Mike Tan plans to take voice lessons: "Gusto ko namang may matutunang ibang skills pa aside from acting."

Isang achievement para kay Mike Tan sa tuwing tinatawag siya ng mga tao sa pangalan ng mga characters na ginampanan niya sa TV. Aniya, “... Natutuwa ako kapag nakikita ako ng tao, yung pangalan ng character ko ang sinasabi nila. Kumbaga, nakikilala talaga nila.


Noong Martes, October 30, pa raw dumalaw si Mike Tan sa Manila Memorial Park, kung saan nakalagak ang puntod ng kanyang lolo, na ama ng kanyang Tatay.

Saktong ika-40th day din ng pagkamatay ng lolo niya.

Pagkatapos nito, saka siya nagtungo sa isang charity event ng Live To Give U Foundation sa Cavite City, kung saan siya nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakasama niya rito si Steven Silva at ang baguhang aktres na Nicole Donesa.

Tuwing All Souls’ Day daw, pumupunta rin sila sa Angono, Rizal, para dalawin ang patay sa side ng Mommy niya.

At dahil Araw ng mga Patay, naitanong namin kay Mike kung naaalala pa rin niya sa mga ganitong okasyon ang dating kasamahan nila sa StarStruck na si Marky Cielo.

Aniya, “Oo, oo naman…

“Si Marky kasi, mahirap hindi maging close sa taong yun. Napakabait at saka, siya na yung lalapit sa ‘yo.

“Gusto ko man siyang puntahan, ang layo lang.”

Sa Benguet nakalibing ang katawan ni Marky. At plano ni Mike na daanan ito sa January.

Ang kuwento pa ng Kapuso leading man, “Nagpaplano, well, tingin ko, tuloy na tuloy na aakyat kami ng Mt. Pulag, sa Benguet.

“Tingin ko, madali lang naman makita at mapuntahan ang bahay nila. Kaya I’m hoping na sana, magkaroon ng detour na makakadaan ako sa puntod niya kapag nag-hiking kami.

“Usually kasi, kapag nagha-hiking kami, public bus lang kami, public jeep.”


VOICE LESSON FOR MIKE? Nasa break mode ang career nito pagkatapos ng sunud-sunod na teleseryeng ginawa niya sa GMA-7.

Kaya naman, habang hinihintay ang susunod niyang taping, ipinaalam ni Mike sa handler niyang si Daryl Zamora ang kanyang plano.

Pabirong sabi ni Mike Tan, “Sinabi ko kay Daryl na gusto kong mag-voice lesson. Gusto ko na kasing maging singer.”

Natawa kami sa sinabi niya.

Pero tila seryoso sa sinabi ang StarStruck Batch 2 winner, “Parang seryoso, gusto ko lang na may bagong matutunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Usually naman kasi sa mga out-of-town shows, yun din ang ginagawa ko. Gusto ko namang may matutunang ibang skills pa aside from acting. Kaya ‘eto, pinaplano ko na. Nagtatanong-tanong na rin kung kanino puwede.

“Tapos sa acting workshop naman, tapos na kasi kami na first batch sa Artist Center. Pero, kung meron pa rin ngayon, habang wala pang taping, parang gusto ko rin na mag-seat-in.”

Bagamat nag-improve nang husto ang takbo ng career nito, ayaw raw niyang maging kampante at mag-relax-relax na lang.

Sabi ng binata, “Alam ko na marami pa akong dapat matutunan.

“Alam ko na marami pa akong dapat gawin.

“At palagi ko ngang sinasabi, ang acting, parang pagdu-doctor ‘yan, e. Hindi ka titigil mag-aral. Hindi ka rin titigil matuto. Kasi, once na tumigil ka, yun na ang katapusan mo, para sa akin.”

May follow-up project na ba siya pagkatapos ng Faihtfully?

“This November, sabi nila, meron na raw. Pero, hindi ko pa alam kung ano yung teleserye, kung sino ang kasama ko, kung ano ang role.

“Kaya kung mapapansin niyo, ang haba ng buhok ko. Kasi, hindi ko siya pinapagupitan.

“Gusto ko, kung ano yung bago kong teleserye, may bago rin silang makikita sa akin.”


MIKE’S CHARACTERS. Natutuwa raw si Mike kapag tinatawag siya ng mga tao by his character’s name.

“Kaya nga natutuwa ako kapag nakikita ako ng tao, yung pangalan ng character ko ang sinasabi nila. Kumbaga, nakikilala talaga nila.

“Like for example ngayon, si Perry [character niya sa Faihtfully] talaga ang kilala nila. Nakakagulat nga, yung iba, si Jonas pa rin. Iba kasi ang naging tatak ni Jonas. Hanggang Vietnam, kilala nila.”

Kasalukuyang ipinapalabas sa sa Vietnam ang Kung Aagawin Mo Ang Langit na panghapong teleserye nila noon nina Carla Abellana at Michelle Madrigal.

“May mga Vietnamese rin na nagme-message sa akin, hinihingi nila ang Yahoo ID ko. Sabi ko, I don’t use Yahoo naman. Sabi ko, just follow me on Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka sa kanila, nakakausap nila ang mga artista sa Yahoo. Hindi ko naman alam if okay sa kanila ang Twitter.”

Ilang roles na rin ang ginampanan niya, at kadalasan, mabait siya na leading man. Kung mabibigyan ng pagkakataong pumili, ano ang gusto niyang character sa susunod niyang teleserye?

“Ako, personally, ang gusto ko talaga, pero, ayaw nilang pumayag. Yung gusto ko, kontrabida hanggang dulo.

“Personally, gusto kong maging kontrabida kasi, yun ang hindi ko pa nagagawa.

“Or disturbed na tao. Psycho.

“Kasi, magagawa mo usually ang mga ‘yan kapag dun ka sa kontrabida.

“Pero parang gusto ko rin bumalik ng heavy drama.”

Pero dahil “leading man” nga ang imahe niya sa tao, baka hindi wise bilang career move kapag bigla siyang ginawang kontrabida.

Among the Kapuso actresses, sino ang gusto niyang makatrabaho?

“Palagi kong naiisip si Carla although nagkatrabaho na nga kami. Siguro kasi, maganda yung naging working relationship namin. So, tingin ko, maganda rin siguro kung masusundan pa yung ginawa namin.”

Dugtong pa niya, “Ang dami ko rin kasing natutunan kay Carla. Sa pagtatrabaho niya, pagiging propesyunal niya sa trabaho, ugali niya kapag nasa set, yung pagiging totoong tao niya kapag nasa set.

“Bihira mo siyang makikitaan… o hindi ko nga siya nakitaan na hindi siya naging totoo sa sarili niya o naging showbiz siya, halos hindi ko nakitaan.”

Bukod kay Carla, sino pa?

“Si Heart [Evangelista] gusto ko rin makatrabaho… as leading lady sana kung puwede.

“Si Marian Rivera naman, nakakatrabaho ko rin pero sobrang bilis lang, like sa Tweets for My Sweet noon. Sana, kung mabibigyan ng chance, gusto ko rin silang maka-trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN