming lahat, sila Ate Joy. Tapos kapag may show sa States, nandoon din sila.

“Hindi naman sila staff, pero ang tingin ko sa kanila, parang family rin.

“Ang tawag ko sa kanila, ate, tita… very close kami.

“So ako, yun ang isang bagay I look forward to.

“At nagkuwento nga si Ate Joy na kapag umuuwi sila sa Pilipinas, may food feeding sila rito sa Cavite.

“And sabi nga nila, bakit hindi ako mag-join.

“Sabi ko agad, sige. Kaya bago ako pumunta ng rehearsal ng Party Pilipinas, nagdaan din ako rito sa Cavite.”

Nagpapasalamat daw si Steven sa mga ganitong pagkakataon na nakakasama siya sa mga ganitong gawain dahil nakakapag-share siya ng oras at effort niya na mapasaya ang ibang tao.



HALLOWEEN IN DAVAO. Ngayong All Saints Day ay nasa Davao si Steven.

Kung walang nabago sa plano niya, noong Martes pa, October 30, nakauwi na ng Davao si Steven.

“Mga six days siguro ako sa Davao.”

Paano ang taping niya ng Coffee Prince?

“Kasi nagte-taping ako this week at saka bago ako umalis papuntang Davao, so meron na kaming material sa Coffee Prince.

“At kapag nagte-taping ako ng Coffee Prince, marami akong mga scenes, kaya okay naman.”

Kapag daw mga ganitong okasyon, sa Davao talaga pumupunta si Steven. Nandoon kasi ang pamilya ng mommy niya, at nakakadalaw rin siya sa mga namayapa nilang mga kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COFFEE PRINCE. Sa Coffee Prince ay ginagampanan ni Steven ang papel ni Bamboo, na best friend ni Benjamin Alves bilang Errol.

Hindi pa raw alam ni Steven kung magkakaroon siya ng love interest sa primetime series nila na pinagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Aniya, “Kaka-deliver pa lang sa akin ng script ng week five.

“Baka magkaroon ng girlfriend si Bamboo o mga girls… hindi ko pa alam. But I’m excited what will happen.

“Si Bamboo kasi, wala siya sa original [story], kaya ang maganda dun, puwede sila i-create ng ibang kuwento sa character ni Bamboo.

“That’s one new development sa week five.

“I think ngayon, week three pa lang ang airing, so medyo ahead din kami sa taping.

“Okay naman ang takbo ng taping namin. I’m enjoying.”

Masaya naman ba siya sa itinatakbo ng karakter niya sa Coffee Prince?

“Yes, I’m enjoying, masaya naman.

“Kapag napapanood ko ang Coffee Prince sa TV, natatawa rin ako. Nakakatawa siya.

“Kasi ako naman, nagsawa na rin ako sa napapanood na puro drama, puro iyak.

“Sa Coffee Prince namin, iba, e. Meron din mga drama, iyakan scene. May comedy rin.

“At may nagko-comment sa amin na maganda ang mga scenes kasi hindi siya puro drama. May mga comedy factor din.

“At saka siyempre, magaling din ang tandem nina Aljur at Kris.

“They work very well together, especially sa mga comedy scenes.

“So far, sa mga shows, I like Coffee Prince.”



SUPPORTING ROLE. How does he feel about playing supporting roles, kahit na siya ang nanalo noon sa GMA-7 star search na StarStruck?

“Okay naman sa akin,” sabi ni Steven.

“Siyempre, we’ll have our time that we’ll play support.

“Siyempre, may time na magiging support ka or second character.

“Pero, masaya ako para kay Benjamin. Nakita ko sa kanya na he’s doing his best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, meron siyang skills pagdating sa acting.

“At saka dahil sa Coffee Prince, nagiging close kami, and I know that he’s doing his best.”

Ngayon ay mas visible at mas marami siyang ginagawang projects.

Nararamdaman ba ni Steven na parating na rin yung time niya? Na siya naman ang susunod na mabibigyan ng lead role?

“I think so,” nakangiti niyang sabi.

“Siyempre, hindi naman puwede kong sabihin na hanggang second... best friend ka lang.

“I have to do my best na ibinigay sa akin. So, I’m doing my best sa role ni Bamboo.

“And I’m hoping na sana, after this, mas maganda pa, mas malaki pa yung role na susunod na ibibigay.”



DIVA MONTELABA. Sunod kinumusta ng PEP kay Steven ang relasyon nila ni Diva Montelaba.

Sabi niya, “Kaming dalawa ni Diva, going steady pa rin.

“I mean, we try to see each other as we can. Minsan kasi, nagiging busy kami sa schedules namin.

“Siyempre, I think ngayon, pareho kaming may shows.

“Si Diva, meron din siyang taping for Aso ni San Roque. But if we can, nagkikita kami.”

Paano niya dedepensahan ang opinyon ng iba na, career-wise, mukhang hindi nakakatulong ang relasyon nila ni Diva sa isa’t isa?

Sabi ni Steven, “Siyempre, that’s their opinion.

“Marami kasing opinion sa showbiz—may mga tamang opinion, may mga mali.

“Pero it’s an opinion.

“Basta kami, we’re just enjoying the friendship and the relationship we have.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN